read.cash Log in
@charol09 more from that month

Heto kanoise at napabili ako ng kasoy sa tabing daanan sa may simbahan. Isang baso na maliit ay 50 pesos at ang isang basong malaki naman ay 100 pesos. Madalas makita ko ito kapag fiesta ng bayan at madalas hindi ako nakakabili dahil na mamahalan ako pero dahil kasama ko ngayon si hubby napabili ako dahil ito naman ang magbabayad. Ahe. Halagang 150 pesos ang binili naming kasoy sapat na presyo para pagbigyan minsan lang ang sarili. Sa kuripot kong ito makasampong beses pa ako na nag-iisip kong bibilin ko ba o hindi ? Ganito naman marahil ang lahat ng mommy na nagsisikap na magbudget ng pera para sa pangangailangan ng pamilya. Marami tayong mga bagay na gusto pero hindi lahat kailangan. Napansin ko na yung mga dating bagay na hinahangad ko at nakuha naman ay ayon nasa sulok at inaalikabok. Maraming gusto pero hindi kailangan. Ang dami ring nagsulputang mga bagong appliances, gadget, model ng bahay mga pagkain ang nakakaagaw ng atensyon na para bang kumakaway at hinihikayat kang bilhin . Ang tawag ko sa kanila, tukso. Ahehe

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.