read.cash Log in
@charol09

@charol09 in June 2022

@charol09

Wawang Hindi ko na natiis ang daming lamok kaya bumili na ako ng katol, mas gusto ko ang brand na ito kesa doon sa sikat na katol na hindi man lang mahilo sa amoy niya ang lamok kaya kapag bumibili ako sa tindahan Wawang ang brand na binibili ko. Sure na kasr na ang lamok ay tipok! Sempre kapag nakasindi ang katol sinisigurado ko muna na wala ang mga bata dahil may masamang epekto naman talaga ito sa baga, kung ang lamok nga nalalason tayo pa kaya.

@charol09

Good afternoon kanoise Paulan-ulan pa rin dito sa amin Sarap matulog dahil malamig So far wala naman ako masyadong pinagkakaabalahan ngayong araw ng Miyerkules. Kain, tulog, noise lang. Kayo po kamusta ang maghapon ninyo? Paggising ni bunso tatapusin na nya ang naka schedule na module nya na gagawin. Ingat po tayo.

@charol09

My eldest Last years pinag practice ang panganay ko ng titser nila para sa Cartoning , magbibigay ng picture si titser at i dradrawing naman ng anak ko. Apat sila sa section nila ang binigyan ng ganitong activity kaya kahit lock down busy naman ang anak ko sa hapon sa pagguhit kaso nito lang hindi na niya natututukan ang pag do drawing, abala naman siya sa gupit dikit o pagtatahi.

@charol09

Thanks sissy @Alyna1128 sa pa premyong 50 pesos para sa Guess game. Super thank you😍

@charol09

Umagang maganda Dahil kayo ang kasama Nakaka glow ng umaga At kaigaigaya Pagmulat ng mata Selpon ang hanap sa twina i-on ang wifi sa umaga pero Huwag magpapahuli sa asawa dahil pagagalitan ng bongga! Ay bat ganun?ahehe Good morning

@charol09

Ayaw ma upload ng picture. Kamusta po kayo, Online class uli ni bunso. Tambay muna ako dito habang nag oonline class si bunso. Ang hina ng net namin puro loading ang screen. Sana naman sa bagong pamamalakad lumakas naman ang internet sa pinas, nakaka highblood kase parang itong online class ni bunso huminto ang screen pero may tunog.

@charol09

Oras na pala ng meryenda Kaya ang dami na namang mga putahe sa screen ko kung pwede lang namili ng meryenda at makisosyo na lang sa inyo ang saya sana😅 Ito si bunso meron ng nginingima uwi ng papa niya hindi pwedeng walang pasalubong pag-uwi ng ama at magmamaktol. Kasiyahan na niya ito kaya naman ang tatay bago dumiretso ng bahay hihinto muna sa tindahan para bumili ng ibibigay.

@charol09

Ang init, Walang ulan, Wala ring signal ang tv plus,anyare? Flex ko na lang itong si muning ang galang nanay ni negneg. Wala na siya sa amin ngayon dahil sumakabilang bakod na. Iniligaw ng byenan ko dahil lagi nalang buntis. Gusto nitong hinihigaan ang bag ni hubby na mapasok hindi ko naman sinasaway dahil nahiya naman ako at 'nagdadalang pusa' ng mga panahong iyan

@charol09

Order Good morning noise fam! Share ko itong order ko today hindi na kaseng dami ng mga nagdaang buwan dahil hindi ko na maasikasong pagpopost at magluluto pero kahit ganun thankful pa rin ako at may tumatangkilik at may mga loyal costumer pa rin ako maging hanggang sa ngayon. Kahit ilan lang ok na sa akin, katwiran ko ' hindi ko mapupulot ang perang kikitain ko sa patambay-tambaylang'. Yun lang kanoise, kakain na kami. Ahe Good morning!

@charol09

Nakakapagod na maghapon sa inyong lahat! Na busy si inday ngayong araw kaya ngayon lang nakapag update. Kamusta po kayong lahat kanoise? Mag gu gudnyt na rin ako total gabi na rin naman. Good night po sa inyo mga kanoise, ang hiling ko lang sana umulan naman dahil ang init dito,huhu. Nyt,nyt..

