Paano Gamutin ang Sarili Mong Puso?

Avatar for kat2x
Written by
4 years ago

Magaling magbigay ng payo. Magaling sa kahit anumang problema ng mga kaibigan mo... pero.. kapag ikaw ang nasaktan, kapag sa'yo nangyari, kaya mo bang gawin lahat ng sinabi mo sa kanya??

Ikaw na nagbabasa nito? kaya mo bang pulutin ang sarili mo sa pagkakabasag mula sa pagkahulog sa isang mataas na palapag ng tinatawag nilang napakasakit na karanasan?

Kung ako ang tatanungin, hindi ko kaya. Kailangan ko ng taong magbibigay sa akin ng lakas para labanan ang sakit.

Matinding kalaban ang puso. Sa maraming pagkakataon, madalas magkaaway ang puso't isipan at madalas ding nanalo ito laban sa mas nakakaalam ng lahat - ang utak.

Minsan nawawala tayo sa realidad kapag sobrang sakit ang nararamdaman. Kahit pa ibuhos ang balde-baldeng luha sa isang araw, masakit pa rin talaga. Lalo pa kapag iniwan ka ng taong akala mong magiging katuwang mo sa habang buhay.

Lahat ng dumaraan sa buhay natin ay aalis din. At kapag nawala, ayan durog ka na naman!

Hindi madali ang pagbangon mula sa sakit na naranasan. Ganyan ang mga kaibigan natin. Minsan nagagalit tayo dahil tanga sila, ikaw din naman diba? May sarili kang problema pero di mo kaya kapag wala sila na magsasabi sayo at babatukan ka para magising sa katotohanan.

Paano mo nga ba ginagamot ang sarili mong puso? Kapag nasaktan, kaya mo bang labanan ang sakit? Isipin mong mabuti kung alin ang mas dapat sundin. Si puso o si isip? Magkasama sila pero kailangang pagkasunduin.. para kahit wala ang mga kaibigan mo, isip ang magdidikta sayo upang bumangon at magsimulang muli.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments