Hello po ako po eto c mich po.Tanong ko lang po alam nyo ba kung anu ang harana?
Anu nga ba ang harana?
Ang harana o serenata ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Inaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.Ang unang ginagawa ng lalaki ay nagpaalam sa magulang. Nagpapaalam muna ang manliligaw na lalaki sa tatay ng nililigawan na babae kung puwedeng bumisita sa kanilang bahay. Ikalawa ay yugto ng pagpapakilala ng manliligaw sa pamilya ng nililigawan Kapag pinayagan, pupunta ang lalaki sa bahay ng babae at ipapakilala ng magulang ang kanilang anak. Dapat may dalang mga pasalubong ang manliligaw para sa pamilya ng kanyang nililigawan at sa nililigawan mismo, dahil ang panliligaw ay ginagawa hindi lamang sa babae kundi pati na rin sa pamilya nito. Hindi iniiwanan nang mag-isa ang magkasintahan at palagi may tsaperon ang babae.
Sa gabi, manghaharana ang lalaki sa labas ng bahay ng babae kasama ang kanyang mga kaibigan bilang back-up. Kakanta at maghihintay sila hanggang pagbuksan ng babae ang bintana at imbitahin sila sa loob ng bahay. Kadalasan kasama ng dalawang nagliligawan ang kanilang mga kaibigan o pamilya. Itinuturing na hindi angkop ang pag-iwan ng isang โdi kasal na magkatipan nang mag-isa kahit ano man ang kanilang edad.
Ikato ay paninilbihan at paghaharana, pagkatapos ng unang bisita, dito magsisimula ang totoong panliligaw ng lalaki sa babae. Maninilbihan siya sa pamilya ng babae para ipakita sa kanila at sa babae ang kanyang matapat at taos-pusong intensyon at pagmamahal para sa babae. Ilang halimbawa ng paninilbihan ay ang pagsibak ng kahoy na panggatong, pag-igib ng tubig mula sa balon.
Pang-apat ay ang pagtanggap ng babaePagkatapos ng mahabang panahon ng paninilbihan at mga harana, sa wakas puwede nang tanggapin ng babae ang pag-ibig ng lalaki. Sa estadong ito, puwede na silang magsimulang mag-dateยญยญ sa publikong lugar pero lagi pa ring may kasamang tsaperon. Pupunta pa rin sa bahay ng babae ang lalaki para manilbihan sa pamilya ng minamahal na babae.
Pang-huli ay pamamanhikan o paghingi ng kamay, Kung sa palagay ng lalaki ay handa na siyang lumagay sa tahimik, pupunta siya sa bahay ng babae kasama ang
kanyang mga magulang para hingin ang kamay ng babae sa mga magulang nito. Magdadala rin sila ng maraming pagkain at regalo bilang dote para ibigay sa mga magulang ng babae. Ang dalawang pamilya ay hahantong sa isang kasunduan at sila ang magpaplano ng kasal.
Sa Pilipinas, ang pamilya ng lalaki ay ang nagbibigay ng dote at hindi ang pamilya ng babae. Ito ay dahil binibigyan ng mataas na halaga ang kababaihan sa ating lipunan at hindi madali para sa magulang ang ipakasal ang kanilang dalaga
@Reo @Ruffa @Jane @FelmarAlmighty @Dolores @Cristy at sa iba pang kababaihan dito.
naranasan nyo rin ba ito?
mich
...and you will also help the author collect more tips.
Wala pa..haha..pero gusto ko ma experience ano feeling..haha..asa pa..