High School life, ang pinaka di malilimutang kaganapan ng ating buhay.
Kung saan may tuwa na may lungkot, puno ng kasiyan pero puno din ng iyakan.
Unang pag-ibig ay mararanasan at unang pagkabigo ay matitikman.
Aking nakilala si Barry noong ako ay Elementarya pa lamang. Sa panahong ako ay sumali sa Isang grupo at naging mananayaw.
Kahit kami ay magkaiba ng grupo. Lagi parin kami nagkikita. At doon ko unang nasilayan ang kanyang ka gwapuhan.
At simula noon naging crush ko na si Barry. Pero sa kasamaang palad. Ako ay hindi niya napansin man lamang. Marahil ay napakabata ko pa noon kaya di niya ako pinapansin.
Lumipad ang panahon ako ay high school na. At muling nag krus ang aming landas.
Birthday ng aking kaibigan at ako ay naimbitahan. At di ko akalain na pinsan siya ni Barry.
Si Barry ay walang pagkakaiba noon at lalo lang nadagdagan ang kanyang karisma.
At sa wakas! Ako ay napansin na rin niya. Ako ay nakaupo sa isang sulok at kanyang nilapitan. "Kumain ka na ba?" Ako ay nabigla!
Sa wakas! sa tagal ng panahon napansin na din ako ni crush. Sinagot ko siya na kakain pa lamang at agad siyang umalis.
At sa kanyang pag babalik binigyan niya ako ng pagkain. At doon nagsimula ang Lahat.
Kami ay nag kwentuhan ng kung anu-ano lamang. Na kahit walang katuturan hatid nito ay kasiyahan.
Sobrang kilig ang aking nadarama. Lumapit ang kanyang pinsan. "Uminom ka muna friend".
Bilang pag respeto, aking tinaggap ang inumin. Pero hindi naman ako nag pakalasing dahil papagalitan ako ng aking Nanay.
At yon ang simula ng aming pagkakaibigan hanggang siya ay magtapat ng pag-ibig na nauwi sa pag iibigan.
Sabi ng pinsan niya ay single si Barry. May nobya ito noon pero hiwalay na. Di nagtagal ay sinagot ko siya.
Naging masaya at makulay ang aming pag-iibigan. Nakikita ko naman na tapat at Mahal ako ni Barry.
Ngunit Isang araw, Isang masamang balita ang aking naging bisita.
Si Sheryl! Lumabas ako nang bahay at doon kami nag usap. Sabi niya di siya manggugulo. Gusto lang niya akong makausap.
Parang Isang napakalakas na bomba ang binitiwang mga salita ni Sheryl. Buntis siya at si Barry ang ama!
Sa aking narinig hindi ako makapaniwala. Nakauwi na si Sheryl pero ang aking isipan ay patuloy na lumulutang.
Isang araw ay nakabuo ako ng desisyon. Nakipagkita at nakipag usap ako kay Barry.
Kahit medyo masakit na sa ganoon lamang magwawakas ang aming relasyon.
Ninais ko parin ang makipaghiwalay. Hindi ko maaatim na agawan ng ama ang isang supling.
Ito ay inosente at walang alam sa tunay na nagaganap. Ayokong maranasan niya ang aking naranasan na hindi man lang nakita ang sariling ama.
Di ko akalain na iiyak si Barry. Hinawakan Niya ang aking kamay at umiiyak na nagmamakaawa na huwag siyang hiwalayan.
Hindi niya daw mahal si Sheryl at susuportahan naman niya ang bata.
Pero buo na ang aking desisyon.
Ang makipaghiwalay...
Masakit man marinig ang mga iyak ni Barry na nagmamakaawa. Pero mas pinili ko ang tama.
Hindi man masaya ang kinahinatnan. Alam ko sa puso ko na tama ang aking ginawa.
Si Barry na naging parte ng aking nakaraan. Pinagtagpo man kami ng Panahon pero Pinaghiwalay din ng Tadhana.
At salamat sa iyong pagbabasa...
Inyong lingkod,
leejhen 💞
This is a Filipino version of my Article entitled: Will I let go or Will I hold on?
https://read.cash/@leejhen/short-storieswill-i-let-go-or-will-i-hold-on-7254a49e
Surprise!!!
https://branch.wallet.bitcoin.com/v9q1J3IhVjb
A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.
If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash
And of course much more welcome in noise.cash too.
Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.
I read your story in this weather I have today, rainy, cold, and gloomy. The story made it so melancholic. I wish I could hug you right now :( Napakatapang nyo po. Hinahangaan ko po ng lubusan ang inyong katapangan. Barry could've been the right man for you but it was not the right time for your love. I feel guilty po, because I have an elder step sister. My dad made a mistake and did not take the responsibility and did not chose her mom but instead pursued my mom, which was like you. She could've given up my dad but she fought for their relationship.