Hele Yung cute ko na bisita ay hindi ko na nakuhanan ng litrato, nakisuyo yung pamangkin ng asawa ko na alagaan ko muna ang 3 months old niyang anak dahil may gawain lang sila. So ayon mga ilang minuto na inilapag ko sa higaan e nagpapabuhat na at gusto ng magpahele para matulog. Sa loob ng 2 hours kinarga ko lang habang nakaupo at nanonood ng Youtube para hindi magising may dating kase ito na ayaw magpababa kahit antok na antok ang gusto lang buhat mo siya. Kahit ngalay na ako sige lang kesa mapagod ako kakasayaw, ahehe. Kaya matapos ang dalawang oras kinuha na siya ng ama nito at umuwi na. Hayy, ang sarap ng may baby pero ang hirap mag-alaga. Biglang ng flashbacks sa akin ang nakaraan, ang panganay ko mahirap alagaan dahil ngalngalin at sumpungin , stress ako noon dahil konting kibot nya ngumangawa. Ang sarap ngang sampal-sampalin ,ahehe. Kapag naaalala ko yung hirap inaayawan ko ng magkaanak.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet