Isang linggong mga alaala noong may face to face classes pa

30 64

28 September 2021

Lunes

6AM *ring ring (sound ng alarm yan basta)

Lunes na naman! Sabi ko sa aking isipan habang kinakapa ang cellphone na nag-iingay dahil sa alarm. Alas sais pa lamang ng umaga, masyado pang maaga. Baka pwedeng matulog muna kahit ilang minuto man lamang, 8:30 pa naman ang unang klase ko sa araw na 'to.

snooze dismiss

6:30AM *ring ring

Argh. Nag-iingay nanaman siya. Muli kong kinapa ang aking cellphone, muling tumingin sa oras, 6:30 pa lamang kaya’t walang pakundangan ko na naming pinatay ang alarm at natulog muli.

snooze dismiss

7AM *ring ring

Ano ba yan? Ang ingay ingay ng alarm. Muli akong tumingin sa oras sabay hala! Alas siyete na! Pero inaantok pa din ako. Mabilis lang naman ako gagayak, hindi pa naman siguro ako male-late. Last 5 minutes na lang.

snooze dismiss

7:05AM *ring ring

snooze dismiss

7:10AM *ring ring

snooze dismiss

7:15AM *ring ring

snooze dismiss

7:40AM *sound ng katok sa pinto na akala mo ginigiba. Charot, katok yan ng ate ko sabay sigaw ng “bunso! Wala ka bang balak pumasok? Anong oras klase mo?!

Dali dali akong tumingin sa oras, 7:40 na! May ilang segundo pa bago nag sink in sa akin ang oras at saka ako biglang nagpanic. Hala, maliligo pa'ko, kakain pa. Patay ako kay Ma’am pag nalate ako. Kailangan ko na makaalis sa bahay bago mag alas otso.

Mabilis akong bumangon, kinuha ang tuwalya at dumiretso sa shower para maligo. Bigla din akong nagulat dahil sa lamig ng tubig at dahil nga doon, bigla akong nabuhayan, as in buong pagkatao ko nagising talaga. Pero bawal tumulala, tanghali na'ko. Ligo lang ng real quick, bihis ng uniform, wala ng suklay suklay. Kumain ng halos nabubulunan na, bago nilakad ang distansya mula sa aming bahay at kalsada para mag abang ng jeep na masasakyan.

Makalipas ang ilang minuto, sa wakas nakasakay din.

Mga labing limang minute din ang byahe mula bahay hanggang University pero dahil sa ilang stop over, kabado na din talaga 'ko na baka malate ako. 8:10, 8:15, 8:20! Sa wakas! Ang jeep ay huminto na din sa Unibersidad. Mga ilang lakaran pa bago sa aming building.

Bumaba na agad ako sa jeep, tapos eto na nga. Ang hassle lang tumawid sa overpass kahit 2 inches lang heels ng black shoes mo. Syempre dapat dahan dahan din sa pag akyat, dalagang Pilipina muna tayo gawa ng nakaskirt ako. Seryoso, ang hassle ng uniform namin.

Brisk walking lang hanggang makarating sa building. Oops. 8:27 na. Hindi pa naman ako late, aabot pa. Dumaan muna ko sa faculty office para kuhanin yung projector sa professor namin. At sa wakas, nakarating din sa classroom, medyo hingal mula sa mabilis na lakaran, salamat sa aircon sa classroom, presko na ulit ang pakiramdam.

8:30AM

Maya maya nga lang, kasunod ko na din dumating ang aming professor. Siya ay nagtuturo habang ako naman ay nagcoconcentrate, nagcoconcentrate na hindi makatulog pero makalipas ang ilang minutong pakikipaglaban, hindi pa din ako nagtagumpay. Salamat na nga lang talaga sa eyeglasses ko na suot, ipapatong ko lamang ang aking siko sa aking desk, at ang mukha ko sa aking palad, yuko ng konti, at pasimpleng iidlip. Magigising na lamang ako muli pagka nag “yes Ma’am” na ang mga kaklase ko nung tinanoong ni Ma’am kung gets daw ba namin ang tinuturo niya.

