Virtual friendship Part 1

29 15

Things may get hard but never stop smiling. Yan ang huling mga katagang sinabi niya sa akin bago kami nawalan nh komunikasyon. Nagsimula ang lahat maraming buwan na din ang nakakalipas. Tipikal na nangyayari sa social media. Nag send siya ng friend request, pero dahil nga ayokong basta na lang mag accept ng friend request sa kung sino sino hindi ko muna inaccept yung request niya at ilang linggong nakatambay sa list ng mga friend request yung pangalan niya. So dahil nga naka public yung ibang mga post ko napansin ko na lagi niya kong inistalk kasi araw araw pagbukas ko ng accouny ko nakikita ko na nag react siya sa mga pictures ko (kahit yung mga matagal na) pero di ko na lang pinansin kasi kadalasan naman na ginagawa yun ng iba. Di naman sa pagmamayabang pero photogenic kasi ako hehe pero sa personal pangit talaga ako. Hangang sa isang araw bored ako nun at walang magawa since tinigil ko na paglalaro ng Mobile Legends dahil napansin kong naaadik na ko dun sa laro. So yun nga inistalk ko isa isa yung mga nag friend request sakin. Pag di ko masyadong bet delete na agad, then heto na, nakita ko yung pangalan niya, medyo pang oldie nga eh tapos yung display picture niya parang family sila. Mama, papa and yung anak, though malaki na yung anak pero yung mag asawa parehas pa namang bata. Nakita ko na mutual friend pala namin yung pinsan ko kaya since okay naman yung physical appearance niya inaccept ko na. Oh wag judgemental alam ko naman na halos karamihan sa atin inaaccept agad kapag okay ang itsura ng isa, pero sabi nga beauty catches the eyes but personality catches the heart. So yun na nga naging friends na kami at kinabukasan nag chat na siya, nagreply naman ako pero medyo cold kasi nga feeling ko talaga may asawa na siya. Tapos kung makapangumusta naman akala mo close kami. Pero persistent siya at halos araw araw nag chachat so pinatulan ko na at dun na nagsimula ang lahat. Isa sa natutunan ko sa kanya ay wag talagang maging judgmental kasi nalaman ko na yung kasama niya pala sa display pic niya mga kapatid niya haha medyo pahiya ako ng konti dun. So since nalaman ko nga na single din naman siya kaya nakipag chat na rin ako at nawala nu yung coldness kuno. Ang dami pala naming similarities. Hindi ko inexpect na sa itsura niyang yun mahilig din siya sa romantic movies. At yung choice namin sa music parehas na parehas. Inintroduce niya din sakin yung music nila at nagustuhan ko kaya nga ngayon puro ganun na laman ng playlist ko. Nakaka amaze din kasi yung life story namin halos pareho. God fearing din siya and very spiritual minded person, makikita at mararamdaman talaga sa mga sinasabi niya yun. First time din na naging close ako sa opposite sex though virtual nga lang yung friendship namin. Pero pinaparamdam niya talaga sakin na hindi hindrance yun para iconsider niya ko as a real friend. Sa totoo lang medyo ilag kasi talaga ako sa opposite sex, di naman sa ayaw ko sa kanila pero nakakainis lang kasi marami na kong naencounter na sa una okay naman and it seems na friendship lang din talaga yung hanap nila pero kapag tumagal na gusto mag level up and yun ang pinaka ayoko kasi kahit na nasa marrying age na din ako pero masasabi ko na hindi pa ko ready talaga sa romantic relationship. I'm very straightforward na friendship lang talaga ang kaya kong ioffer at ayokong lumagpas pa dun which is hindi magawa ng iba. Pero siya hindi siya katulad ng iba. Masaya ako na nakilala ko siya kasi parang nagkaroon nga ako ng older brother sa katauhan niya. Nasasabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko, yung mga problema ko without the feeling of awkwardness. Tsaka pinaparamdam niya na naiintindihan niya talaga ako. Kaya naging sobrang comfortable talaga ako sa kanya and as time goes by mas lumalim pa yung friendship namin.

PS. Part 1 pa lang 'to. To follow yung part 2. Haha comment naman po kayo kung nagustuhan nyo. So yun nga, since wala akong maisip na isusulat, magkukwento na lang ako. And this is based on a real personal experience.

