Updates ni Readcash - A reflection

3 5

Howdy! Kumusta kayo diyan mga kaibigan. Mga subscribers at masipag na mga taga komento. Heto ako ngayon upang maghatid na naman ng bagong impormasyon. Siguro yung iba sainyo lalo na yung mga baguhan eh hindi pa informed sa bagong guidelines ng website tungkol sa pagpublish ng mga articles at sa pag post sa mga communities. Ako nabasa ko lang din yun kagabi kaya ngayon gusto kong ishare sainyo yung mga nabasa ko dun. So yun nga, kung napansin nyo lalo na yung mga medyo matagal tagal na ding user dito na araw araw padagdag ng padagdag ng bagong users and isa pa sa napansin ko padami rin ng padami ang mga communities. Kahit ano na lang. Habang parami ng parami ang nakakaalam tungkol sa platform na ito siyempre hindi na mawawala ang masasamang loob na suyang sumisira ng kalakaran dito. Nandyan yung mga spammers na paulit ulit lang ang mga comments, minsan di naman related sa article yung sinasabi, mema ang habol lang makakuha ng points. Meron din naamng mga high level na ang kaalaman at gumagawa ng bugs para lang makapandaya at makakuha ng maraming points. Nakakainis yun sa part ng mga users na talagang pinag sisikapang makagawa ng maayos na mg articles at pinapahalagahan ang website na to. Kadalasan kasi nasisira ang isa website or app dahil sa mga mapandayang gusto mabilisan ang kita. Pero kung pakakaisipin, hindi naman talaga madaling kumita ng pera. Kung sa trabaho kaylangan nating maging masipag at magpa sikat sa boss natin para sa mas magandang sahod at hindi rin naman natin agad agad na nakukuha ang sahod, merong after 15 days yung iba naman monthly saka makuha ang sahod. Kaya ang point ko kaylanga maging masipag at gawin natin na makakuha ng pera sa honest na paraan.

Balik tayo sa usapang update ng readcash, sa previous na article sinabi ko na para mas madaming makuhang points dapat ipublish natin sa mas maraming community ang article natin. Pero sa bagong guideline ni readcash hindi na daw yun pwede. Dapat ipublish mo ang isang specific article sa relevant na o nararapat na community. Halimbawa kung tungkol sa music ang article mo ipublish mo yun sa community lang na about music hindi dun sa bitcoin, nature or cooking community (Last na din 'to na magpopost ako sa maraming communities kaya pagbigyan na hehe) And I'm sure marami sa diyan (aminado ako na issa din ako sa gumagawa nito minsan) yung nagpa-publish ng mga article na puro mema lang. Yun bang wala namang sense, di mo maintindihan kung ano ba yung pinupunto basta ang importante makapagsulat ng mahabang article at makakuha ng points, well according sa new guidelines hindi na rin po yun pwede. Kaya oras na para pag isipan natin ng mabuti ang contents ng mga articles natin. Para sa akin okay nga yung bagong guidelines kasi mas mamomotivate tayo na pagandahin ang sinusulat natin at pag isipan ito at iwas na din sa mga mapandaya, yun bang makaka earn ka ng points in an honest way.

So yun lang naman. Comment kayo kung anong pananaw ninyo sa mga pagbabagong ito at kung may ibang points pa akong namiss imention para aware din yung iba.

1
$ 0.00
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments

Daming nang nag bago kay read cash kasi dumami na rin mga users and yung mga spammers

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga eh. Kaya sana yung mga mahilig mag invite dyan piliin naman yin iinvite hindi lang yung goal na kumita dapat mahilig rin talagang magsulat kasi mas masarap sa pakiramdam na ginagawa mo ang isang bagay dahil gusto mo at nag eenjoy ka at hindi lang nang dahil sa pera.

$ 0.00
4 years ago

Iniisip lang nila kumita ng pera eh, hindi iniisip yung mga maayos na gumagamit nitong site.