@charol09

Kamusta po ang lahat Sabado na naman kaya schedulel uli ng laba namin ni hubby. Ang agang nagising ni bunso. Kagabi maaga sana akong matutulog kaso may nakita ako na complete episode ng gusto ko na kdrama kaya 11:30 na ako natulog. Mamaya uli makapanood,ahe, pero bago yun magsisipag muna ako sa bahay ng hindi ako pansinin ni hubby sa pagseselpon mamaya. Ingat po tayo sa maghapon!

@charol09

Last post ko 13 hours ago, ganun ako naging abala ngayong araw. Kamusta po ang lahat? Kami kakayari lang maglaba-dami, nakapag dinner na rin ng 'pangat', pangatlong init na ulam,ahe. Sanay kami sa ganung set up isa o dlawang putahe lang sa maghapon kapag naubos sa tanghali ang ulam ang hapunan namin karaniwan ay itlog, sardinas o kaya ay century tuna at chicharon. Pasalamat na lang kami at hindi ganun kaselan ang mga anak ko, kahit gulay ngayon kinakain na rin nila. Ang…

@charol09

Kapag puyat ako hirap akong gumawa ng tulog. Ganito ako noon pa mentras puyat tulog-gising lang walang diretsong tulog. 2am kami natulog kanina , gumising ng 5am, ang sakit sa ulo pero kinailangang bumangon. Nang mamamahinga naman na kami tsaka may dumating na bisita kaya nakapahinga kami mag-asawa 2pm na at 3 hours ago lang yun pero heto ako gising, si hubby tulog. Minsan naiinggit ako kay hubby mahipan lang ng hangin tulog.

@charol09

Na busy po ako ngayon. Yung parati ko na kinikwento na hipag ko na may sakit kagabi pumanaw na. Ang lungkot ng buhay, maiksi na, puno pa ng problema.

@charol09

Magandang gabi sa lahat Sumilip lang muna ako dito sa noise, 2nd day ngayon ng burol ng hipag ko at sa sabado pa ang libing dahil may hinihintay pang kamag-anak na darating. Luto at serve kasama na asikaso sa mga dumarating. Iinom nalang uli ate ng ferrous bago matulog ang hirap ng low blood tapos nagpupuyat. Ingat po kayo, na miss ko na mag share ng activity sa maghapon kaso hindi ko na kaya sa dami ng ginagawa.

@charol09

Good morning kainose Umagang-umaga may bisita ako sa bahay. Ang aga kong sumayaw-sayaw at gusto ng hele, ayan tulog na. Nanakit tuloy ang braso ko sa paghele. 4:30 pa lang gising na yan. Apo nga pala ito ng hipag ko na nakaburol ngayon, hindi man lang niya nakasama ng matagal. Good morning po

@charol09

Habang nakatambay ako kanina sa facebook nakita ko ang post ng dating pinagtratrabahuhan ko na kompanya. Furniture siya kanoise. Dalaga pa lang ako ng magtrabaho sa kanila hindi pa uso noon ang fb dahil ang selpon palang noon ay di keypad wala pa silang facebook page kaya natuwa ako ng makita ko na meroon na sila ngayon. Ang saya ng experience ko dito, naranasan ko na masarap pala kapag pay day. Nakita ko ng maaga na ang hirap kitain ng pera. Naranasan ko na ang hirap din na…

@charol09

Sugat Umuwi muna ako ng bahay dahil antok na antok ako, iniwan ko muna si hubby para magbantay sa kabila. Kami lang ni negneg ang nasa bahay kaya nilambing-lambing ko muna. Nga pala may sugat siya sa likod sabi ko ke hubby lagyan ng ivermectin ang pagkain ni negro at baka ginagalis na naman, hindi naman kase ito matuturukan ng anti-galis dahil busy yung magdadala.

@charol09

Ito yung oras na nakakaantok sa lamay, Katanghalian tapat tapos kulang ka pa sa tulog ng ilang araw. May baraha pa dito sa tabi. Ginagawang pamatay oras sa magdamag na lamay balak pa nilang mag bingo para dagdagan ang libangan nila.