10AM

Kakaalis lang ni Ma’am at eto nga, next subject na naman. Pagdating ng panibagong prof, panibagong set up ng projector na naman. Ganoon kasi sila, kanya kanya ng projector. Hindi ko din alam kung bakit hindi nalang magkaroon ng projector sa bawat room pero dahil free tuition naman kami, bawal magreklamo. Hehe

Ayon nga, discuss na naman siya. Medyo gutom nako kasi nakailang subo lang ako sa agahan. Tapos etong sumunod na prof namin, kapatid ata ni Miss Minchin, legit kasi yung kilay tapos ang taray. Bawal pa magtagalog kaya nananahimik nalang talaga 'ko. Alam niyo ba, may minsan pa nga na sa sobrang pressure ng kaklase ko habang pinapabasa niya ayon, nagseizure! Nakakatakot siyang tunay, yun lang ang aking masasabi.

11:30AM

At sa wakas, tapos na ang klase! Last subject na din namin sa araw na 'to. Konti lang kasi units namin, 2 subjects a day lang klase namin. Pag wala na group projects, uwian na. Yung iba naman, tumatambay pa sa University. O di kaya yung iba, kung saan saan pa gumagala. Pero bahala sila, ako uuwi na. Syempre, mabait po ako, tutulong pako sa business namin after school.

At doon na nga din nagtatapos ang lunes.

Martes

Eto talaga ang tunay na laban sa paggising. Hindi nakakatuwa yung may 7am class ka. As usual, halos tanghali na naman ako gumising. At least 30 minutes before class sana makaalis ako sa bahay para hindi malate e kaso ang nangyayari yun ang nagiging oras ng gising ko.

Mabilis na ligo lang ulit, tapos nagbaon na lang ako ng agahan. Buti nalang nakaluto na si ate ng ulam. Nagmamadali na ulit akong nag abang ng masasakyan at ilang minuto lamang nakarating na din ako sa Unibersidad. Medyo maaga pa nga ako nakadating, sakto wala pa si Ma’am. Kain muna ako saglit.

Nilabas ko ang aking baunan pero ang hindi ko alam, madami pala doon nag-aabang. At ganito nga ang nangyari bandang huli, muntik nako mabusog sa binaon ko. Hindi ko alam, may picnic pala kami ng mga kaklase ko. Nag enjoy silang makikain sa pagkain ko, ayon, and ending, tagisa tagisang subo lang ang nauwi sa amin, muntik ng umabot sa lalamunan ko yung kanin. Hays.

Maya maya lamang ay nandiyan na si Ma’am. Math class naman ito at sa kabutihang palad, hindi ako inantok o nakatulog. Buti nalang, favorite subject ko 'to.

Mabilis na lumipas ang oras, 8:30 na, tapos na ang klase.

10AM pa ulit yung susunod na klase. Sakto, kumakalam na din talaga ang aking sikmura kaya ako at ang mga gutom ko ding kaibigan ay nagpunta sa paborito naming kainan. Isa lang naman yun sa mga ambulant vendor sa University, tamang kain lang kami ng kwek kwek at friend siomai. Solid, busog dito murang mura lang. 3 piraso 10 piso, parehong kwek kwek at siomai. Enjoy kain habang nagkkwentuhan.

Kung minsan din pala, pag hindi naman kami gaanong gutom, tambay muna kami ni @carisdaneym2 sa library para matulog. Ang komportable lang talaga doon, pwesto ka lang sa sulok, dukdok sa lamesa, at dahil sa lamig din doon, mabilis ka makakatulog. Perfect tambayan ng mga best in puyatan.

