Hindi ko alam kung bakit napapadalas talaga ang pagsasalita ko ng Tagalog. Siguro, maraming naka-relate roon sa last article ko nung nakaraan which is “Advantages Ng Pagiging Panget”, and hindi ko ine-expect kung bakit medyo seryoso 'yung mga sagot niyo. Relatively, ginagawa ko lang naman laughter yung article kasi native language ko yon at 'wag na nating pag-usapan 'yung alam mo na... Anyways, let's get started.
Bakit ba ang dami kong nakikita sa Facebook na hindi raw sila mabubuhay kapag wala silang jowa? Aminin niyo nga sa akin, tigang na tigang na ba 'yung mga ano niyo? Killjoy ba ako masyado kaya ko 'yon naiisip or naiisip ko lang yon kasi wala akong pake sa tinatawag nila na true love?
As a certified scroller magdamag sa Facebook, ang majority talaga ng mga memes ko sa timeline ko are all about love or syota. Likewise, mayroon rin akong nakikita na mga memes about their rights, mga nagagandahan at natitipuhan nilang Koreano, at ang hindi mawawala ang mga green minded memes.
Once na magbukas ka ng Facebook at ang mga friends mo ay mga pabebe at hypebeast na high school students, ang pinaka-relevant mo na makikita sa timeline mo ay patungkol sa pag-ibig na hanggang puppy love lang ang finish line. Personally, hindi ko alam kung bakit ganito ako at ini-i-scroll ko lang kapag nakikita ko yon. Ganon na ba ako ka-walang pake sa mundo?
By the way, ito nga pala ang mga typical memes na shineshare nila sa Facebook tungkol sa mga jowa nila 'in the future' na hanggang parinig lang.
Kung i-a-analyze niyong mabuti ang mga litrato sa binigay kong screenshot, sadyang may mga tao talaga na nalulugmok sa buhay nila dahil wala raw silang jowa o hindi kaya, may kasintahan sila na super sweet pero hanggang simula lang naman sila. Corny na kung corny, pero nakakaumay yung ganitong sistema. Konting tampo lang, break na agad tapos may marupok pa sa kanilang dalawa. Ano kaya yon?
Sa pag-ibig ng isang tao, mayroon 'ding iba't ibang klase. Ang una ay ang internet love which came from the word 'internet' na ang ibig sabihin ay nakilala mo lang sa Messenger or specifically through the internet, at ang kadalasang pumapasok sa ganitong kalakaran ay ang mga may Role Play Accounts. May couple dp nga sila pero two weeks lang ang itinatagal. Ang saklap di'ba?
Ang pangalawa at ang pang-huli sa aking listahan ay ang mga taong naka-develop-an mo physically at suwerte ka kapag parehas aprubado magulang niyo. Dito sa love na 'to, mataas ang chance niyo na magtagal kayo pero sana hindi. Joke lang. 😂😂😂😂
By the way, mag-move on na tayo sa ganitong introduction at punta na tayo sa gitna ng article. Ano nga ba ang mga perks ng walang lovelife?
Mababawasan ang kasalanan mo sa Diyos.
Well, this section is only applicable for eighteen years old and above. If you wouldn't mind, sa religion namin na Iglesia ni Cristo, paulit-ulit na sinasabi sa amin ng ministro sa amin na bawal kami na makipagtipan kapag labing-walong taon ka pa lang pababa, o hindi kaya hindi mo siya ka-label or Kapatid sa Iglesia. 'Yun yung paniniwala namin na need talaga natin i-respect, at mas lalong paglabag ang pakikipagtalik kahit wala ka pa sa wastong gulang o hindi pa kayo kasal.
Sa kabilang banda, marami sa mga kabataan ngayon ang pino-promote ang teenage pregnancy sa maling paraan (Kailan ba naging tama ang mali?). Hindi ko talaga alam kung matatawa ako sa mga posts nila na masaya pa na may anak sila o maaawa na lang ako sa kanila kasi ang kitid ng utak nila. Isipin mo, ilang buwan kang ipinagbuntis ng nanay mo tapos wawasakin mo lang lahat ng expectations nila sa'yo. Since ayaw ko na itong patagalin, punta na tayo sa kabilang istasyon (wow, sana all).
Wala kang kaagaw sa time mo at lalong hindi ka na gagastos.
Tuwing Valentines Day, marami talaga sa mga dedikadong lalake ang nagbibigay ng mga rosas sa kanilang sinisinta, at halos karamihan sa mga single na katulad namin ay mga bitter na parang ampalaya. May i-she-share lang ako sa inyo. May kaklase ako noon na binigyan ng mamahaling chocolate galing sa manliligaw niya at lahat ng mga babae sa amin ay nagtilian sa malamang sa malamang. Ako naman na naghihintay lang ng uwian sa klase, of course, wala akong pake.
Share ko ulit, may katabi ako sa subject na Araling Panlipunan last year na binigyan ng Stick-O at siyempre, humingi ako sa kaniya kasi nga grasya 'yon men. Ang sweet nga ng guy eh, kaso Iglesia siya kaya thumbs down ako. Pero masarap talagang mamburaot sa klase, sayang 'di ko na magawa ngayong pandemic. Kasalanan ng paniki na yon haha.
On the other hand, kalimitihan talaga sa mga artista or professionals ang nakikipag-seperate sa kanilang mga partners dahil sa kanilang mga careers, at ang pinakamagandang example ko for this one is ang tambalang Kang Daniel at Jihyo, and Heechul at Momo. Alam niyo ba kung bakit sila naghiwalay? Ang pinaka-safe na sagot para sa tanong na ito ay dahil sa kanilang career. If you have an idea about JYP artists, halos lahat ng mga trainees nila ay pinapagod nila. 'Yung iba, mistreated pa.
'Eto nga pala ang mga sabaw guys.
Hello guys, tapos ko na 'yung article ko. Para lang akong nagsisiwalat ng mga kuwentong barbero habang sinusulat ko 'to. Ang kulit, parang ang layo sa mga articles ko na seryoso at puro kadramahan sa buhay kahit kakaroon ko lang ng problema. Thank you sa pagbabasa. Sabog na naman ang king niyo na walang ginawa kung hindi mag-ingay ng mag-ingay.
VERY WELL SAID! 👏 masyado na nga ngayon ang teenage pregnancy tapos ang ending maghihiwalay tapos papabuntis sa iba. Yung may anak ka nga pero iba-iba ang ama. Tapos ipapaalaga sa mga magulang o ibang kamag-anak yung anak. Para kasing kulang na sa gabay ang ibang mga kabataan. Or siguro dahil talamak na din mga palabas sa TV mga ganyang lab-lab na yan. Basta ako happy ako single man o may jowa. Nakakamiss ang may jowa pero iniisip ko muna ngayon sarili ko. Wala na ako pakialam kung lagpas na ako kalendaryo. Naexperience ko naman umibig pero maganda magfocus na lang sa sarili at sa family. Syempre kasama na doon ang Diyos.