@charol09

Heto kanoise at napabili ako ng kasoy sa tabing daanan sa may simbahan. Isang baso na maliit ay 50 pesos at ang isang basong malaki naman ay 100 pesos. Madalas makita ko ito kapag fiesta ng bayan at madalas hindi ako nakakabili dahil na mamahalan ako pero dahil kasama ko ngayon si hubby napabili ako dahil ito naman ang magbabayad. Ahe. Halagang 150 pesos ang binili naming kasoy sapat na presyo para pagbigyan minsan lang ang sarili. Sa kuripot kong ito makasampong beses pa…

@charol09

Fun Monday Rutin ko na tuwing lunes ang magtiklop ng damit pero dahil hindi kami nakapaglaba noong sabado ng gabi kaya module at paglilinis na lang ng bahay ang ginawa ko. Mamayang hapon pagdating ni hubby tsaka kami maglalaba. Bibili na rin ito ng sabon at naubos na ang stock namin. Habang namamahinga ako ngayon at tumitingi sa gallery ng phone nakita ko itong picture ni negneg na kinatuwaan na naman ng mga anak ko. Nilagay nila ng paper cup sa ulo tsaka kinuhanan ng…

@charol09

Hele Yung cute ko na bisita ay hindi ko na nakuhanan ng litrato, nakisuyo yung pamangkin ng asawa ko na alagaan ko muna ang 3 months old niyang anak dahil may gawain lang sila. So ayon mga ilang minuto na inilapag ko sa higaan e nagpapabuhat na at gusto ng magpahele para matulog. Sa loob ng 2 hours kinarga ko lang habang nakaupo at nanonood ng Youtube para hindi magising may dating kase ito na ayaw magpababa kahit antok na antok ang gusto lang buhat mo siya. Kahit ngalay na…

@charol09

Good morning noise fam! Maagang gising Trabaho ay gagawin Kada umaga paggising Kaldero at kawali ang bitbit Upang magluto at maghanda Para sa kakain mamaya Pagkanatapos na walis at basahan naman ang ihahanda Upang maglinis ng walang patid dahil may nagkakalat ng unlimited Ahehe, good morning

@charol09

Zonrox Gumamit ako ng bleaching liquid dahil mga pinutian ang mga nakababad ko, apaka tapang ng lagay ko. Sa sobrang tapang ang sakit na nya sa dibdib at sa mata. Nalaki siguro ang bukas ko kaya hindi ko napansin na marami ng nailagay sa batya. Maganda sanang huwag ng gumamit ng mga ganito kaso hindi maiwasan. Isa ito sa parating binibili ni hubby na stock namin dahil madalas gamitin. Sa mga groceries store madalas nagkakaubusan nito. Isa sa sandata ng mga nanay sa bahay…

@charol09

Pagbukas ko sa noise bumungad sa akin ang mga nakakatakam na meryenda. Haiist, ang sherep naman po ng mga post nyo. Ako maghahanap pa ng makakain mamaya ahehe, ang sarap sana ng fishball na bagong luto at masarap na sawsawan. Yung bagong hango sa kawali at umuusok pa tapos yung sawsawan madaming sili. Hayy, pangarap..

@charol09

Gud nyt Ang daming activities ngayong araw Bukas may assessment na para sa incoming SSES bandang hapon kaya kailangang mag aral ni bunso sa umaga. Napagoda si inday today at hindi nakapag post sa maghapon. Pasilip-silip lang ako kanina dito habang nag aalaga ng baby, hindi ako makapag type dahil isang kamay lang gamit ko. Kamusta po maghapon ninyo? Trabaho din po bang umaatikabo? Sarap lang sanang tumambay maghapon sa noise hanggang mag low bat,ahe. When kaya yun? Si hubby…

@charol09

Happy morning noise fam! Naghahanda na kami para sa assessment mamaya. Sana pumasa si bunso para happy happy,ahe, na prepressure na nga ako dahil hindi ko alam kung ano gagawin nila mamaya kaya heto papasadahan namin yung ilan sa mga activities nila ng nagdaang araw. Mas maganda ng naghanda . Ingat po tayo sa maghapon!

@charol09

Sana ol Sana ol relax na relax Gaya nitong pet namin sa bahay na 85 % ng maghapon niya ay puro tulog. Demanding pa kapag nanghingi ng pagkain sa tatay nila (hubby).

@charol09

Maganda pa kayo sa umaga mga kanoise! Heto na naman ang pet ko na laging bida sa kwento ko napaghahalatang walang ganap sa life at team bahay lang kaya walang ibang content kundi si negneg,ahe, pero yan talaga ang ganap ko lagi sa buhay ang umiikot ang maghapon ko sa bahay. 4:30 gigising mag aasikaso para sa pagpasok sa trabaho ni hubby, 6am kakain, 6:30 ba byahe na si hubby at ako naman eh maglilinis ng bahay na kahit araw-araw kang maglinis ganun pa rin ang itsura. Mamaya…

@charol09

Good morning, Good morning mga kanoise! Kailangan masigla tayo umaga pa lang at masaya para in the mood tayong kumilos sa maghapon. Lalamyerda ako today, yupie! Sana lang makapag picture picture ako para ma ishare ko sa inyo ang magiging activity ko today,ahe, ilang araw na rin na hindi ako masyadong updated dito dahil sa dami ng ginagawa. Ang aga nagising ng panganay ko at aalis sila papunta sa lola nila ngayon pero kapag walang lakad tulog mantika, gigisingin mo pa. Mas…

@charol09

Flex ko itong dress na nabili ko sa U.k-U.K kahapon. Long dress pangsimba sa halagang 150 pesos per piece. Yung pinambayad hiniram ko muna sa kasama ko kahapon,ahe,ala pa lang laman ang wallet ko mabuti na lang may extrang budget si friendship kaya nauwi akong maligaya.

@charol09

Tamad day sana ngayon pero need ulit umalis ng bahay dahil me kailangan na namang puntahan mamayang gabi na lang ulit kanoise gagayak na muna kami. Inuna ko ng ayusin ang isusuot ni bunso. Nabili ko nga pala itong short niya sa puregold noong Huwebes sa halagang 50 pesos ,ahe, yan na lang ang stock at saktong kasya sa kanya. Huwag naman sanang umulan mga kanoise,mamaya na lang mga 6 para masaya. 😅

@charol09

Flex ko lang yung drawing na tinanggihan ng anak ko na tinanggap ko naman dahil akala ko madali. Ahahah , kaya pala sabi niya 'ang hirap kaya nun ma'. Tapos ng maisend na sa akin ganito pala. Now ko lang ginawa late ko na nakita kagabi at antok na antok na ako. Siguro naman pwede na ito? Hindi naman ako expert sa drawing at pag sketch, mga bulaklak, puno at bundok lang parati kong ginagawa tapos bukid. Wag na silang mag expect ng magkahawig ahe, Good morning to all!

@charol09

Pagodang tanghali sa lahat! Laba laba ako today At super dami nya talaga, Wala pa dito si hubby para tulungan ako Kaya ginawa ko yung mga magagaan inuna ko na isampay tapos yung mga mabibigat bahala na siyang magbanlaw,ahe. Ang bigat talaga hinahapo ako magbanlaw.

@charol09

Yung friendship mong mahilig mag online selling at mahilig mag-aya sa bago nyang raket. Ahe, nag-iisip tuloy ako kung gogora na ba ako ulit sa pagtitinda o mamamahinga pa sa dami ng asikasuhin. Ok din naman ang magka extra income kaso minsan nakakapagod at stress din kapag sumasabay ang gawain sa bahay at sa eskwelahan ng mga bata. Ang hirap mag time management.

@charol09

Yung kaibigan mong nag se send ng voice clip kapag tinatamad mag type. Hello sayo! Ahe. Ganyan lagi ginagawa niya kapag kausap ko sa messenger buti na lang lagi akong may load sa internet. Nasa ibang bansa nga pala yan mga kanoise pero ang hilig ding rumaket ng kung anu-ano. Kapag nauwi yan sa pinas binubuliglig ako ng tinda. Kasipag na babae. Lagi niya sa aking kinikwento kung ano ang pangarap niya. Ang nakakatuwa hindi puro kwento lang dahil ginagawa niya talaga. Nakabili…

@charol09

Ang talino talaga ni negneg kahit kailangan hindi nakakalimutang gumamit ng bowl. Very good Neg, good job! Kahit itali mo sa maghapon yan hindi iihi o dudumi sa kung saan. Sa banyo talaga siya pupunta. Ang ginagawa pa tinatakpan kunwari ang bowl kapag tapos na siyang gumamit. Magugulat ka nalang sa gabi may umiihi sa banyo maririnig mo. Kaya naiintindihan ko ang mga fur lovers kung bakit ganun na lang ang iyak nila kapag nawawala o namamatay yung mga alaga nila dahil sa saya…

@charol09

Ito ngayon ang pinasa ng anak ko via online sa titser nila para sa editorial cartooning nila, apat sila sa gc na sinesendan ng titser nila ng activity kapag nakayari na sila sa nakaraang ibinigay niyang ido drawing nila. Kahit wala namang laban dito gusto ko yung ginagawa ni titser para ganahan namang mag drawing ang anak ko. Kapag kase walang ipinapapasa hindi siya nagsasanay mag-isa

@charol09

Nagpapaspas na si hubby ng mga banlawin dahil late ng nakauwi kaya late na din nakapagbanlaw hindi na daw niya ipagpapabukas, ahe, mainam naman ng hindi bumaho. Sabi niya kulang daw yung fabcon kaya madagdagan. Makabili mamaya. Past 9 na pala, bilis ng oras. Pagod na rin si hubby kaso hindi keri ng powers ko ang bigat ng tatlong bedsheet, tatlong tuwalya , limang pantalon, apat na short at ilang padjamas ng mga bata. Sori na hubby, ganyan talaga sa bahay walang pahinga.

@charol09

Good morning mga kanoise! Start ng morning kaya lutuan na. Share ko lang itong tomato sauce. Isa kase sa sangkap na gagamitin ko sa lulutuin na ulam ngayong umaga. Ang menudo! Ang menudo nga pala namin kaingay ay puro gulay hahanapin mo kung nasaan si pork sa mahal niya ca't afford bumili ng marami. Maiba lang ng ulam kaya nabili,ahe. Yung iba purong kamatis ang ginagawa kapag nagluluto ng ganito. Maganda naman yun kaso matrabaho sa akin na konti lang ang oras sa umaga para…

@charol09

Tupi day ngayong tuesday! 1st batch kanoise kaya bawal magtamad-tamaran si inday Chucha. Sana hindi na ito abutin ng Huwebes at matapos ko na mamayang gabi para mag tambay mode naman ako tomorrow. Mag suggest naman kayo kanoise kung anong magandang kdrama para may mapanood ako habang nagtitiklop,ahe, (tapos yun pala dahilan kung bakit hindi ako makatapos😅)

@charol09

Flex ko itong ipinost ko sa gc namin ng mga kaibigan ko na puro drawing, hilig mag set hindi naman natutuloy. Nakita ko sa Facebook tapos naalala ko sila. Meron din ba kayong mga kaibigan na puro drawing mga kanoise? January pa kami nagse set pero hanggang ngayon wala pa. Anong petsa na? Mga highskul classmate ko sila at aapat lang kami pero hindi magtugma ang mga schedule namin.

@charol09

Heto lang ang gagawing module ni bunso ngayong araw pero bukod dyan meron pa siyang exit exam mamaya, PETA na sasagutan at video ng pagbasa na need ipasa mamaya via Messenger kay titser. Hindi pa pala ako nag go good morning, Good morning po sa lahat! Habang hindi pa ginagawa ni bunso ang module niya mag bi busy-busihan muna ako sa bahay habang sumisingit ke noise, wala akong tanggap na order ngayon kaya kailangang magsipag dito at baka biglang tumaas ang value ni BCH e may…

@charol09

Kinuhanan ko lang ng litrato itong color black na aso. Naalala ko kase si Negneg na pusa namin. Siguro kung may aso kami tas ganito kulay Nognog naman ang pangalan,ahe, joke yarn?

@charol09

Dito nga pala sa shop na ito nakabili ako ng magandang frying pan na nonstick. Legit non-stick talaga ,30 cm ang kinuha ko para sure na malaki at hindi nga ako nabigo , malaki nga ng dumating, mabigat at nag e slide lang ang isda kapag priniprito ko. Sa halagang 369 lang sulit ang bago kong 'baby' sa kusina.

@charol09

Flex ko po itong non stick pan na sinasabi ko sa inyo kanina,ahe. Oh diba ang laki niya. Sure po na non stick, legit na legit. Makapal at mabigat. Nakayari na po kaming kumain, habang nagsasagot si bunso si hubby naman nagluluto. Nang makayari siya magluto kain kaagad para mainit ang foodie.

@charol09

Start ng morning may order kaming 20 pcs longneck. Order ng friend ko na nag ke catering service . kulang pa yan kaya need pang bumili ni hubby para sa kapupunan tsaka stock sa bahay pang tinda na rin. Konti lang ang tubo sa mantika pero pwede na rin pang load ng modem namin weekly. Dito namin kinukuha ang budget.

@charol09

Busy si bunso nagsasagot ng exit exam. Hindi kami naka attend kahapon sa online kaya ni send ni titser ang exam na sinasagutan nila. Mejo tumataas ang presyon ko dahil apura tawag ng anak ko. Hay buhay!

@charol09

Yung bigla kang nalungkot sa nabasa mo. Marahil ang ilan matawa lang dito pero kung iisiping mabuti nakaka sad yung ma bully ka sa itsura mo. Ang taas ng standard ng tao sa pagtingin sa kagandahan. Kaya na napahalagahan ko ang comment ng dalawang netizens na ang society at mindset ng taong tumitingin ang masama.

@charol09

Kakauwi ko lang kanoise, pagkagising umalis kami ng panganay ko at nagpapabili ng tsinelas dahil maliit na yung tsinepen niya. Kaya pumunta kami sa kapit-bahay naming si Puregold. Nabili kami ng Buy 1 take 1 na tsinelas at ilang stock nilang biscuit. Pag-uwi nagtuos ako ng gastos namin tapos napansin ko na may mali sa resibo. Kaya bumalik uli ako sa kapit-bahay namin na si Puregold at nagpunta sa costumer service buti na lang na refund ko sobra sa resibo. Sayang din kase…

@charol09

Good morning po sa lahat, kanina pa ako gising pero hindi makapag post gawa ng busy sa pag-aasikaso sa papasok ng trabaho. Umalis na si hubby dala ang baon niya today kaya pwede na uli magtambay sa noise kapag walang ginagawa. Gagayak ko lang muna ang gawain ni bunso at mag-aayos-ayos dito sa bahay. Happy morning po sa inyo.

@charol09

Meet Miming ang kapatid ni Negneg na super duper sa bait. Ang alaga ni ate at love na love niyang pusa. Mejo tamilmil lang itong kumain kung ikukumpura sa kapatid niyang maganang kumain pero kahit ganun mas malaki pa rin siya kesa ke Negneg kahit na mas bata ito ng isang taon. Hindi man lang nagsusunget ang pusang ito kahit panggigilan ng dalawa kong anak.

@charol09

Share ko itong drawing ng friendship ko. Mahusay ang kamay sa paggawa ng editorial cartooning, ask ko kase siya kung pwede niya ako igawa ng mukha na may iba't ibang emosyon para may idea ang anak ko. Mga ilang minuto pagkabasa sa chat ko heto at gumawa nga siya. Galing naman. Ang panganay ko kase kapag mukha ng tao hirap pa siyang bumuo sa isip niya para iguhit. Ty kay friendship🙂

@charol09

Good morning madlang noise family! Lalamyerda uli kami ngayong araw kaya Pasilip-silip na lang ako mamaya. Ingat po tayo sa buong maghapon. Ang aga-aga may mga toyo ang dalawang anak ko. Baka maaga akong highbloodin. Share ko muna sa inyo itong lalagyan ng sapatos na nabili ko 2 months ago , nilabas ko sa lalagyan at laging natatanggal ang takip ayoko ng lagyan ng sapatos, ano kaya gagawin ko dito? O siya, nandito na si hubby makapag luto muna ng almusalan. Ingat po kayong…

@charol09

Kain tayo kanoise. Mid night snack ko sa maghapong pagod, kakauwi lang namin dahil sinundo ang dalawang anak namin sa kabila. Kakapost nyo ng Avocado nag crave tuloy ako. Kakainin ko lang ng ganito walang asukal at gatas para walang kahati,ahe

@charol09

Kamusta mga kanoise, lunch time na. Hindi ko na share ang lunch namin dahil sobrang gutom na talaga, share ko na lang itong picture ng alaga namin ng madatnan namin sa bahay na natutulog sa basket na pinaglalagyan ng trabaho ni hubby. Ahe, sa sobrang lakas ni Negneg sa papa niya hindi nagawang pagalitan. Tapos yung isa naman naming pusa nadatnan naming pinagugulong yung Avocado at ginagawang bola.

