Pasensya na

9 42
Avatar for bbghitte
3 years ago

Anak, pasensya na

Tao lang si Nanay

Napupuno sa kakulitan at kaingayan mo

Gusto nya lang din ikaw matuto

Sa kung ano yung ingay na nakakatuwa at nakakaistorbo

Dahil ayaw nya na ibang tao pa manita sa'yo

Baka kasi pag ganun ang nangyari

Ay mapaaway pa sya sa pagtatanggol sa'yo

Masakit kasi sa Nanay na pinapagalitan ng iba ang anak nila

Para bang sya ang napapagalitan ng bongga

Dahil para kay Nanay isa kang kayamanan, diamante kumbaga

Na di pwedeng alipustahin o saktan ng iba

Di baleng sya na ang masaktan

Wag lang ikaw na supling nito.

Anak, pasensya ka na

Napagsasabihan at napapagalitan ka ni Nanay

Gusto nya lang kasi habang bata ka pa

Matututo ka na sa mga simpleng bagay

Ayaw nyang lumaki kang suwail at pasaway

Ayaw ka din nyang nananakit ng kapwa

Ganun din ang manlamang ng ibang tao

Sana maintindihan mo na ito'y para sa iyo ding kinabukasan

Kung nasasaktan ka

O kaya akala mo galit si Nanay

Nagkakamali ka

Ayaw din nya sumigaw, magalit at magtampo

Kasi mas higit ang sakit at bigat sa kanyang damdamin at puso

Di nya lang maipakita pero sya ay sa dilim lumuluha

Ang puso nya'y nadudurog pag iyon ay kanyang ginagawa

Pakiramdam nya may nagawa syang di tama

Na baka nagkulang sya

O di naman kaya ay napapabayaan ka na nya.

Napapaisip sya bago matulog sa gabi

Mabuti ba kong ina?

Tapos hinahaplos ang buhok mo

Panay halik sa iyong noo

Nagsosorry ng paulit-ulit sa pagpapaiyak sa'yo

At sinasabing, anak I love you!

...^β€’Β°...

Uy kaibigan, salamat at ikaw ay napadaan

Sensya na di ito tungkol sa bitcoin, bch o anupaman

Gusto ko lang maihabagi ang damdamin naming mga nanay

Na aking natutunan nung ako'y naging isang din sa kanilang hanay

Na pati ang pagdamit at pagsuklay

Ay talaga palang nakakalimutan nang tunay

Pag si anak ay umiyak at nag-ingay.

Salamat ng madami at ingat palagi!

...^β€’Β°...

Lead image is mine.
#originalcontent #randomshot

8
$ 0.79
$ 0.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.03 from @Firenze
+ 2
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Parang naging mga makakata ang mga nagcomment matapos nilang mabasa ang iyong artikulo. 😎 can't relate kasi hindi pa ako nanay pero alam ko nga kung anong sakit ang nararamdaman ng isang ina kapag nakikita niyang nasasaktan ang kaniyang anak. Yung recent lang na nasaktan yun nanay ko nung post op check up ko. Yung tinatahi ulit ako pero hindi tumatalab yung anaesthesia na humihikbi na lang ako sa sakit. Aba ang nanay ko naririnig ko na nakikiiyak din. 😁 kase nga nakikita daw niya ako nasasaktan. πŸ’—πŸ’—

$ 0.00
3 years ago

Hahahah, nakakahawa ba...😁

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha. Siguro. