A TagLish version of VideoGameDana's article on how to create SLP NFT

22 413
Avatar for crimsonowl
3 years ago

ACKNOWLEDGEMENT:

Huge thanks to...

@VideoGameDana For allowing me to translate your article. I know you said I don't need to give credit but I think it's the right thing to do.

MyHero For giving me the push to write this translated version and for helping me with the minting terms.

@Meyzee , @ishanvirtue , @carisdaneym2, @Ruffa For proofreading, suggestions, finding my silly mistakes and moral support.


Ang article na ito ay simplified translation ng article ni @VideoGameDana tungkol sa kung paano mag-mint ng SLP NFT. Ina-assume sa article na ito na ang magmimint ay walang background knowledge, katulad ko noong napagdesisyonan kong magmint ng NFT. Ang tutorial na ito ay masusundan lang gamit ang desktop. Sa ngayon ay hindi pa makakapag-mint gamit ang mobile phones.

Ang inyong mga kakailanganing software ay ang sumusunod:

  • Electron Cash SLP

  • Github Desktop. Upang masundan mo ang tutorial na ito, kailangan na mayroon kang Github account. Maari mong gamitin ang Github Pages upang mag-host ng artworks mo. Kung may sariling hosting server ka na, pwede mo ring gamitin iyon. Upang maverify ang inyong NFT, kakailanganin pa rin ang Github.

  • Ang nakasanayan o paborito mong image editor. (Photoshop, Gimp, Procreate, Clip Paint Studio at iba pa)

  • Ito ay hindi software ngunit kakailanganing niyo ng mahabang pasensya upang masundan ang tutorial na ito. Take a break if you need to.

Step 1. Mint the Parent/Group token for your NFT

  • Buksan ang Electron Cash SLP

  • Kung wala ka pang wallet, piliin ang File New/RestoreStandard wallet ➡Create a new seed. I already have a seed ang piliin kung may existing wallet ka at gusto mong i-import ➡ I-type ang 12-word seed phrase.

  • Pondohan/Lagyan ng Bitcoin Cash (BCH) ang wallet. Kailangan ng kakaunting BCH upang makapagmint ng kahit anong token. I recommend na maglagay ng 1 dollar worth ng BCH sa wallet mo.

  • I-click ang Tokens tab ➡ Create New Token

  • Name your Parent/Group token. Pwedeng kahit anong name ang piliin mo. Ito ang magrerepresent sa buong NFT tokens mo. Halimbawa, ang Parent/Group token ng “Waifu Faucet” ay WGRP, “PHOTOYSHOP” para sa Photoyshop, “Cryptor.at” para sa RAT. Ang Parent/Group token ng NFT ko ay “Korin Kre-at”. Sa Juungle.net, ito ang magiging pangalan ng iyong collection sa Collections page.

  • Give your Parent/Group token a Ticker Symbol. Depende sayo kung anong pangalan ang pipiliin mo pero pwedeng pareho ang pangalan ng iyong Parent/Group token at Ticker Symbol. Ito ang unang lalabas sa SLP explorer kaya choose wisely. Sinimplehan ko lang ang sa akin at ginawang ko ring “KORIN KRE-AT” ang Ticker Symbol.

  • Provide a Document URL. Nirerecommend na ilagay mo ang link ng nagrerepresent ng iyong artwork, tulad ng Instagram account ng iyong art page, personal web page, gallery o portfolio. Para sa “Korin Kre-at”, link ng Instagram art page ko ang nilagay ko.

  • Keep the Decimal Places set to 0.

  • Choose an initial quantity of token to mint. Kada magmimint ka ng Child token para sa Parent/Group token, ang minted token will be burned para makagawa ng bagong Child NFT. Wala pa akong masyadong napoproduce na artwork para sa Korin Kre-at kaya 1000 token ang aking na-mint. Sa tingin ko more than enough na ito para sa ngayon.

