Last post ko 13 hours ago, ganun ako naging abala ngayong araw. Kamusta po ang lahat? Kami kakayari lang maglaba-dami, nakapag dinner na rin ng 'pangat', pangatlong init na ulam,ahe. Sanay kami sa ganung set up isa o dlawang putahe lang sa maghapon kapag naubos sa tanghali ang ulam ang hapunan namin karaniwan ay itlog, sardinas o kaya ay century tuna at chicharon. Pasalamat na lang kami at hindi ganun kaselan ang mga anak ko, kahit gulay ngayon kinakain na rin nila. Ang mahal kase ng bilihin kaya kailangang maghigpit ng sinturon, basic needs lang nakakaubos na ng budget, everyday ulam pa kaya. Relate dito ang mga humahawak ng budget, yung tipong magtataka ka pa kung saan napunta yung pera at bakit naubos kaagad? Tapos, kwekwentahin mo isa-isa at magugulat ka pa na ganun kalaki na ang nagastos mo kahit ilang piraso lang ang nabili mo. O siya, magandang gabi na lang po sa inyo mga kanoise. Sana bukas hindi na ako abala.. Nyt,nyt..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet