Howdy! Kumusta kayo diyan mga kaibigan. Mga subscribers at masipag na mga taga komento. Heto ako ngayon upang maghatid na naman ng bagong impormasyon. Siguro yung iba sainyo lalo na yung mga baguhan eh hindi pa informed sa bagong guidelines ng website tungkol sa pagpublish ng mga articles at sa pag post sa mga communities. Ako nabasa ko lang din yun kagabi kaya ngayon gusto kong ishare sainyo yung mga nabasa ko dun. So yun nga, kung napansin nyo lalo na yung mga medyo matagal tagal na ding user dito na araw araw padagdag ng padagdag ng bagong users and isa pa sa napansin ko padami rin ng padami ang mga communities. Kahit ano na lang. Habang parami ng parami ang nakakaalam tungkol sa platform na ito siyempre hindi na mawawala ang masasamang loob na suyang sumisira ng kalakaran dito. Nandyan yung mga spammers na paulit ulit lang ang mga comments, minsan di naman related sa article yung sinasabi, mema ang habol lang makakuha ng points. Meron din naamng mga high level na ang kaalaman at gumagawa ng bugs para lang makapandaya at makakuha ng maraming points. Nakakainis yun sa part ng mga users na talagang pinag sisikapang makagawa ng maayos na mg articles at pinapahalagahan ang website na to. Kadalasan kasi nasisira ang isa website or app dahil sa mga mapandayang gusto mabilisan ang kita. Pero kung pakakaisipin, hindi naman talaga madaling kumita ng pera. Kung sa trabaho kaylangan nating maging masipag at magpa sikat sa boss natin para sa mas magandang sahod at hindi rin naman natin agad agad na nakukuha ang sahod, merong after 15 days yung iba naman monthly saka makuha ang sahod. Kaya ang point ko kaylanga maging masipag at gawin natin na makakuha ng pera sa honest na paraan.
Balik tayo sa usapang update ng readcash, sa previous na article sinabi ko na para mas madaming makuhang points dapat ipublish natin sa mas maraming community ang article natin. Pero sa bagong guideline ni readcash hindi na daw yun pwede. Dapat ipublish mo ang isang specific article sa relevant na o nararapat na community. Halimbawa kung tungkol sa music ang article mo ipublish mo yun sa community lang na about music hindi dun sa bitcoin, nature or cooking community (Last na din 'to na magpopost ako sa maraming communities kaya pagbigyan na hehe) And I'm sure marami sa diyan (aminado ako na issa din ako sa gumagawa nito minsan) yung nagpa-publish ng mga article na puro mema lang. Yun bang wala namang sense, di mo maintindihan kung ano ba yung pinupunto basta ang importante makapagsulat ng mahabang article at makakuha ng points, well according sa new guidelines hindi na rin po yun pwede. Kaya oras na para pag isipan natin ng mabuti ang contents ng mga articles natin. Para sa akin okay nga yung bagong guidelines kasi mas mamomotivate tayo na pagandahin ang sinusulat natin at pag isipan ito at iwas na din sa mga mapandaya, yun bang makaka earn ka ng points in an honest way.
So yun lang naman. Comment kayo kung anong pananaw ninyo sa mga pagbabagong ito at kung may ibang points pa akong namiss imention para aware din yung iba.
Daming nang nag bago kay read cash kasi dumami na rin mga users and yung mga spammers