My own opinion on Homosexuality (Sarili kong opinyon sa Homosexuality)

4 48

I do not intend to offend anyone. So as early as now, I apologize.

Ito po ay opinyon at saloobin ko lamang. Na-inspire akong isulat ito bilang tugon sa isang artikulo.

Nakakalungkot nga po talagang isipin na maraming tao ang mapanghusga or judgemental kumbaga (isa nako dun minsan pero iniiwasan ko na, kahit sino naman diba?). Hindi natin maikakaila na madali pumuna ng iba. Naalala ko nung college ako(sa isang catholic school) na meron kaming religious education subject. 4 semester ang religious education namin.

Sa isang semester, ako ay naatasang mag-report. Marami kaming grupo na ngrereport. Pero sa lahat ng subject na makukuha ko, ang nakuha ko pa ay patungkol sa "Homosexuality". Para sa akin mahirap itong talakayin ng hindi ka makakasakit o makaka-offend ng kapwa.

Based sa dictionary, Homosexuality is the quality or characteristic of being sexually attracted solely to people of one's own sex. So kapag sinabing nagkaroon ka ng sekswal na atraksyon sa kapwa babae o lalake, ay isa ka ng homosexual. At ayon naman sa Wikipedia Sexual attraction is attraction on the basis of sexual desire or the quality of arousing such interest. 

Ganito rin ang aking ni-report noon. Naalala ko na nasa report ko ay hindi naman masama na ikaw ay maging bakla o tomboy o ano pa man. Maraming tao at grupo ang pinaglalaban ang karapatan ng mga miyembro nito. Karapatang pang-tao na madalas na ipinagkakait sa kanila.

Respeto

Sang-ayon naman ako sa mga ito. Karapatan nila yan bilang indibidwal. Hindi nila kasalanan na naging bakla o tomboy sila. At ang pagiging Homosexual ay nakakapagpahirap din ng loob. Ngunit sa tingin ko ay imbes na pagkukutya at panghuhusga ang gawin dapat ay iparamdam sa kanila ang pagmamahal at pagtanggap.

Ngunit hindi rin ibig sabihin na porke't mahal at tanggap mo na sila ay tanggap mo na rin ang kanilang ginagawa. May ibang homosexual na kahit sila ay na-aattract sa kapwa babae o lalake ay kanila itong pinipigilan. (Ang hirap di'ba?) Pero hindi ibig sabihin na pinipigilan nila ito ay ngpapaka-plastic sila. Tanggap nila ang kanilang sitwasyon pero hindi sila gumagawa na magpapababa ng kanilang pagkatao.

Ang aking konklusyon:

Hindi kasalanan ang maging bakla o tomboy lalo na kung ginagawa naman nila ang best nila upang maging kapakipakinabang sa pamilya. Hindi kasalanan ang maging bakla o tomboy kung may respeto naman sila sa sarili nila. Respeto na alam nilang panindigan hanggang sa huling hantongan. Ngunit kung sila ay magpapadalos dalos ay gagawa ng mga bagay na hindi naman naayon sa orihinal na layunin ng May Likha, doon na sila nagkakasala. Doon na sila nagiging masama. Pareho lang naman yan sa isang babae at isang lalaki na wala pang basbas ay nagkasala na.

Do not give in to temptations ika nga. Ang tao'y sadyang makasalanan. Pero mahalin parin natin ang ating kapwa. Sabi nga, "Hate the sin, not the sinner." Ngunit atin ring pakatatandaan na may consequences lahat ng decision natin sa ating buhay. Tayo'y maging handa ano man o saan man ang ating kahahantungan.

5
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments

Ang ganda nito keep up sir.

$ 0.00
4 years ago

Thanks. And I'm not a sir. Just call me Andi. Short for Andrea. Sana nagustuhan mo yung article ko.

$ 0.00
4 years ago

Nice content, I'm actually a supporter of LGBTQ+ community, but I'm straight haha. I have a lot of gay friends and they are so nice. they're all fun to be with. I hope theyll get the respect they deserve

$ 0.00
User's avatar Ace
4 years ago

I'm not a supporter as I do not know what rights they are fighting for. I would have to do a research on that. But I respect them as a human being.

$ 0.00
4 years ago

Tama we must respect them kahit anong kasarian nila. Bat sana naman wag kayong gumawa na hindi kaaya ayang tingnan.

$ 0.00
4 years ago

I agree po. Madami akong kakilalang homosexual. Kaibigan kamag anak. Ngkakamali ngunit pwedeng maitama.

$ 0.00
4 years ago

Tama.yong iba kasi hinuhusgahan kaagad..para namang walang kasalanan kung makhusga. Alam kong magbabago sila.

$ 0.00
4 years ago

Ako rin po ata ay isang homosexual. attracted po ako sa both gender hindi ko alam bakit😄

$ 0.00
4 years ago

Ako man po. Ngunit pinili ko kung saan ako mas mapapabuti. Minsan ay ngkakagusto padin ako sa kapwa pero dahil napagdecisyonan ko na na hindi na ulit papasok sa ganung sitwasyon ay nalalampasan ko naman ang tukso. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Ako din po hahaha naiwasan ko ang tukso, ngayon po ay magkakababy na ako at kasama ko po ang aking unang naging boyfriend at ngayon po ay asawa ko na 😊

$ 0.00
4 years ago

That's really nice to hear po. It's only a sign that there is still hope out there.

$ 0.00
4 years ago

Thank you po

$ 0.00
4 years ago

Why is half of the article in English and the other half in another language?

$ 0.00
4 years ago

I'm so sorry man. Are you interested with this article? I can try to translate it for you. Apparently, this article is only submitted to Filipino community. Do you think it'll be worth it to translate it all to english and post it to other communities?

$ 0.00
4 years ago

oo nga po,,,sabi nga ng kanta ng siakol ....kahit na ano pa ang gusto mo basta wala ka bang tinatapakan na tao ituloy mo lang ito....

$ 0.00
4 years ago

Tama po. Basta wala tayong inaapakan at nasasaktan go lang. Pero dapat yung respeto sa sarili mo andyan pdin.

$ 0.00
4 years ago

Everyone has their opinion about certain things, but not every time your opinion is correct. Thanks for the courage to talk about your opinion.

$ 0.00
4 years ago

Thanks! That's why I have put a disclaimer at the top of the article as I do not wish to offend anyone.

$ 0.00
4 years ago