3
$ 0.00
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments

Nadaanan lang sa newsfeed ko Ma'am 😂

$ 0.00
4 years ago

Waaaah! Nakakahiya. Pagpasensyahan mo na po dahil one week pa lang yata ako sa read.cash nung mga panahong sinulat ko to 😂

$ 0.00
4 years ago

Ako nga wala pa dito noon e 😂

$ 0.00
4 years ago

Hmmmmmm..... Cant wait for the continuation of your story

$ 0.00
4 years ago

Hehe thanks for the support. Enjoy reading!

$ 0.00
4 years ago

Woohh So great!! Love the story Keep doing this content. cant wait the Second episode. see yeah in a bit goodluck Bebs 🤗🤗

$ 0.00
4 years ago

Thank you for taking the time to read and comment. Second episode is on it's way 😁

$ 0.00
4 years ago

woooowwww!! so much exciting!! 😁😁 Keep it up 🤗

$ 0.00
4 years ago

Totoo..uso na ngayan ang virtual friendship dahil sa mga makabagong gadgets na gamit ng mga millenials ngayon.

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga po eh. Pero okay din naman kasi sa tulong ng technology we can reach out to people and gain friends kahit sa other side of the earth.

$ 0.00
4 years ago

haha nice story pero nakakabitin! aabangan ko part two neto. update na please! nice talagaaa

$ 0.00
User's avatar Ace
4 years ago

Hehe salamat at naappreciate nyo po. Isusulat ko part 2 mamaya bago ako matulog kaya abangan nyo na lang po bukas 😁😁

$ 0.00
4 years ago

subscribe po kita para makita ko agad. sana subscribe back din po kayo hehe

$ 0.00
User's avatar Ace
4 years ago

Done na po, nasubscribe na din kita hehe madali naman akong kausap

$ 0.00
4 years ago

thank you po!

$ 0.00
User's avatar Ace
4 years ago

Nakakaintriga naman yan kuya naging kayo ba patingin nga ng couple pic sa Ending?

$ 0.00
4 years ago

may part 2 po yan hahaha

$ 0.00
4 years ago

Have a great story it is! This article is very fine. Friend is the another part of our body. We can not live happily without this person.

$ 0.00
4 years ago

it's a great story. we can not live happily without these person

$ 0.00
4 years ago

Hays. Naranasan ko na rin yung virtual friend na opposite sex. Kuya kuya kuno. Pero na fall ako. As in fall talaga. Nahulog. Ang sakit. Masakit kayang mahulog nang walang sumasalo.

$ 0.00
4 years ago

Hindi Naman nasusukat Yung pagiging magkaibigan as long as sincere kayo sa pakikilagkaibigan nyo eh.. mas masya Lang talaga pag may ganon

$ 0.00
4 years ago

Right. As long as nandun yung sincerity maaasabing real yung friendship. Pero mas masaya kung magiging magkakilala pa rin personally.

$ 0.00
4 years ago

Marami talagang nagaganap sa social media ngayon minsan di lang kaibigan ang mahahanap mo😂

$ 0.00
4 years ago

Tama. Pero dapat maging vigilant din tayo sa paggamit ng social media dahil minsan yan din ang ginagamit ng masasamang loob para mambiktima.

$ 0.00
4 years ago

Nako po tama ka dyan yung akala mo tutulungan ka yung pala lolokohin ka lang lalo na pagdating sa pera.

$ 0.00
4 years ago

Kaya dapat maging maingat po tayo sa pakikipag deal sa mga tao sa internet. Minsan yung iba naloloko or na iscam kasalanan din naman nila. Ako na scam lang ng mga pekeng websites na di naman nagbabayad pero never pa kong naglabas ng pera. (Wala naman kasing ilalabas hahahaha)

$ 0.00
4 years ago

Your article is very wonderful. Friendship is very necessary for all. Vartual friend is one of them. Carry on your writing.

$ 0.00
4 years ago

Nice one friendship is very essential ..it's necessary to Know those who you call your friends...

$ 0.00
4 years ago

There is no work that a friend cannot do. If a good friend is by our side, then there is no problem in any work. And if there is a problem, it will be solved quickly. Thanks to the author.

$ 0.00
4 years ago