Nakakabobong Maging Bobo

14 196
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Nonsense

Caution: dies in cringe

Ano ba'ng feeling na maging matalino kahit isang araw lang? Tila ba na wala akong potential sa lahat. Wala akong talentong maipapagmamalaki sa magulang ko dahil simpleng tao lamangng ako. Kagaya ngayon, nagsusulat ako ng wikang Tagalog sa halip na wikang Ingles. Alam ko sa panahong ito, habang binabasa mo ang post na ito, handa na ang mga daliri mo na mag-type ng mga motivational quotes like “Keep it up. Don't degrade yourself,” or “Walang pinanganak na matalino, lahat tayo...”

Sa totoo lang, I'm kinda sick at those stuffs. Parang pinapamukha nila sa akin na kaaawa-awa ako na ewan. Parang bobo lang ako mga pards habang sinusulat ko 'to. Anyways, siguro mas maganda na hatiin natin ito sa iba't ibang pangkat to specify the aims of the article. Maybe let's start now habang nasa tamang cycle at hindi pa mapurol ang utak ko.


Naranasan mo na ba maging bobo pagdating sa gawaing bahay? Actually, ang magiging hypothesis ko na sa tanong kong ito ay “oo” ang isasagot niyo pero bihira lang. Sa kasamaang palad, I always occurred that kind of curse. Hindi ako ganon ka-efficient pagdating sa utusan katulad kanina. Busy ako kanina sa pag-re-recheck ng mga LAS at hindi ko namalayan na sunog na yung niluluto 'kong canton.

As usual, binungangaan ako ng Nanay ko kasi raw bobo raw ako at sinabihan pa ako na walang nararating. Of course, na-trigger ang migraine and anxieties ko 'non. Isipin mo, four hours lang tulog ko for the consecutive two days and hindi ganon nag-fu-function ang utak ko. Masyadong masakit ulo ko kasi ang tagal ko ng sabog na maghabol sa mga performance tasks na kailangan kong asikasuhin. Malamang, nagtampo ako. Masyado akong immature mag-isip pero ganon talaga eh. Pasensya na kung ganito lang ako. Conversely, let's look forward now at my another kabobohan para naman pagkaparehan ko nga katangahan ko.


Any tips to be intelligent academically? Ako lang ba? Ako lang ba ang magaling magsagot in a ranting way pero walang masagot sa nga exam? Gusto ko kasi maranasan na konting basa lang sa lesson, kabisado mo na yung lesson. Ang bobo ng mga tanong ko, hindi ba?

Iniisip ko sa sarili ko kung bakit ako pinanganak na bobo, like hindi ba pwedeng kami naman ang pumili ng kahihinatnan sa buhay? Ganyan din tanong isang user rito kaso di ko na papangalanan. Gusto ko lang naman na ma-gets yung mga modular lessons ko pero bakit ba kasi ginawa ng China yung virus like nagdudusa ang buong mundo dahil sa inyo. Hindi kami mga disiplinadong tao tulad ng iba sa inyo niyo no haha. Dahil sa inyo, pinamukha mo sa akin na wala akong mararating. Sana all matalino. Sana all na lang.

Meanwhile me nung wala pang pandemic. Sana all na lang talaga.


Nasa kalagitnaan na ako ng article na ito nung naisip ko ang kataga na ito, “Maganda ba ang pagkakalimbag sa mga articles ko?” Hindi ko alam kung tama ba ang method ko na pagsulat. Hindi ko rin alam kung maayos at magaganda ang kahihinatnan kapag isinapubliko ko ito. Ano bang kulang sa akin? Saan ba dapat ako mag-inprove? Sa galing ba sa pagsulat o sa paggaling mag-inarte?

To be honest, hindi ko talaga alam kung tama ba na isulat ko ito. I admit na nag-iinarte ako pero bakit parang ang daming mga puzzles na nawawala para mabuo ang tunay na kagalingan ko. It's been a long time since nagsulat ako ng ganitong genre at frequently ako nagsusulat ng English.

Saan ba dapat ako mag-focus? To write in English or to write in Tagalog? Pasensya na kung nabingi kayo sa mga tanong ko at maraming salamat kung nabasa niyo ito ng buo. Sana maging matalino rin ako tulad niyo. 'Yung talinong organic at hindi hinahaluan ng mga hindi kaaya-ayang kemikal. Maraming salamat sa pagbasa.