@charol09

Share ko sa inyo ang pagpunta namin sa Unitop para bumili ng Syiansi o Spatula. Yung syiansi kase namin malapit ng pumanaw kaya bumili na kami ng bago para naman mamahinga na siya sa paglilingkuran ng maraming taon,ahe, kase spatula na namin ito simula noong wala pa kaming anak ni hubby sa tagal ng panahon napagod na ito sa kasipagan niya sa kusina. Kaya ng makapili na kami ng spatula umalis na kami sa Unitop, baka kung magtagal pa kami maghakot pa ng kasama sa cashier, ahehe

@charol09

Good morning mga kanoise. OK na yung tum-tum ko kaya magaan na ulit ang pakiramdam ko. Hirap kapag nasosobrahan ako ng kain ang bigat ng tyan ko. Kaya kapag nasobrahan ako nag I skip ako ng pagkain, katulad kahapon sobrang busog ko ng lunch pagkatapos kase naming kumain may nag bigay ng Dunkin Donut tapos Toblerone tig kalahati lang namin kinain ko tapos kalahating Avocado , ganun lang ang bigat na ng pakiramdam ko. Kaya kinagabihan hindi na ako kumain ng hapunan sila hubby…

@charol09

Flex ko lang itong drawing ng anak ko na busy na naman ngayon kakakutkot ng gamit namin. Parang daga na laging naghahagilap ng mabubutingting. Hindi naman nila yan activity sa skul, ginawa lang niya dahil nagpapatay ng oras sa sala habang kami ni bunso natutulog sa tanghali. Kakagising ko nga lang pala kanoise, yung 1st batch ng labada namin nasampay ko na at yung mabibigat si hubby na bahalang magbanlaw uli mamaya pag-uwi galing ng trabaho,ahe, ito yung set up namin ngayon…

@charol09

Maagang nauwi si hubby kaya nakapagsampay ng maaga si ate, 2nd batch ng labahin namin yun kanoise. Natamad akong tumayo para picturan, ewan ko ba ang bigat ng pakiramdam ko at sumasakit pa ang ulo ko. Nag-iisip nga ako ng uulamin namin. Kung may tanim lang kaming talbos ng kamote yun na lang sana tsaka sardinas para mabilis. Nakapagsaing naman na ang panganay ko habang naghihintay ng isasampay. Kanina habang gumagawa ang mag-ama ko nag-ayos naman ako ng lalagyan namin ng…

@charol09

Movie time! Nood muna kami ng Dr. Strange Ganda guys! Enjoy ang mga kiddos pati din kami Try nyo din po mga kanoise.

@charol09

Ang kagandahan ay hindi lang makikita sa panlabas na kaanyuan dahil maaari din itong makita sa tahimik na kapaligiran. Ahe, humuhugot lang kanoise, mas maganda kaseng mamuhay ng tahimik kesa mamuhay araw-araw sa toxic environment. Tipong umaga pa lang panget na ang gising mo. Ang bigat nun sa maghapon. Kaya pumili tayo ng kapaligiran na healthy sa mind at body at magsikap na panatilihin ang masayang saloobin. Good morning to all!

@charol09

Throwback picture ni Ate at ni Negneg. Ang liit pa ng alaga namin. At ang paborito niyang pinanonood ay Lion King , kapag narinig niya na ito ang palabas humihinto ito at nanood din. Ang cute pa nya dyan pero ngayon 'acute' na siya. Sa kakakain nanaba na at lumaki ng husto.

@charol09

Puyat is real kanoise. 3am nagluto na ako ng order. Now nakayari na ako kaya pahinga muna, sana makaidlip ako kahit saglit. Sabi ko sa mga bata walang lalabas muna dahil ayoko magsaway. Share ko muna itong face mask holder na pinagkakaabalahan naman ngayon ng anak ko. Hindi talaga mapakali ang pwet kapag walang kinukutkot. Sabi ko sa panganay ko na tapusin na nya yung mga kailangan niyang idrawing dahil natambakan na siya gawain. Sana naman sumunod.