10AM

Balik klase na naman. English class naman this time tapos yung prof namin dito favorite magpa role play. Kami naman mga masunurin syempre. Pero wag kayo, magaling po kami sa role play, lahat nagiging comedy. Ultimo electric fan, ginaganapan ng tao. Meron pa nga nung minsan, pulis kasi role niya, medyo may pakulo, baril niya nga e yung black shoes niya. May irraid sila na drug addict doon sa role playing nila kaso nung patakbo na itong si pulis para mangraid, sumabit yung paa niya sa bag ng kaklase ko na nasa sahig, alam niyo sumunod na nangyari? Syempre palakda siya. Pero dahil nga pulis dapat maliksi, mabilis naman siyang tumayo at tinuloy ang dapat na mangyari, the show must go on ika nga nila.

Natapos ang klase na puro kami tawanan. Hindi ko alam bakit pa kami nakakaperfect e puro naman kami kalokohan. Kunwari mga panay pa ang reklamo kasi role play nanaman pero mga ginagalingan naman. Ang saya lang talaga makipag utuan sa mga kaklase tapos hindi pa mahigpit yung prof. Ang sakit nila sa panga, tapos after non sikat na mga artista sa GC. Very good yung mga mahuhusay magvideo talaga.


Grabe napahaba na pala 'to. Biruin mo, nasa Martes palang ako. Kaya naman puputulin ko na muna siguro dito. Feeling ko walang kwenta 'tong sinulat ko pero ayon nga, ilan lamang yan sa mga kwentong face to face classes ko. Miss na miss ko na kasi talaga kaya naisulat ko din ito. Sana habang binabasa niyo 'to, napareminisce din kayo sa school days dati.

Yun lang, hanggang sa susunod. Salamat sa pagbabasa! :)

12
$ 8.73
$ 8.37 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.05 from @ExpertWritter
+ 5
Sponsors of immaryandmerry
empty
empty
empty

Comments

Nakakamiss rin talaga yung face to face classes. Yung tipong gigisingin agad nina Tita ng 4:30 AM kase male-late na daw ako sa 7:30 AM class ko. Ang sakit kaya nun sa ulo Kase di Nila alam na 3:30 na ako natutulog hahahaha. Tapos ang malala walking distance lang naman ako sa school pero parang gustong gusto na nila ako paalisin sa bahay hahaha. Pero relate din ako dun sa share share ng baon hahaha,😂🤣Nakakamiss talaga unlike ngayong online classes, Wala ka na ngang makausap personally tapos required pang English speaking maghapon🤧🤧

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA GRABE NAPAKAAGA! Huy same. Kaloka kaya gumising ng 6am tapos 5am na natulog hahshaam lutang ako always pag pumapasok e

$ 0.00
3 years ago

Gusto ata nila ako magbukas ng University hahahha. Plano ko na nga hingiin yung susi kay Manong Guard char😂🤣 Pero mas energetic at active ako sa school kapag puyat ako hhahahha .

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAH magulo din ako sa school pero pag nagkklase inaantok ako talaga ahahha napakaaga mo naman kasi pumasok

$ 0.00
3 years ago

Naalala ko po na CAT ang last sub namin noon. May sinabi yung teacher namin sa mapeh which is yung guide namin na may one week suspension tapos wala ng tuluyang pasok. Buti nga eh, at wala nang pasok non kasi di natuloy theater. Besides, naalala ko na one week bago mag-cancel ng klase, may cheerdance noon tapos di ko napigilan luha ko non kasi 6/30 lang ako sa quiz HAHAHAHAHHAHAA. Habang nagpapractice tapos di ako maka-move on kasi tama lahat sagot ko eh mali ako ng instruction. Pinuyat ko pa naman yon haha kainis. Nakakamiss rin ate haha. Di ko man lang naranasan ang saya ng SHS, sayang

$ 0.00
3 years ago

CAT? JHS? HAHAHA officer ako non. Ang saya din. Hayaan mo, dibale may iba ka pa maeenjoy. Matagal ka pa naman mag aaral, baka sakaling mag face to face classes na ulit.