10
$ 2.95
$ 2.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Idksamad7869
$ 0.10 from @dziefem
+ 2
Sponsors of kingofreview
empty
empty
empty
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Nonsense

Comments

Mahaba 'to, kaya pasensya na. Haha

Alam kong sawa ka na sa ganito pero sasabihin ko pa din 'yung sinabi ni Sir Tada-Tada sa amin dati (sana kilala mo 'sya). "Walang taong bobo, siguro tinatamad lang sila." Pero I know naman na you were doing you're best. Saka lahat naman tayo dumating sa ganyang situation. No one was perfect, lahat kami nakakasunog ng niluluto. Ako nga kapag sinalang ko na sa rice cooker 'yung kanin namin, bahala na 'sya dun. Kasi sa totoo lang? May pagka-makalilimutin din ako. Hahaha kaya ayun, napapagalitan din. Kaya bawi na lang sa ibang gawin.

Among the three of us, ako talaga 'yung mas malaki ang utak. I know na may ibubuga din mga kapatid ko, kailangan lang siguro talaga nila ng push and that's what was I am doing. 'Nung nabasa ko 'tong article mo, natanong ko sarili ko kung, "ganito din ba naiisip ng mga kapatid ko? Naiisip din ba nila na di sila matalino kasi napunta kay Ate (me) lahat? Mas proud ba sila kay Ate kasi honor student since elementary hanggang ngayon?" Mga ganitong tanong ba. Syempre, masakit. Kaya, oy. Wag kang masyadong harsh sa sarili mo. Push lang! Nakakaumay man marining or mabasa, pero push mo lang yan! No? :)

$ 0.15
3 years ago

Thank you for this.

$ 0.00
3 years ago

Wala 'yun. :)

$ 0.00
3 years ago

Sige lang, labas mo lang lahat yan. Walang mali sayu. May mga oras lang talaga na lutang tayo.

$ 0.02
3 years ago

Ayune, thanks

$ 0.00
3 years ago

All of us have this sabaw moments. Kaya don't be harsh to yourself. Walang taong bobo, nagkakamali lang tayo. :)

$ 0.02
3 years ago

Ako rin po sabaw kanina saka palagi

$ 0.00
3 years ago

may kabobohan din akong ginawa kanina, nagbalat ako ng sili, hindi kao naggloves kase akala ko okay lng pero ngayon prang sinusunog kamay ko sa sobrang init. Grabe ung katangahan ko. Hindi ka nag iisa bro.❤

$ 0.02
3 years ago

Mas bobo lang yata ako. Naalala ko yung hot sauce, nakakapaso haha.

$ 0.00
3 years ago

I think you make the most relatable posts and articles. Hindi ko alam pano ko siya sasabihin in a way that will come off as sincere instead of just me trying to "comfort" you.

I don't think you need comforting. Even yung mga akala mong matalino in everything also struggle sa questions na yan. I won't sugarcoat it and say na you just haven't found your talent. The truth is that you had all the time in the world to learn what you want to do pero instead you choose to believe na you have no talent so that's what you become.

You are what you believe yourself to be. So if you want to be hard on yourself, if you want to be a bobo all your life, then feel free.

Ayun lang peace tayo. I love reading your articles so maybe think of this comment as something that your serious friend will tell you if you are in one of these moods. Hopefully, in the future, you will not find the need to bring yourself down. Keep safe always po.

$ 0.20
3 years ago

Siguro nga ate. Sabog kasi ako nung araw na yan. Sabi ko sa article ko, ang konti lang ng tulog ko tapos may pinuntahan pa ako. In the end, sabaw ako nung sinulat ko yan. Thank you po haha

$ 0.00
3 years ago

Omg I feel matanda sa pagtawag mong ate HAHAHA let's pretend na lang na same age tayo please. Basta tandaan mo lang normal lang maging sabaw. I've been lutang since hs and never na ako naging hindi lutang HAHAHA. May mga miments na mapapasabi tayong omg bat ang bobo ko super, and that's okay. What you feel is valid din, pero don't let yourself be stuck sa dark thoughts mo. Fighting lang palagi kaya mo yan!!!

$ 0.00
3 years ago

Wala naman akong nakikitang mali sayo? Siguro yung tingin mo lang sarili mo is masyadong mababa. Pero oks naman article mo, mas malalim pa nga yung vocab mo kesa sakin 🥴.

Kung sinasabi mong bobo ka dahil parang wala kang nagagawang matino this pandemic, SAME TAYO hshahaha. Akala mo ba mstino ako? Di rin hahaha

$ 0.02
3 years ago

Ako na hindi talaga. Anyways, ganyan din sinasabi ng mga nakapaligid sa akin haha. Siguro needs ko lang maging low key haha

$ 0.00
3 years ago