  • Do not change the Token Receiver Address ➡ Uncheck Fixed Supply

  • Check “Is NFT Parent?”. Importante na macheck ito para malaman na gusto mong magproduce ng Child NFT galing sa Parent/Group token.

  • Double-check your work ➡ I-click ang Create New Token.

Step 2: Mint your first Child NFT

  • I-click ang Tokens tab sa Electron Cash SLP ➡I-right-click ang Parent/Group token ➡I-click ang Create New NFT ➡ I-click ang Prepare Group Parent.

  • Give your new NFT a unique name. Ito ang magiging mismong pangalan ng iyong NFT. Halimbawa, ang pangalan ng Waifu token ay mismong character name. Ganito rin ang ginawa ko para sa Child NFT ko na “Igarashi Yuuya”.

  • Set the Ticker Symbol. Katulad sa Ticker Symbol ng Parent/Group token, ito rin ang unang lalabas kung titingnan ang NFT mo sa SLP explorer. Halimbawa, “WAIFU” para sa Waifu, “RAT” para sa Cryptor.at.

  • Enter the Document URL. Pwede mong ilagay dito ang kung ano ang nilagay mo na Document URL sa Parent/Group token.

  • Huwag palitan ang Token Receiver AddressCreate NFT.

Step 3: Prepare and host the artwork for your NFT.

Note: Nakabase ang step na ito sa aking experience at maaring hindi direct translation sa article ni VideoGameDana. Wala akong background knowledge sa Github kaya ito ang naisip ko na pinakamabilis na paraan para makaproceed sa Github without losing my mind.

  • Gumawa ng account sa Github kung wala pang account at i-click ang New repository. I-fill up ang Repository name with “[username].github.io”. Palitan mo lang ang “username” ng Parent/Group Token name for uniformity.

  • Piliin ang Public ➡ I-check ang Add a README file box ➡ I-click ang Create repository.

  • Pagkatapos mong gumawa ng new repository, I-click ang CodeOpen with Github Desktop. Bubuksan nito ang Github Deskop. I-click ang Clone ➡ I-click ang Show in Explorer.

  • Sa local Explorer, magcreate ng New Folders at pangalan according sa sumusunod.

  • I-convert to PNG files ang iyong artworks gamit ang image editor (Photoshop, Gimp etc) at ang file name ay dapat ang Token ID ng iyong NFT. Para malaman ang Token ID, i-right click ang Child NFT sa Tokens tab ng Electron Cash SLP ➡ i-click ang View Token Details ➡ i-copy ang Token ID.

  • I-save ang PNG file sa “original” folder.

  • Create a square version of your artwork gamit ulit ang image editor. I-scale down into sa sumusunod na mga sizes: 128x128 pixels, 64x64 pixels, 32x32 pixels. Ilagay sa kanikanyang folder ang mga scaled down versions. 128x128 ➡ “128” folder, 64x64 ➡ “64”, 32x32 ➡ “32”. Tandaan din na dapat ang file name ng lahat ng images ay katulad sa original file, which is ang Token ID.

  • I-edit ang README.md file gamit ang Notepad. Maari mo isulat dito ang description ng iyong NFT collection o kung ano man ang gusto mo isulat.

  • Dapat may isang PNG file ang bawat folder at may pare-parehong file name.

  • Pumunta sa Github Desktop ➡ I-fill up ang header at description ➡ I-click ang Commit to master ➡ I-click ang Push origin.

  • May sarili ka ng hosting server! I-check mo ang site by typing “https:// [username].github.io” sa browser. Ang URL na ito ang ilalagay mo sa “group_icon_repos.json” file.

★ Take note na kung may existing hosting server ka, pwede mo rin itong gamitin.


Step 4: Verify your tokens

  • Buksan ang Github Desktop at maglog-in.

  • Buksan ang SLP Explorer Github Page.

  • I-click ang Code Open with Github DesktopClone the repository.

