Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang Tambay? Ito ba ang nagbibigay ng positibo o negatibong pananaw sa buhay?
Dahil sa kasalukuyang pandemic, marahil ay marami sa atin ang tambay sa ating mga bahay. Marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nagsara ang negosyo. Hindi rin natin maiiwasan na mairita o makunsume sa mga taong nakapaligid sa atin.
Ako bilang isang call center agent ay nanatili pa ring operational sa trabaho sapagkat isa ito sa mga tumutulong upang mapanatili ang ekonomiya ng bansa. Subalit meron akong kasama sa bahay na nawalan ng trabaho. At sa ngayon ay matatawag na tambay.
Mas gusto kong isipin na kapag tinawag na tambay, ito ay pina-iksing "Taong Bahay". Yung mga tao na may kakayanan namang magtrabaho pero mas pinipili na manatili na lamang ng bahay.
Para sa akin ay hindi naman masama ang maging tambay. Lalo na't gumagawa ka naman ng paraan upang maging productive pa rin ang iyong araw. Nagiging negatibo na lamang ang tingin ng tao dito dahil sa mga gawa o kaya ay walang ginagawa ang mga taong ito.
Ang masasabi ko lang, okay lang naman ang tumambay. Ngunit kung sa tingin mo ay hindi na ito nakapagbibigay saya sa iyo at sa iyong pamilya ay subukan mo na rin naman munang maghanap buhay.
Ano sa tingin nyo mga kababayan? Drop your comments below. I would like to hear your thoughts.
Have a nice day! :)
Tama basta pasitib lang lagi tayo magtutulongan para sa ating ikakabuti