read.cash Log in
@charol09 more from that month

Gud nyt Ang daming activities ngayong araw Bukas may assessment na para sa incoming SSES bandang hapon kaya kailangang mag aral ni bunso sa umaga. Napagoda si inday today at hindi nakapag post sa maghapon. Pasilip-silip lang ako kanina dito habang nag aalaga ng baby, hindi ako makapag type dahil isang kamay lang gamit ko. Kamusta po maghapon ninyo? Trabaho din po bang umaatikabo? Sarap lang sanang tumambay maghapon sa noise hanggang mag low bat,ahe. When kaya yun? Si hubby busy pa sa work niya kahit gabi na. Ang mga bata naman naghaharutan pa kahit kaninang umaga eh nagpa vaccine sila para sa covid. Inagahan na naming magpa vaccine kesa kung kelan malapit na ang pasukan tsaka magkukumahog, marami namang mga bata kanina ang nagpavaccine hindi nga lang ganun ka dagsa kaya hindi stress pumila. Tapos pag-uwi namin nag online class ang panganay ko para sa exit exam nila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako at malapit na ang face to face classes kase parang lagari na namam ako nito kakabalik-balik sa eskwelahan at sa bahay. At sempre kapag may pagbabago parang inaayawan mo talaga dahil nasanay ka ng nasa bahay lang sila. O siya, good night na po sa inyo..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.