  • Sa local Github folder, buksan ang “slp-explorer” folder ➡ buksan ang “public” folder. Hanapin ang “group_icon_repos.json” and buksan ito gamit ang Notepad.

  • Ihanda ang Token ID ng iyong Parent/Group token.

  • Kinakailangan i-add ang iyong Token ID sa “group_icon_repos.json” file. Para gawin to, magdagdag ng comma (,) sa pinakahuling entry sa pinakababa ng file at press Enter to add a new line. Type in double quotes (“ ”) at sa loob niyan, I-paste ang kinopya mong Parent/Group Token ID ➡ type in colon ( : ) ➡ Add a space ➡ Type in ulit ng double quotes (“ ”) at I-copy & paste dito ang URL ng hosting server ng iyong artwork. I-save ang file.

  • Pagkatapos mong na-add ang Token ID at hosting server sa “group_icon_repos.json” file, buksan ang “verified_tokens.json” file. Nasa pinakababa ito “public” folder. Again, magdagdag ng comma (,) sa pinakahuling entry sa pinakababa ng file at press Enter ➡ Type in double quotes (“ ”) at I-copy & paste ulit ang Parent/Group Token ID ➡ I-save ang file.

  • Automatic na nadedetect ng Github Desktop ang kahit anong changes na ginawa mo sa file. I-fill up ang header at description ➡ I-click ang Commit to master.

  • I-click ang Branch sa top menu ➡ I-click ang Create pull requestPush the commit.

  • Dahil wala kang write access, tatanungin ka if you wish to fork the repository. Fork the repository ➡ Piliin ang “To contribute to the parent project” ➡ Continue.

  • I-click ang Branch at and Create Pull request ulit ➡ Push.

  • Sa browser window, I-click ang green button na “Create Pull Request”.

  • Again, i-click ang susunod na Create pull request button.

  • Ang last step ng verification process ay hintayin na i-accept o i-deny ang pull request mo. It will take days bago ito maaccept kaya need na i-monitor daily ang page. Anyway, mag-e-email din naman ang owner sayo kung accepted or denied ang request mo.

Kapag na-accept na ng owner ang pull request mo, lalabas na dapat ang images sa SLP Explorer. Huwag na huwag mong i-send/submit ang NFT mo sa Juungle.net bago ma-accept ang pull request dahil hindi lalabas ang artwork mo sa Juungle.net.

Last Step: Listing on Juungle.net

Kapag na-accept na ang pull request mo at lumabas na ang image sa SLP Explorer, ready ka nang mag-send/submit ng NFT mo sa Juungle.net marketplace.

  • Buksan ang Electron Cash SLP.

  • Buksan ang Send tab sa Electron Cash SLP.

  • Ilagay sa Pay to ang deposit address ng account mo sa Juungle.net

  • Piliin ang Token Type na iyong isesend. Ito ang mismong NFT na i-lilist mo sa Juungle.net

  • I-click and Max sa Token Amount.

  • Double-check ➡ Send

  • I-check ang account mo sa Juungle.net at ready ka na magsell ng NFT!

IMPORTANT: Kung ang images mo ay naka-cache sa SLP explorer pero hindi nakikita sa Juungle.net, ibig sabihin ay kailangan i-update ng webmaster ng Juungle ang marketplace. Pwede mo silang i-contact at ipaalam sa kanila ito pero suggest ko na maghintay na lang, be patient, dahil minomonitor nila ang marketplace regularly.

Congratulations at natapos mo ang article na ito! Ginawa ang article na ito dahil sa malaking demand galing sa mga Filipino artists na nais mag-mint ng kanilang NFT kaya sana ay nakatulong ang simplified translation na ito.


This account @crimsonowl will be inactive forever. If you have questions, please tag me at @crimsonowlkk. I'm still no expect in this but I'll try to answer them.

