Susugal ka ba?

10 25
Avatar for bbghitte
3 years ago

Susugal ka ba o aayaw na

Tutuloy ka ba o aatras na

Bibitaw ka ba o onting kapit pa

Magtitiis ka ba o pipiliin mo ng lumaya

Lumaya sa damdaming pinipilit mong itama

Pero sadyang iba na, nagbago na

Lumamig na ang dating mainit na pagsasama

Na dati akala nati'y di na mabubuwag pa ni kupido o ni tadhana

Pero ganun yata talaga

Pag di naaayon kahit anong pilit natin

Talagang si tadhana ay di sasang-ayon

Pero sabi nga ni Julia, 'Pinilit naman natin di ba?'

Kaya thank you ha

Sa mga masasayang alaala

Mga panahong ang puso ko ay buo

Na ang saya at ngiti ko ay di maitago

Buo ang paniniwala ako

Papana ulit si kupido

At sana this time bullseye na ito

Para naman masabi ko ulit ang katagang 'I love you!'.


Oh, nagulat ka ano

Di ko yan kwento

Napagana ko lang ang aking pagkamata na talento

Tsaka gusto ko sana ito lagyan ng tono

Kaso napakahirap naman yata nito

Beat at melody ay wala pa sa isip ko

Sinusubukan ko habang sinusulat ko itong artikulo

Kaso iba ang narealize ko

Na mahirap pala talaga bumuo ng isang kanta

Kahit sabihin nating pucho-pucho

Aba gagamitan pa din pala talaga ito ng talento

Masusing pag-aaral at dagdagan mo pa ng pagiging romantiko kahit papano.

Sa ngayon, sa Detoken muna ako susugal

Matalo man o manalo ayos lang

Subok ulit kinabukasan kasi ganun din naman

Di natin makukuha ang gusto natin kung di nati susuhan

Buti na lang madaming kaibigan na handang umalalay kung kailangan.


Lead imahe is from Unsplash
#originalconenr

6
$ 1.67
$ 1.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.02 from @Ruffa
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments

Ang tagal ko nawala ngayon isa ka ng makata! Ang galing!

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, nagsusubok sis baka sakali maimprove pa😁

$ 0.00
3 years ago

Syempre nmn!

$ 0.00
3 years ago

Winner talaga!! πŸ† may JoshLia fever ka pa. hindi pa rin talaga ako makarelate kasi hindi ko pa napapanood or napapakinggan.

$ 0.00
3 years ago

Hala sis, panoorin mo na!!!!

$ 0.00
3 years ago

Ang galing πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis☺️☺️☺️

$ 0.00
3 years ago

Hehe welcome πŸ‘ŒπŸ˜š

$ 0.00
3 years ago

Ang creative mo talaga ate sa paggawa ng poems. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Salamat! πŸ˜πŸ’“

$ 0.00
3 years ago