hello!! ngayon araw pala ang ika isang taon na hinatid namin ang lola ko sa kanyang huling hantungan,nakakalungkot isipin na may mawawala na importanteng tao sa buhay mo.
Hindi po ako ganung close sa lola ko nung nabubuhay pa siya,pero hindi rin po ako masamang apo sa kanya. Yung lola ko kasi masasabi kong may favoritism,hehehe pero kahit ganun hindi po ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya kasi lola ko siya,nanay siya ng nanay ko. Nakakalubgkot kasi nung nawala siya wala ako sa tabi niya,lumipat na kasi kami ng bahay ng partner ko kaya napalayo ako sa kanya. Dumadalaw naman ako dun pero once a week lang at sandaling oras lang talaga,nagmamano ako sa tuwing pupunta kami ng mga anak ko dun the deretsiyo na sa bahay ng parents ko.
Ang pinaka kinalulungkot ko eh yung hindi ko man lang naalagaan at nabantayan nung may sakit siya at naconfined sa hospital,dahil ilang buwan palang din kami ng bunso ko nun.
Lola miss you po,hindi ko man nasabing mahal kita noong nabubuhay ka,kasi iniisip ko talaga mahaba ka pa naming makakasama. Biglaan kasi talaga yung panghihina mo eh,dinamdam mo talaga yung pagkawala ng pinsan ko. Malakas kapa eh kaya hindi ko talaga akalaon na ilang buwan lang ay susunod kana sa kanya.
I love you La alam ko saan ka man naroroon masaya kana kapiling ng ating Panginoon at kapilibg nila Lolo at ni Pinsan. Bantayan niyo po kami dito lalo na sa panahong ngayon na may epidemia,kayo po ang aming guardiyan angel diyan sa langit.
I love You La..mwah
💔