27
$ 4.03
$ 1.00 from @Meyzee
$ 1.00 from @jiroshin
$ 0.50 from @Ruffa
+ 7
Avatar for crimsonowl
3 years ago

Comments

Pang dagdag save to sa save article ko hahaha di pa talaga masyadong makuha ng utak ko about dito. 🤧 Need kopa sapat na tulog para maintindihan ko lahat to. 🤧

$ 0.00
3 years ago

Aba eh marami palang gagawin para makapag-mint for Juungle. Napapaisip tuloy ako kung gagawa pa ako ng imi-mint or wag n lng. haha.

$ 0.00
3 years ago

Di ko pa natapos basahin pero sumakit na ang ulo ko😅

$ 0.00
3 years ago

Complete challenge that is like a josh

$ 0.00
3 years ago

Salamat po dito! May tanong lang po ako para clear pagkakaintindi hehe

  1. Ang Parent/Group token po ba is parang example “Bitcoin cash” then ang ang token symbol naman po is “BCH” it means 'yung parang pinaikli?
  2. Ano po pagkakaiba ng Parent/group token sa Child NFT?

Hehe salamat po!

$ 0.00
3 years ago

Hi!! Hindi rin ako expert sa NFT kaya nagtanong tanong din ako to confirm so to answer your question.

  1. Yup, exactly. Parang nickname kumbaga ang Ticker symbol as long as connected sa Parent/Group token.
  2. Ang Parent/Group token ang mismong token mo and under that Parent/Group token ang Child NFT. Take for example, nagmint ka ng 1000 tokens para sa Parent/Group mo, within the 1000 tokens ka kukuha ng piece para makagawa ng Child NFT. Parang family lang, nung napanganak ka, you have the same surname as your parents and you are under the same household.

I hope that makes sense.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sa explanation! Naintindihan ko po 'yung 1, yung sa 2 medyo naguguluhan pa ako. I think need ko muna s'ya maexperience para maintindihan ko. Salamat po ulit!

$ 0.00
3 years ago

Hahah exactly! Gulong gulo din akonaa simula pero nagets ko rin nung ginawa ko na. Happy minting!

$ 0.05
3 years ago

Try ko po kapag 'di na busy hehe

$ 0.00
3 years ago

Naka spam comment nya laulau, pero may reply na sya para sa tanong mo about minting.

$ 0.00
3 years ago

Di ko po napansin haha thanks for reminding me!

$ 0.00
3 years ago

Pwede po paexplain ano ba ibig sabihin ng sinasabi nyo pong "mint"?

$ 0.00
3 years ago

I maybe wrong pero based sa mga nabasa ko is means “to create, produce or manufacture”. This is not limited to NFTS but can also used when referring to fiat coins and money and metal. So yeah, it just means to create an NFT.

$ 0.00
3 years ago

Magaling, magaling..✌️

Sana dumami yung artist na Filipino sa Juungle..

Talentado pa naman ang mga pinoy, pagdating sa artwork.

$ 0.00
3 years ago

I agree para mas maraming fish in the ocean na!!

$ 0.00
3 years ago

Medyo sumakit ulo ko ah. 🤣🤣🤣 Interesado ako dito pero need ko isaisahin para masundan. Pwede ba to sa android phone?

$ 0.00
3 years ago

Sa PC pa lang pwede magmint for now. Skim ka muna para hindi ka mapressure. Yan din ginawa ko.

$ 0.00
3 years ago

Ano pong skim? As in yung mga nababasa sa Google? Diko kasi makuha yung connection sa NFT and definition from Google. Thanks

$ 0.00
3 years ago

Mint na guys! Its our time to shine ahehehe

$ 0.00
3 years ago

@Jane baka gusto mo imint art mo, diba may art ka din?

$ 0.00
3 years ago

@laurenceuuu baka interested kana mag mint after exams😂🤣😆

$ 0.00
3 years ago

Kasakit ulo hahaha

$ 0.00
3 years ago