read.cash Log in

@Annabanana10

Joined 9 June 2020 · 6 posts

Thank you for subscribing! Love love ❤️❤️❤️

120 KT

0 KT · 2¢ received · 0 KT given

Posts

@Annabanana10

Bomba Nagsimula ang lahat sa palitan ng **mensahe**. **Pampalipas** lang ng oras, walang magawa eh. Araw-araw silang **magkausap**. Pagkalipas ng isang buwan, sila ay **nagkita** na. Ang unang pagkikita nila ay **nasundan** at nasundan at nasundan pa. Patuloy pa din sila sa pagpapalitan ng mensahe at **nagtatawagan** pa. Hanggang sa naging **higit** pa sa pampalipas ng oras lang ang mayroon sila. Napagpasiyahan nilang mabuti pa siguro gawin nilang **opisyal** ang relasyon nila. Naging **masaya** naman ang simula. Kalauna'y nagkaroon na ng **problema** ngunit naayos pa din naman nila. Paglipas ng ilang buwan, matatag pa rin ang **relasyon** nila. **Pamilya** ng babae ay kilala na nitong si lalake. Ngunit si babae'y **hindi** pa ganun kakilala pamilya ng mahal niya. Kaya't biglang si babae'y naging **mausisa**. Ginamit ni babae ang **teknolohiya**. **FB** ni lalaki, kinalkal niya. Sa kanyang pagusisa, ang nalaman niya ay parang **BOMBA**. Sobrang lakas na **sumabog** sa harap niya. Parang binuhusan siya ng yelo, **nanlamig** ang buong katawan. Ang lakas ng kabog ng **dibdib** niya. Parang kumikirot ang **puso** niya. At bigla na lang, umagos ang **luha**. Pagkat **nalaman** niya Na itong si **lalaki** pala'y... may **ANAK** na sa iba. Nadurog ang puso niya, Ngayo'y **PAANO** na siya?

