read.cash Log in

@mynameisrizasaniel

Joined 17 June 2020 · 15 posts

simple wife and mom😊

120 KT

0 KT · 6¢ received · 0 KT given

Posts

@mynameisrizasaniel

Blessed Sunday everyone...ask ko lang po,sino na po sa inyo ang may Pi Network app?

@mynameisrizasaniel

I'm back,how are you guys?it's been a while..kumusta ang online/modular classes ng mga kiddos nyo?

@mynameisrizasaniel

goodmorning mga ka RC😊😊😊 kumusta po ang lahat?sino na po ang mga nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP?sana all😁

@mynameisrizasaniel

hello mga ka RC,skl,2 days ako nag laba,yesterday and today,badtrip last week nung nag laba ako nasira pa dryer namin😅 kung kelan nag uulan sumabay pa dryer namin🤦🏻🤦🏻 sino po sa inyo dyan kagaya ko na kapag pagod sa paglalaba mainit ang ulo?😁 ako aminado ako hehe pero kapag nakapag pahinga naman na ako,ayun,ok na ulit😅 siguro natural lang sa babae yun lalo sa mga STAY AT HOME moms na gaya ko,kaya mga boys,paki unawa na lang si misis kapag mainit ang ulo ha,pagod lang yun at kailangan lang ng kaonting lambing at aruga o kaya baka walang pera yun kaya highblood lagi🤣 realtalk lang tayo dito😆

@mynameisrizasaniel

magandang gabi po mga ka RC,may mga alam po ba kayo diyan na iba pa pwde pagkakitaan online,kahit ano po,especially sa BTC,BCH? yung legit po sana hehe at yung free lang po muna like read cash😁 drop your links po iisa isahin ko po sila bisitahin,maraming salamat po😊😊😊

@mynameisrizasaniel

hi mga ka RC,ang bilis nag trending ng TYPING SENSEI noh?lalo sa Facebook earning groups,at isa na ako sa mga nakigulo dun haha😂 legit kaya talaga na kapag naka $2 na pwde na icash out sa GCASH at $10 kapag sa PALAWAN?sana nga,sino na po naka cashout dun?😁

@mynameisrizasaniel

magandanf gabi mga ka read cash,ang galing noh,sobrang legit talaga kahit medyo maliit atleast sigurado tayo dito,ako nga tuwing umaga excited magcheck ng read cash wallet ko😅 sino hindi at sino same?😁😁

@mynameisrizasaniel

Hi everyone,can you suggest any budget friendly dish for dinner?anyway,it's just me and my son will going to have dinner tonight😊 thank you guys😊

@mynameisrizasaniel

🍕Pizza ala Riza🍕 *****INGREDIENTS*****: 🍞 Pan ( kahit ilang piraso gusto mo basta dapat pares ) Gardenia for me😊 🌭 Hotdog ( beks, 2:3 sya,meaning 2 hotdogs kasya sa 3 pares ng pan,gets?😂) 🥚Eggs (2:3 din ang sukatan nya sis) 🧀 Cheese (Eden cheese for me,depende sayo kung gaano karami gusto mo ilagay) Butter 🧂Salt, Pepper & Sugar (Pinch to taste) 🥣Mayonnaise *****INSTRUCTIONS*****: 📌Iprito mo muna yung hotdog sis,baka kasi hindi kumakain ng hilaw yung mga kasama mo. Saka diba mas masarap pag luto yung hotdog? huwag kang ano jan😂😂😂 📌After mo iprito,palamigin mo onte,para di ka mapaso bes o kaya gamit ka tongs😁 hiwain maliliit ang fried hotdog. 📌Slice mo na rin yung cheese beks. Tantyahin mo na lang,depende sayo kung gaano kakapal ang hiwa kasi magmemelt din naman yan. Pero if i were you, huwag sobrang kapal kasi nakakasuya, lahat ng sobra masama at nakakasawa😂😂😂 📌Pahiran mo na ng mayonnaise yung isang side ng pan. It's up to you kung gaano kadami basta alam mo na yan matanda ka na😁😁😁 📌Tapos ipatong mo yung cheese sa side ng pan na may mayonnaise. 📌Then,ilagay mo na yung sliced hotdogs sa ibabaw ng cheese. 📌Ipatong mo na yung kapares ng pan mo.Medyo diinan mong konti para magdikit yung dalawang pan. Basta konting diin lang beks ha baka sa sobrang gigil mo akala mo mukha ng chismosang kapitbahay nyo na yan😆😆😆 📌Ilagay ang itlog sa mangkok,lagyan mo ng konting salt,pepper at sugar,pwde mo din lagyan ng konting milk para mas malinamnam tska mo batihin 📌Dip the sandwich that you made a while ago on the egg syrup(English yun bes). Huwag mo masyado ibabad kasi baka maubos agad yung egg syrup mo kawawa naman yung ibang sandwich baka wala ng matira😅 Dapat pantay lahat bes,walang bias,walang nananamantala,walang corrupt,hindi dapat kakilala lang yung nabibigyan ng SAP😂🤭 📌Lagyan mo ng butter yung pan,dun na lang din sa pinagprituhan mo ng hotdog kanina. 📌Iprito mo na yung sandwich na ginawa mo.Low fire lang sis ha.Remember,bantayan mo maigi kasi may butter yan kaya mas mabilis masunog,mamaya ka na muna makipag kwentuhan o manood ng Netflix jan😆 Tadaaa.. Luto na ang ating Pizza ala Riza🍕🍕🍕 Happy eating mga mars😋😋😋