$ 0.00
4 years ago

oo dapat lang may mga rules na dapat sundin. kahit nga sa classroom may batas bawal lumabas pag lumabas lagot ka. haha

$ 0.00
4 years ago

Hahahaha Kim Chui ikaw ba yan? Pati dit sa read cash sinasakop na din ng batas haha

$ 0.00
4 years ago

Sakin OK Lang Yung bagong guidelines ni read cash Para Mas, pag sikapan PA nating mag post ng mga article na kapakipakinabang di Lang Para tayo ay makakuha mg points Kung di Para sa iba na din na nababasa ng mga gawa natin

$ 0.00
4 years ago

Sang ayon po ako diyan. Minsan kasi puro mema at wala namang matututunan man lang ang mga mambabasa sa post ng iba. Hehe, may ilang article din akong ganun pero nhayon pinagsisikapan ko na talagabg makapagsulat ng informative na article.

$ 0.00
4 years ago

Ako din po inaamin ko na isa din ako sa, mga Yun hehe Lalo na pag wala maisip pero may Ilan din naman na mukang matino hehe

$ 0.00
4 years ago

haha same po pala tayo

$ 0.00
4 years ago

Pero sure ako marami din dito Gaya natin whahaha

$ 0.00
4 years ago

kasi marami ng way to spam kaya sila ay nag iingat din .. well tama naman talaga, dapat ayusin na habang hindi pa huli

$ 0.00
4 years ago

at yung mga spammers ang kadalasang dahilan kung bakit nag dadown ang mga site na sa una okay talaga. Kaya mas okay na mag update ng rules ang read cash .

$ 0.00
4 years ago

correct very safe site ito at worth na pag aksayahan ng oras! :)

$ 0.00
4 years ago

maganda din po hangarin ni readcash organized ung communities post lng kyo sa kng saan releted ung article nyo.

$ 0.00
4 years ago

Okay nga po yung ganun. Mas sisipagan nating makapagsulat ng may sense na mga articles

$ 0.00
4 years ago

oo nga ung iba kc ginawang tambayan ung readcash kkuha sa internet tpos post nlng kya yun nghigpit cla pakilike and vew nmn mga articles ko ty done like

$ 0.00
4 years ago

done na po. Na subscribe back na kita. Salamat din sa pah subscribe.

$ 0.00
4 years ago

Kahit bago lang ako gets ko po ung sinasabe nya.. Tama naman wag mandaya para lang kumita gawin patas ang labanan..

$ 0.00
4 years ago

tama. yung iba kasi kung hindi naman kumukuha ng copied articles sa internet pinaplagiarise naman ang ideya ng iba. Yung tipong same idea tapos pinaraphrase lang yung words.

$ 0.00
4 years ago

This article is about updates in read cash. I salute this article. I think this update is very essential for our sites.

$ 0.00
4 years ago

Isa din po ito sa reason kaya binago ko yung ibang rules. Isa lang dati community ko. Yung Filipino Original contents. Kaya lang madami nag susubmit ng mga daily life articles nila kaya naisipan kong gawin itong Noypi Diary. Pero tama ka. Marami sa ATIN. Kasali ako. Haha. Na nagsesend sa mga community na hindi naman related sa topic. Kaya sana nga yung ibang writer eh isipin mabuti kung saan talaga nababagay yung gawa nila.

$ 0.00
4 years ago

hello.po bago lang po ako dito sir at salamat po nabasa ko.po itong post mo atleast may alam na.po ako sa mga pwde at hndi..God bless po,any way nakasubscribe na po ako sayo and hope you subscribes back din po hehe thank you

$ 0.00
4 years ago

Enjoy po kayo sa pagsusulat dito. Salamat sa pagcomment at subscribe. Nasubscribe back na din kita.

$ 0.00
4 years ago

thank you so much po..stay safe

$ 0.00
4 years ago