+6 more

@Annabanana10

Pato ni Lolo Kamusta kapatid at mga kaibigan? Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento na aking narinig mula sa aming Pastor na may malalim na kahulugan. Ito ay tungkol sa **"Pato ni Lolo".** Magpinsan si Juan at si Pedro. Si Juan ay galing sa Maynila. Si Pedro naman ay taga probinsya. Naisipang bumisita sa probinsya nila si Juan at si Pedro naman ang naging kasa kasama niya sa pamamasyal sa bukid. Manghang mangha si Juan sa dami ng alagang pato, manok, at iba't-ibang hayop ng lolo nila sa bukid sapagkat wala naman sila nito sa lungsod. Isang araw naisipan ng dalawang binatilyo na magpaligsahan. Gumawa ng tirador ang dalawa at nagparamihan ng mahuhuling ibon, gamit ang tirador na gawa nila. Habang naglalakad lakad, may nakitang ibon si Juan. Sinubukan nya itong tiradurin, hindi nya tinamaan ang ibon. Ito na ang pagkakataon ni Pedro, inasinta nya at saka binitawan ang goma ng tirador, napakalakas ng pagbitaw ni Pedro. Nanlaki ang mata ng dalawa. May tinamaan si Pedro, laking gulat nila, hindi ito ibon, kundi ang alagang pato ng kanilang lolo. "***Lagot ka Pedro, tinamaan mo ang pato ni lolo".*** Pinuntahan nila ang naghihingalong pato. ***"Patay, mahal na mahal pa naman ito ni lolo", sambit ni Pedro.*** "***Anong gagawin natin ngayon?***", Tanong ni Juan. ***"Hindi ito dapat na malaman ni lolo, tiyak na kagagalitan ako non"*** sagot ni Pedro. ***"Sige, tara samahan kita, ilibing natin ang pato para hindi ito makita pa ni lolo, hindi naman siguro mapapansin ni lolo na nabawasan ang mga alaga nya",*** ang sabi ni Juan. ***"Sige,wag mong sabihin kay lolo ang nangyari ha",*** pakiusap ni Pedro. ***"Oo naman,hindi ito malalaman ni lolo, pero may kapalit"***. Sagot ni Juan. ***"Kapalit?"***, Nagtatakang tanong ni Pedro. ***"Oo, simple lang naman, gagawin mong lahat ang iuutos ko sayo, hindi ako sanay sa gawaing bukid kaya nahihirapan ako, ikaw ang gagawa nun para sa akin",*** mahabang tugon ni Juan. Napakamot na lamang sa ulo si Pedro sapagkat mula ng dumating ang pinsan sa kanilang probinsya ay napansin nya ngang nahihirapan ito sa mga gawaing bukid gaya ng pagsisibak ng kahoy, pagpapastol ng mga alagang baka at pagpapakain sa mga alagang pato ng kanilang lolo. Sa kagustuhan ni Pedro na maitago ang nangyari sa pato ng kanilang lolo ay pumayag na lamang sya sa nais ng kanyang pinsang taga Maynila. Matagumpay nga nilang naitago ang pagkawala ng pato ng kanilang lolo. Sa sumunod na mga araw ay lagi na ngang sinusunod ni Pedro anuman ang naisin ng kanyang pinsan. Minsan ay sinubukan niyang tanggihan si Juan sa utos nito sa kanya. "*****Tandaan mo, ang pato ni lolo"*****. Pinaalala ni Juan kay Pedro ang kanilang kasunduan. ***"Pagod na pagod na ako sa ipinagagawa sa akin ni Juan. Tila inaabuso naman niya ang kasunduan. Pagod na pagod na ako sa mga gawain sa bukid samantalang siya, panay lang ang pindot sa telepono."*** Ito ang nasa isipan ni Pedro habang nagpapastol sa kanilang alagang baka. Kaya naman naisipan ni Pedro na tapusin na ang kasunduan nila ng kanyang magulang na pinsan. Sinabi niya ang katotohanan sa kanyang lolo. *"****Lo, patawad po, hindi ko po sinasadyang tamaan ng tirador ang alaga niyong pato, patawad po lolo".*** Pagsusumamo ni Pedro. ***"Walang anuman apo, matagal ko ng alam ang nangyari sapagkat nanduon ako ng mangyari yun at nakita ko ang lahat, hinihintay ko lamang na magtapat ka sa akin"***. Sambit ng kanyang lolo. Ganun na lamang ang gulat ni Pedro. Hinihintay lang pala siya ng kanyang lolo na magtapat. Kaya naman laking ginhawa ang naramdaman ni Pedro. Sa wakas ay makakawala na rin siya sa kasunduan nila ng kanyang pinsan. Ng muling utusan ni Juan si Pedro ay hindi na siya sumunod. Sapagkat nakawala na siya sa kanilang kasunduan. Malaya na siya at hindi na siya magpapa alipin pang muli. Gaya ni Pedro, tayo ay nakakagawa rin ng kasalanan, minsan hindi natin sinasadya minsan naman ay intensiyonal nating ginagawa. Ang mga bagay na ito ang siyang ginagamit ng kaaway laban sa atin. Tayo ay napapalayo sa piling ng Diyos takot natin sa ating ginawang kasalanan. Nahihiya tayo sa karumihan natin sapagkat napakalinis ng Diyos. Walang bahid ng dumi, napaka busilak at napakalinis. Ngunit, wala tayong maitatago sa Diyos, alam Niya ang lahat sa atin. Mula sa sinapupunan ay kilala Niya tayo. Sa katunayan, naka plano na ang lahat para sa atin. Ganun Siya kadakila. Sa ginagawa nating pagtatago ay nagiging alipin tayo ng kasalanan. Ang tanging paraan lamang upang tayo ay makalaya sa tanikalang nakagapos sa atin ay ang isuko ang lahat ng ito sa Diyos. Ilapit natin sa Kanya ang kabigatang nararamdaman natin sapagkat mahal tayo ng Diyos. Ibinigay Niya ang bugtong na anak na si Hesus upang tayo ay tubusin sa kasalanan. Kaya naman, kung may mabigat kang nararamdaman, kapatid, iiyak mo lang yan at aminin mo ang iyong kasalanang nagawa. Hinihintay ka lang ng Diyos na lumapit sa Kanya at buong puso ka Niyang tatanggapin. Sana ay may natutunan kang aral kapatid. Salamat sa pagbabasa.