@mynameisrizasaniel

Steam inhalation Steam inhalation, marahil ay ikaw ay pamilyar dito o sa tagalog ay suob.. Nais ko lamang ishare ang aking karanasan sa unang beses kong pag subok sa suob. Noong nakaraang sabado ay nakaramdam ako ng sipon at ubo,sa panahong ito, bawal magkasakit. Lalo na kapag may pamilya kang kasama mo sa araw araw. Sa aking araw araw na pag browse sa aking social media account na Facebook,palagi ko nababasa ang tips ni Doc Willie Ong,alam ko kilala niyo sya at sino ba naman ang hindi?kahit hindi ko siya personally kilala ay alam kong napakabuti niyang doktor. So ayun na nga,sa post nya nabasa ko ang Steam Inhalation o suob. Heto ng step by step na ginawa ko: Una,nagprepare ako ng tuwalya na makapal, kaserola na may lamang tubig, asin, at upuan. Pangalawa, pinakuluan ko ang tubig sa kaserola (kalahati lang ang laman nito) Pangatlo, kapag kumukulo na ang tubig ay ilagay ang asin at haluin hanggang sa tuluyan malusaw ang asin Pang apat, patayin na ang kalan at hayaan muna ng isa o dalawang minuto ang kumulong tubig. Hindi na ako nagprepare ng maliit na basin o batya kasi sa mismong kaserola ko na ginawa ang suob,sa iba po kasi nagsasalin sila sa batya,ako direkta na kasi sobrang laki ng batya namin dito sa bahay,haha😁 Pang lima, pinatong ko ng dahan dahan sa upuan na may sapin yung kaserola na may kumulong tubig at asin. Pang anim, kunin ang tuwalya at ilagay sa bandang ulo, gagamitin ito upang makulob ang usok na iyong i inhale. Pang pito, itapat ang mukha sa kaserola, huwag masyado malapit at huwag din masyado malayo,yung sakto lang at kaya lang ang init.. pwde din imulat mulat ang mata. Pang walo,ayun po mag inhale ka na ng usok na nakulob sa loob ng tuwalya. Gawin ito dalawa o tatlong beses sa isang araw. Ayun after ko po gawin yun,talagang pinawisan ako at ramdam ko ang ginhawa. Ang asin daw ay may malaking tulong para mabakbak ang madikit na plema.. Syempre po bukod dito,lagi po tayong kumain ng masusustansiyang pagkain,gulay at prutas at panatilihin hydrated lagi ang ating katawan,inom po tayo ng maraming tubig at mag ehersisyo. Sa panahon ng pandemyang ating kinakaharap ay alagaan natin mabuti ang ating sarili upang maging malakas ang ating resisyensya at hindi tayo madali dapuan ng sakit hindi lang para sa sarili natin kundi para na din sa mga mahal natin sa buhay.

