Saan ang lakad mo?

7 28
Avatar for bbghitte
3 years ago

Saan ang lakad mo?

Ha? Ano?

Di ka sigurado?

Eh ang ganda-ganda nga ng porma mo

Daig mo pa ang outfit ng pulitiko

At ng paborito kong si Piolo

Aba naman, hay naku!

Pero di ba mas maganda pag surprise ang destinasyon mo

Mas exciting, mas masaya at di lang drawing ito

Kasi yun ang natutuloy palagi kahit magulo.

Parang noong nag-aaral si tatay ko

Andaming naging kurso

Nag-abogasya, doctor, inhinyero

Pero napunta sya sa fisheries at doon nakilala si nanay ko

Aba, iba din talaga si tadhana maglaro ano

Kung di nya dinala si tatay doon sa ganung kurso

Eh di sana walang anak na kasing cute ko!?

O kaya naman noong ako'y nag-uumpisang magtrabaho

Wala akong kaalam-alam sa mundo

Bahay-opisina lang ruta ko

Pero nagsara ang unang kumpanyang napasukan ko

At napunta ako isang hardware na industry

Malaki naman ito at may mga sangay sa iba-ibang lugar sa Manila at karatig bayan nito

Aba akalain mo

Natuto ako magbyahe mag-isa ko

Di na lang bahay-opisina ang aking napupuntahan

May Pampanga, Tarlac, Bulacan at Laguna

Tapos sa iba-ibang lugar ng Metro Manila

At doon ko naman nakilala itong si kuyang aking naging asawa

Aba pano ba naman eh di ako tinantanan

Talaga namang ginalingan

Eh di yun, na-fall na din ng tuluyan

Naging magkasintahan at the rest is history na

At si Yuri nga ang aming naging bunga.

Hala, kung saan-saan na napunta ang aking istorya

Pero ganun kasi talaga ang buhay

Minsan akala mo alam mo na ang destinasyon mo

Dami mo pang plano, naka-lista pa nga kamo

Pero iba ang nakasulat sa ating mga libro

Iba sa daan na gusto mo tahakin

Kaya minsan nagagawi ka sa daang madilm

Hindi para ikaw ay takutin

Kundi para ipakita sa iyo na iba pala ang tapang mo

Na kaya mo pagtagumpayan ang takot mo!

O kaya sa daan na madaming kanto

Di mo alam ang papasukan mo

Pero bigla kang may makikilalang tao

Na syang aakay at gagabay sa'yo

Yung taong di mo naman kaano-ano pero ang gaan-gaan ng loob mo

Na para bang antagal mo ng nakilala ito.

Tsaka yung mga platform na ganito

Naisip mo ba na magiging makata at pala-kwento?

Na mas madaldal ka pa dito kaysa sa mga kamag-anak mo?

Na mas open ka pa magkwento dito kaysa sa bahay nyo?

At natututo tayo mag-trade, magsulat at maging produktibo.

Kaya grabe si Lord ano

Akalain mo sa laki ng mundo

Na kahit saang panig ka ng Pinas at ibang bansa

May mga tao syang binigyan ng galing at talento

Para sa isang click lang eh konektado n tayo

Na pag may di ka maintindihan sa lesson mo

Di na kailangan tumagal sa library at manghiram ng madaming libro

Para sa mga research at lesson na sa iyo ay magulo

Di na din kailangan mag-antay ng matagal para makita mga mahal mo

At di na lang limited ang mga kaibigan mo.

Kaya kaibigan

Enjoy mo lang ang iyong pupuntahan

Wag ka kakabahan

Dahil si Lord ay di ka papabayaan

Lagi Siyang nandyan, kasama mo kahit saan.

O sya hanggang dito na lang

At ang mata ko ay pabagsak na ng tulyan.

Hanggang sa muli at magandang gabi!

...^•°...

Lead image is mine.
#riginalcontent

5
$ 1.43
$ 1.21 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @carisdaneym2
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

gusto ko to.. super like po

$ 0.00
3 years ago

Aw, salamat!

$ 0.00
3 years ago

wala akong ibang masabi kundi isa kang henyo na aking iniidolo...salamat sa pagpapaganda ng gabing ito naaliw at naliwanagan ang aking mundo.

$ 0.00
User's avatar eve
3 years ago

Ang galing talaga knowing na itong gabi mo lang ginawa yan. Bravo! 🤩 ang bongga ni tatay ang daming naging kurso.

$ 0.05
3 years ago

Heheh, salamat sis😁

$ 0.00
3 years ago

Ang cute ang kulit basahin

$ 0.00
3 years ago

Salamat💓💓💓

$ 0.00
3 years ago