Walang Pera

4 35
Avatar for bbghitte
3 years ago

Ang hirap ng walang pera

Nakakatulala

Minsan nakakapraning pa

Lalo pag kumakaway na

Mga bayarin at iba pa

Pero bakit nga ba pag walang pera

Lalo kang nagiging gutumin bigla

Mainit ang ulo

Onting kibot, hay naku!

Pati gamo-gamo napapansin mo at napag-iinitan ng ulo!

Minsan pa nga sa kakatipid mo

Mawawalan ka pa ng sentimo

Naku sakit sa ulo!

Pero sa mga pagkakataong walang-wala ka

May mga dumarating na biyaya

Na di mo inaasahan mula sa iba

O kaya makakapulot ka

O may biglaang raket mula sa talentong kinalimutan mo na

Gaya na lang nung ilang linggo na nakakaraan

Malapit na ang due ko sa isang kautangan

Biglang si waifu aking nabalitaan

Aba tinapangan ko bes

Pinambili ko kita ko ng isang linggo

Nasa $9 yata sya

Bumili ako, $8.97 presyo

Binenta ko din agad kasi excited ako

Aba biruin mo kinahapunan

Isang notification natanggap ko

Nabenta ko daw itong isa kong waifu

Kumita ako ng di lang sampu

Pero dalawampung dolyares pa kamo

Napapangiti na lang ako

Nagpapasalamat sa Panginoon ko

Agad kong binalik puhunan ko

Sabay lipat sa ating sariling peso

Problem solved si utang!

Isa pang halimbawa

Para humaba itong ating istorya

Mauubos na gatas ng aking unica

Eh di isip ako san kaya kukuha ng pera

Matagal pa katapusan ayuda mula sa aking kapatid na nasa ibang bansa

Biglang isa tita nagtanong

Musta yung halaman mong maganda?

Sabi ko ayos lang naman, madami na syang sanga

Iuuwi ko bukas at ipapa-top cut natin at ng mabenta

Eh di sige-sige! Sagot kong mahina

Para ang saya ko ay di masyadong halata

Kinabukasan, pinasuyo ko kay kapatid

Halaman ay madala agad kila tita

Pagkalipas ng ilang araw

Binalik ang aking halaman, putol na sya

Pero wag ka

Si tita may sinuksok sa aking bulsa

Pagtingin ko, aba may 1500 sya!

Ang saya-saya di ba?

Ang pera kasi madaming nagagawa

Minsan maganda, minsan naman ay masama

Pero kung wala ka na ngang pera

Tapos magmumukmok ka pa

At isisi mo ang kawalan mo sa iba

Naku eh di good luck ika nga

Lalo kang lalayuan ng grasya

O kaya lumalapit na ang grasya tinaboy mo pa

Dahil ang utak mo ay nakasara

Sa mga sagot sa iyong problema

Imbes na iaabot na sa'yo ang biyaya

Ayan tuloy binawi na

Pera na naging bato pa sabi nga ni lola.

Kaya kaibigan, pera ba problema mo?

Bat di ka magdasal ng taimtim

Ibulong ang iyong hiling

At maniwalang ito'y makakarating

Sa saktong oras at panahon na iyong kailanganin.

Kaya kaibigan, pera ba problema mo?

Tingin ka sa itaas oh!

Oppsss, butas na dingding nakita mo😁

Biro lang

Tingin ka sa itaas

At managlig kay Bro!

Inaantay lang kaya dasal mo

Ikaw kasi busy ka masyado

Eh instant kaya sya pag mamigay ng aginaldo

Di lang yan dumarating pag pasko

Dahil araw-araw binibigay Niya ito

Sa akin at sa iyo.☺️

...^•°...

Salamat sa pagbabasa kaibigan

Oras na ng tulugan

Dahil ako'y inumaga na naman

Paggising ako na naman ay mauunahan

Ng aking anak na may kakulitan😁.

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent

4
$ 1.25
$ 1.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Hahah! Butas nga din ung nakita ko sa taas 😂 Anyway, kakarelate much after ko mag bayad ng utang lol! Of course, lagi nmn talaga tau ma amaze sa provision ni Lord. Amen!

$ 0.05
3 years ago

Yap, gagawa at gagawa sya ng paraan☺️

$ 0.00
3 years ago

Perfect examples of God will provide. Pero totoo yang magmumukmok, magrereklamo at isisisi pa sa iba ang kawalan mo ng pera. Yung bakit hindi ka na lang gumawa ng bagay ng pagkakaperahan. Naalala ko yung isang story ko about Frank. Isinisisi niyang wala na siyang magulang, hindi tapos sa pag-aaral kaya ganun nangyayari sa buhay niya. Pero bakit naman yung kapatid niya nakapag ibang bansa at nakabili ng bahay kahit loan. Mas madali kasing isisi sa iba ang mga kamalian sa buhay. Oh well, basta push lang tayo sa mga raket. Matatapos din ang ating mga kautangan. 😁

$ 0.05
3 years ago

Tamaaaa! One step at a time sis☺️

$ 0.00
3 years ago