$ 0.00
3 years ago

Sana all nakakapag aral haha . Pero nakakamis din ahh pumapasok ako ng tahimik tapos guguluhin ako ng mga kaibigan ko :)

$ 0.00
3 years ago

Ako padating palang nagkakaingay na hahshs

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako dun sa nag picnic kayu hahaha. Tas yung pagkain mo yung pinapak hahaha. Simula nang na baon ako, nabusog yung mga kaklase ko hahahaha. Nakakamiss yung face to face class huhu

$ 0.00
3 years ago

Hahaha. Ubos pagkain e, ayon, may baon pero gutom pa din. Pero ang saya lang talaga diba share share haha

$ 0.00
3 years ago

Oo nga beee eh. Share sa lahat

$ 0.00
3 years ago

Nakakamiss talaga ang face to face class. Naalala ko tuloy college days ko. Hehehe

$ 0.00
3 years ago

Hahaha. Nakakamiss sobra!

$ 0.00
3 years ago

WAHAHAHAHAHA, hanep ako walang alarm noon ee matic na pag patak ng 5 gising na ako nyan ahaha. No choice, katulong akong magbukas ng tindahan ee ahaha. Natawa ako sa ang dami mong kasalo ahaha. May ganyan din kaming kaklase noon, high school days naman un. Iisang kutsara nga lang ang gamit ee. Ganon sila ka close, pero masayang panoorin pramis hahaha. Nakakamiss talaga yang ganyan Marygoround, ung kahit cramming di naman ganito sa katulad ng online class nas the best pa rin talaga ang f2f kasi nay bonding time tapos sabayan ng wagas na kalokohan haha.

$ 0.00
3 years ago

Hala ang aga gumising sana all! Kasi naman ate, 5am, halos kakatulog ko lang nyan 🙈 hahahahaha

Ay jusq dami ko pinapakain hahahaha. Share share na kami, iisa lang din kutsara. Bawal maarte hahahaha. Pwede pa yun non, wala covid, di natatakot magkahawaan uwu ang saya lang talaga kahit hindi ako nabusog hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, yan tayo ay. Magaling kana sa puyatan veteran na ganon. Kamusta naman ako, pinapagalitan ni mudra once nag puyat hahaya bawal ako mag puyat sabi suskopo patawarin haha.

Hahahaha, sad lang ano di na pwd ngayon. Aguyyy. Kahit pa family mo yan, ibayong ingat parin ang kailangan aguy.

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha ngayon behave nako, masakit ka mangurot e chour hahahsha. Kaya lutang ako always pag papasok noon e pano walang tulog sa bahay haha tapos diretso pwesto after school. Para kong working student hahaha

$ 0.00
3 years ago

Mas exciting pa din talaga pag face to face noh? Naalala ko nung college ako, papasok ng maaga para mangopya ng assignment hehehe..Lalo na yung mga mahihirap na assignments sa math. Ang siste nito, yung teacher namin ang gusto templated yung aming sulat kaya dagdag hassle..ahahha

$ 0.00
3 years ago

Haha true! Buti may mga mababait na kaklase willing na willing magpakopya. Ang hassle nga naman ng inyo hahaha

$ 0.00
3 years ago

mapagbigay naman kaming lahat dati. Give and take yan eh. Yung mga may sagot ka dapat mong ishare para makakopya ka din sa mga items na di mo alam ang sagot

$ 0.00
3 years ago

True hahaha. Pag wala ambag bawal pakopyahin charot hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ahahaha.. Tagalibre nalang sa lunch ang ambag ng iba

$ 0.00
3 years ago

Ay may nanlilibre! Hahaha. Samin wala e

$ 0.00
3 years ago

Heheh.. Minsan meron..

$ 0.00
3 years ago

Lol nakakamiss mag aral High School talaga pinaka da best. Una palang relate na ako e 🤣 HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Mga hirap na hirap bumangon sa umaga hahaha

$ 0.00
3 years ago

naalala ko tuloy ung college days ko..haha

$ 0.00
3 years ago

Haha. Good old days. :)

$ 0.00
3 years ago

Yes, na papa reminisce talaga ako, lalo na yun part na nagmamadali parati. Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Parating sakto lang sa oras yung pasok hahaha tamang kasunod lang yung prof ganon haha

$ 0.00
3 years ago