@mynameisrizasaniel

hello po,magandang umaga po! bago lang po ako dito😊 few hours ko pa lang po naeenjoy si read cash,share nyo naman po,sino na.po ang naka payout dito at paano.po?hehe ingat.po tayong lahat mga kababayan,God bless po😊😊

@mynameisrizasaniel

Mobilebot Share ko lang po ang experience ko kay mobilebot.May 03,2020 nagsimula ako mag join kay mobilebot,nag pay in ako ng 115 pesos membership fee kaso kapag smart padala ang mode of payment na ginamit mo may 30pesos na service charge si smart padala so bali 145 pesos ang naging total na inilabas kong pera..wala pa kasi laman ang gcash ko hehe kaya sa smart padala na lang ako at yun pa ang pinakamalapit sakin dito..after ko magbayad sa smart padala,screenshot ko agad ang text confirmation at agad ko itong sinend sa up line ko..after po nun may sinend na po sya sakin link ng mobilebot at form na need ifillup para sa membership..pagkatapos naghintay ako para daw sa activation ng code ko..matagal din inabot ng activation ko bago ako nakapag simula,nghntay ako hanggang gabi pero wala pa din,hanggang sa nakatulog na ako,pag kagising ko activated na pala ako at ayun,nagagamit ko na si mobilebot,sa una nakaka enjoy magsolve hanggang sa naisipan ko mag invite na lang para mas mabilis ang earnings ko,sinipagan ko na lang mag invite kesa magsolve hehe..ang dami kong sinalihan na buy and sell groups,homebased job groups and everything hehe,ayun,nakakatuwa at maraming nag how sa post ko,sabi ko pm me,marami nga nag pm at ayun maayos ko inexplain sa kanila kung ano si mobilebot at karamihan aba,nag siseen na lang sa explanations ko kaloka haha pero marami din naman naging interesado at pinaka unang nagpayin under me,ayun inasikaso ko talaga mabuti at naiguide ko naman sya mabuti hanggang sa pumasok na yung first ever referral bonus ko,aba nawili na ko haha at nag invite na lang ako kesa magsolve(pero pag may time nagssolve naman ako multiplication at captcha) hanggang sa di ko namalayan,pwde ko ba ipay out ang points ko,ayun nakakatuwa,june 1 narelease na ang first ever payout ko worth 420 pesos hehe 500 yun less 10% tax less smart padala service kaya 420 ang take home ko dagdag gastos din yun para samin hehe..until now active upline pa dn ako ni mobilebot at thanks sa isang down line ko dahil sa kanya nadiscover ko itong si read cash😊 mag iipon ako dito para sa forsage💪

@mynameisrizasaniel

Magandang umaga po,bagong bago lang po ako dito,kaka signup ko pa lang po few minutes ago and so far,nakakatuwa po ang read cash lalo po at may Filipino Community din po pala dito..medyo hindi ko pa po kabisado,paano po kaya makapag payout dito?hehe excited lang po kasi feel ko po legit naman po ito,salamat po God bless us😊

@mynameisrizasaniel

Bahaghari hello magandang umaga,bago lang.po ako dito..kumusta po kayong lahat jan?kunusta po ang hanapbuhay ng bawat isa o shall i say,may hanapbuhay pa po ba yung iba jan?i mean,paano po tayo naapektuhan ng pandemyang ito?nakakalungkot man pong isipin ang nangyayari sa ating bansa at sa buong mundo,mayaman o mahirap,walang pinipili ang sakit na ito..simula pagkabata ko hanggang sa nagkaisip ako ngayon lang nangyari sa atin ito..hayy ang hirap pero sana lahat po tayo magpakatatag lang po para sa ating pamilya huwag po tayong susuko,sabay sabay po natin labanan at lagpasan ang pagsubok na ito..tandaan po natin na sa bawat pag ulan,,pagkatapos nito ay laging may bahaghari(parang kanta yun ah?) haha..lagi po tayong magmahalan s bawat isa,lagi po sanang manaig ang positivity sa ating buhay..at higit po sa lahat, huwag po natin kakalimutan na magpasalamat sa ating Panginoong Hesus sa lahat ng biyayang ating natatanggap mula sa Kaniya,ito man ay materyal na bagay o hindi..pagmulat pa lamang ng ating mata sa umaga ay isang malaking biyaya na mula sa Kaniya ganun dn sa bawat pagpikit natin sa gabi tayo ay magpasalamat at humingi ng tawad sa nagawa natin pagkakasala..patuloy po natin ipanalangin ang bawat isa,ang buong mundo na nawa ay tuluyan ng mawala ang pandemyang ito dulot ng covid19 .