@Annabanana10

May iba na akong gusto ***"May iba na akong gusto".*** Yan na lamang ang narinig nya mula sa lalaking minamahal niya. Madami syang binitawang salita ngunit ang limang salitang iyon ang hindi nya malimut-limutan.Diyan nagtapos ang kung ano mang meron sila. Dalawang taon na rin ang nakakaraan ng huli silang magkita.Dalawang taon pero naluluha pa rin at nasasaktan sya tuwing maalala ang sandaling iyon. Tahimik at malamig sa loob ng kanyang sasakyan. Kasing lamig ng damdamin niya para sa kanya. Hindi nya alam kung bakit bigla nalang nag-iba, matapos siyang hindi magparamdam ng dalawang linggo. Litong-lito, nagtatanong siya sa sarili. ***"Ano ba ang mali kong nagawa?*** "***Bakit di man lang siya tumawag na dati rati nama'y lagi nyang ginagawa."*** Dati naman kinakantahan pa siya nito sa telepono na parang nanghaharana. Dati nama'y gumigising siya ng masaya dahil nabasa niya ang napakatamis na mensahe niya na galing sa kanya. Bakit nag-iba na? Walang umiimik, nais niya mang magsalita ay di niya alam ang kanyang sasabihin. Tila ba ibang tao ang kasama niya. Dati-rati, kahit wala silang sinasabi, kahit hindi sila naguusap, kontento na sila sa piling ng isa't isa, basta magkasama lang sila, magkahawak ang kamay, ang ulo niya ang nakahandig sa dibdib ng lalaki habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Nakikinig sila sa musika at minsan ay sinasabayan pa nila ang kanta. Ayaw na nyang umalis at hinihiling niya na sana ang sandaling yaon ay di na matapos pa. Masaya, dahil kasama nya ang mahal nya, alam niyang mahal din siya nito sapagkat iyon ang sinasabi niya. "***Mahal kita."*** Salitang pinanghawakan niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Ah, oo sa isang kumakaway na mensahe sa FB na natanggap nya sa mula sa lalaki. Nagparamdam na naman siya. Matapos ang ilang taong wala silang balita sa isa't isa. ***"Ano kaya ang kailangan niya?".*** Nagisip siya kung ano ang dapat niyang gawin. Makaraan ang isang araw ay sinagot niya rin ito ng kamay na kumakaway at duon na nagsimula, kamustahan. ***"Kamusta babe?"*** Oo, yan ang tawagan nila noon. Natawa na lamang siya sa tanung na ito ng lalaki sa kanya. Pakiramdam niya'y binibiro lang siya nito. Ngunit sumagot pa din siya.Hanggang nagtanong muli ang lalaki sa kanya. ***"Labas naman tayo, kung libre ka".*** Kahit nabigla siya, naisip pa din niya na wala namang masama. May pinagsamahan naman sila bilang magkaibigan kaya pumayag na din siya. Doon naging masayang muli siya. Walang sila pero parang nobyo niya ito kung umasta. Sinusundo siya nito mula ss opisina pagkatapos ay kakain sa kung saan at ihahatid siya sa kanilang tahanan. Napakasaya sa piling niya. Sa mga yakap at halik niya. Pero muli, walang sila. Walang relasyon pero nahulog na muli ang puso niya at akala niya ay sinalo naman ito ng lalaking mahal niya. Lalo na ng sabihin ng lalaking ***"mahal kita".*** ***"Mahal kita",*** paulit ulit nyang naaalala at salitang **pinanghawakan** niya. Dalawang taon na. Ang sabi niya ay magiging magkaibigan pa din sila. Yan ang sabi niya. Pero nasaktan siya ng sobra. Ang masasayang alala ay natapos lang sa limang salitang nasambit niya. Lahat ng komunikasyon sa lalaki ay pinutol niya. Ang telepono niya ay di na tumutunog dahil sa mensahe at tawag niya. Wala ng nanghaharana sa kanya. Lahat ng iyon ay nasa kanyang alaala na lamang. Nalaman nalang niya na ang lalaki ngayon ay masaya na, sa piling ng iba. Ang ginagawa sa kanya noon ng lalaki ay siya ring ginagawa niya sa bago niya. Ang pinagkaiba lang, legal sila. May mga litrato silang dalawa na magkasama at masaya at ipinapakita nila sa social media. Sinabi niya sa sariling magiging masaya na lang siya para sa lalaking minahal niya. Magiging masaya siya kahit sa kaligayahang iyon ay di siya kasama. Ngayon ay masasabi din niyang masaya na din siya, dahil may bagong tao na,bagong lalaki na nagmamahal sa kanya. ❤️ _annabanana10 Sana ay nagustuhan niyo ang aking istorya. Nawa'y may napulot kayong aral. Maari lamang pong i click ang "Subscribe". Salamat mga kaibigan.❤️❤️❤️ Mahal ko kayo.