@charol09

Fan siguro ni Bob Ong yung admin ng channel na ito,ahe, pansin ko lang. Unahan pala sa ayawan Bob Ong! Nga pala hindi ako makatulog ng diretso kahit puyat, iba talaga tulog sa gabi. Iniisip ko kung tatayo na ba ako para magsipag-sipagan o kakain na. Sabi ni hubby hayaan ko lang daw yung mga tupiin nami sa basket at mamahinga na lang ako sa maghapon. Yung kusina nga pala namin hindi ko na nasilip kung ano na itsura. Sa kusina kase naglalaro yung dalawa kong anak. Hindi naman…

@charol09

Pahinga si Inday sa order ng Leche flan. Ayos hindi pagod,ahe, pero mga December panahon ng kalakasan ,malakasan talaga ang luto. Kanina ibang order naman ang niluto ko. Hirap lang maghalo at kailangan maaga ang gising para magampanan ko naman ibang gawain ko sa bahay. Laking tulong ng extrang gawa ko sa amin. Mas mainam sana kung tumaas yung BCH kahit hindi na ako magluto pwede na ang income dito,ahe..

@charol09

Magandang umaga mga kaPilipinas! Good morning po sa lahat! Sa mga hindi good ang morning pwede pa po kayong matulog ulit,ahe. Mahirap mainit ang ulo sa umaga nakakapanget,ahe. Uy, Thursday na mga kanoise, kabilis talaga ng panahon. Sa dami marahil ng pinagkakaabalahan ng tao kaya parang ang oras mabilis lang🤔 . Ano pong tingin nyo? Nga pala na late kaming nagising ngayon, si hubby nasa palengke pa. Malamang nakikipagpatentero yun sa dami ng tao kapag ganitong oras,ahe.…

@charol09

Solian ng libro at module ngayong araw pero may 1 week pa uli na ibibigay na module si titser mamaya. Kailangan pang mag sipag ni bunso na dapat naman. Kamusta po umaga ninyo? Busy mga anak ko kakapanood ng Marvel Doctor Strange ilang beses na yan simula kahapon. Hindi po yun kdrama ha, isa sa super hero sa Avengers yung may kapang pula. Nalibang na naman sila sa panonood.

@charol09

Sa katamaran kong lumakad papuntang skul , nagtrisikel na lang ako balikan. Gusto ko sanang umidlip pag-uwi kaso hindi ko nagawa. Nawala antok bigla. Sayang kung kelan malamig pa naman ang panahon ngayon dito tsaka naman hindi ako makatulog. May pa reward uli si titser kaya tiyak paggising ng bunso ko matutuwa uli yun. Tinatanong nga niya kanina kung meron pang module ulit. Sabi ko oo dahil lab siya ni titser.ahe..

@charol09

Dumating nga pala itong inorder ko na stand up pouch para sa aking munting negosyo. Nakita ko kase noong isang araw na paubos na ang stock ko. Ang bilis ng delivery parang kahapon ko lang inorder ngayong araw dumating na. 50 pcs nga pala ang isang pack. 12x20, 138 pesos lang. Pumapatak na 2.75 pesos per pc lang. Mura na mas maganda pang tingnan. Nakailang order na rin ako kay seller kaya subok ko na. Gumagamit na lang ako ng sealer para mas safe kahit may lock siya. Mas…

@charol09

Good morning noise fam! Happy FriYehey sa ating lahat! Nandito na naman ako sa punto ng buhay ko na nag-iisip kung ano ang uulamin. Nakakatuyo din ng utak ang mag-isip,ahe, kamusta naman ang umaga ko? Ok naman mga kanoise pareparehong gawain saloob ng isang linggo, gising, luto,linis,noise,module ng mga bata, kain,tulog,noise,module ulit,linis,kain,noise,ahehe. Walang bago pero ok na ito kesa meron. Ingat po sa maghapon!

@charol09

6am palang panonood ng telebisyon na ang ginawa ng bunso ko. May bago uli kase silang movie sa usb, Scarlet Heart ata ang title hindi ko pinanood pero yung title niya gusto ko sa kdrama na palabas. Nakaka inlab ang story pati mga tauhan,ayeii! Balik tayo sa baby ko, so ayun nga 6am palang nanonood na siya na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko dahil nanoood siya at wala siya sa kapit-bahay namin ng umagang-umaga kase nga nanonood siya,ahe. Naiisip nito laging makipaglaro…