Yung kaibigan mong nag se send ng voice clip kapag tinatamad mag type. Hello sayo! Ahe. Ganyan lagi ginagawa niya kapag kausap ko sa messenger buti na lang lagi akong may load sa internet. Nasa ibang bansa nga pala yan mga kanoise pero ang hilig ding rumaket ng kung anu-ano. Kapag nauwi yan sa pinas binubuliglig ako ng tinda. Kasipag na babae. Lagi niya sa aking kinikwento kung ano ang pangarap niya. Ang nakakatuwa hindi puro kwento lang dahil ginagawa niya talaga. Nakabili siya ng maliit na lote noong unang alis niya at bago siya umuwi naipundar pa niya ng trisikle ang asawa niya. Hindi naman ganun kalakihan sahod niya dahil taong bahay ang trabaho niya pero natustusan nya yun sa pagtitipid. Salute to you!
1 comment
Nakakatamad nga nman mag type kaya voice clip na lang