@Annabanana10

Selenophile Have you ever experienced staring blankly at a full moon? Have you ever wonder and asked yourself, *"why am I looking at the moon and feel relax and at peace?"* If your answer is yes, then I am not alone. I am a  person who is deeply ***attracted*** by the ***moon*** especially if it is a full bright moon in a vast, clear sky. I am captivated by marvelous view in front of me. It's moon glare in my face. It so relaxing and soothing. I feel so much pleasure just by looking at it. It's funny how I am able to find tranquility in the night, having calmness in every nerves, always in peaceful state than what I feel in their so-called cheerful, and bright day. I read a lot of stories and watched a lot of movies about werewolves that are transforming from human to their werewolf form. I know I am not like them because they don't really exist (*or do they???, I wish I am, haha!* ), but I find this absurd because I am the only one in my family with this deep attraction to the moon. Because of my attraction to the moon, I felt the urge to research about it. And I found out that this love and passion for the moon really does exist and I am not the only one with this obsession of the moon. As I mentioned, I did a little research about person who loves the moon, and what I found out is that we are called "***Selenophile*** or ***Philoselene***". I did further research to find out more about it. And the name was derived from a Titan goddess in Greek mythology, ****Selene******.** It is really fascinating! We are so blessed to be given the privilege of viewing wonderful creations around us for free. I don't feel absurd or weird now because I now know that I am not alone, there is someone out there who is also enjoying the pleasure and calmness by looking at the moon. Are you also enjoying the moon like me? Are you also a ***Selenophile*** or ***Philoselene***? Can you share your experience and feeling looking at the moon? Feel free to comment, I can't wait to know if you are also a moon lover. Please subscribe if you liked my article. ♥ =)

@Annabanana10

Ang Bumihag Sa Aking Puso *Ikalawang Bahagi-* Eto na ang karugtong ng aking unang kwento. Ituloy na natin ang kwentuhan. Ayun nga, nakarating na kami sa Bicol ng aking pamilya, wala kaming bahay na sarili kaya nakitira kami sa bahay kung saan lumaki ang nanay ko. Hindi ito kalakihan at luma na, gawa ito sa kahoy at dalawang palapag. Sa ibaba ng bahay kami tumira, kasama ang pamilya ng aking tiyuhin, sa taas ay mayroon namang tatlong pamilyang umuupa. Maingay dahil ang daming taong labas pasok sa kabahayan. Hindi ko sila kilala, nahirapan ako sa simula, lalong lalo na ang pagsasalita ng bikol. Pero di kalauanan ay natutunan ko na din tanggapin ang katotohanan, na ito na ang aking magiging mundo. Makalipas ang ilang taon,natapos ko na ang kolehiyo at nagsimula na din akong magkaroon ng trabaho. Sa panahong ito ay magaling na akong magsalita ng bikol at madami na din akong kaibigan, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang Maynila. Sa panahong ito ay napamahal na ako sa Bicol. Sa ngayon ay mahigit sampung taon na ako namamalagi sa probinsyang ito. Makailang ulit na rin akong umalis at pumunta sa ibang lugar upang magtrabaho pero bumabalik at bumabalik pa din ako sa aking mahal na probinsya. Mas nakilala ko na ang aking probinsya, ang ugat ng aking angkan. Masasabi ko ng isa na akong "Uragon". Marami -rami na din akong narating sa probinsyang ito. At marami pa akong gustong puntahan. Tuloy lang sa pagbasa at makikita mo kung gaano kaganda ang lugar namin. ****Calaguas**** Kung akala mo Boracay ang nasa larawan, nagkakamali ka! Iyan ang pinakaunang isla dito sa Bicol na bumihag sa aking puso. Yan ang napakagandang isla na matatagpuan sa Camarines Norte. Mula sa aking lugar,kelangang bumiyahe ng humigit kumulang walong oras upang marating ang kabigha -bighaning isla na ito, ilang sasakyan din ang sinakyan ko. Kailangan din sumakay sa bangka papunta dito dahil iyon lamang ang transportasyon na papunta sa isla. ***Sa ngayon, iyan muna, abangan ang susunod kong artikulo. Sana ay nagustuhan mo.***

@Annabanana10

Bikolana/ Bikolano ka ba? **Kamusta** ka? Kung binabasa mo to ngayon, salamat at tuloy lang sa pagbasa. Sa araw na ito ay ikikwento ko sa inyo kung paano ako nakarating sa probinsyang Bicol. Ito ay introduksyon pa lamang ng aking kwento,sana maging interesado kang basahin ang susunod na kabanata. : ) Sa totoo lang hindi ako dito lumaki, ngunit ang aking angkan ay dito talaga nagmula. Dito ako ipinanganak at nung ako'y limang taong gulang na ay lumipat ang aking pamilya at nanirahan sa Maynila. Dun ako nag-aral hanggang matapos ko ang hayskul. Nang matapos ako ng hayskul, napagdesisyunan ng aking mga magulang na bumalik kami dito at dito na manatili ng permanente. Noong una ay napakasama ng loob ko sapagkat maiiwan ako at mahihiwalay sa aking mga mahal na kaibigan, syempre hayskul ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang kabataan. Nanduon ang lahat ng kalokohan, tawanan, asaran, higit sa lahat, ang magkaron ng karelasyon.Sino ba naman ang hindi naging masaya sa buhay hayskul? Kaya naman ganun na lamang ang lungkot at konting galit na naramdaman ko ng sabihin ng aking magulang na kami ay uuwi na ng Bicol at dito na maninirahan. Naisip ko noon na kung sana pwede na ako magdesisyon para sa sarili ko ay mas pipiliin ko na lamang magpaiwan, pero hindi eh, di ko pa kaya buhayin ang sarili ko at umaasa pa lamang ako sa aking mga magulang kaya wala ako magagawa kundi ang sumunod. Tandang tanda ko ang araw na kami ay bumiyahe na pauwi ng aming probinsya. April 2, 2004. Isang araw matapos ang aming pagtatapos. O diba, napaka lungkot. Yung pakiramdam na hindi mo makikita ang mga kaibigan mong naging mahalagang parte ng buhay mo. Yung kaibigan mo na syang dumamay sayo nung umiiyak ka dahil napagalitan ka ng magulang mo. Yung kaibigan pinatawa ka, yung naging dahilan kung bakit ka pa din pumapasok sa paaralan kahit napakasungit ng inyong guro. At ang higit sa lahat hindi mo na makikita ang pinakamamahal mong kasintahan, sayang ito pa naman ang unang pagkakataon na umibig ang bata kong puso, napurnada pa. Ano pa bang mas sasakit dyan? Pagkalipas ng kalahating araw naming biyahe ay nakarating na nga kami sa aming destinasyon. Ang aming probinsya. Sinalubong kami ng aking tiyuhin, ang kapatid ng aking tatay. Gabi na ng kami ay nakarating kaya hindi ko masabi kung maganda ba ang lugar, isa pa sobrang pagod ako sa aming napakahabang biyahe kaya hindi ko na nakuhang pansinin pa ang nasa paligid. Ang naisip ko na lang, ito na ang simula ng bagong yugto ng aking buhay. Panibagong lugar, panibagong ako. Andito na ako, andito na sa Bicol. *Itutuloy...*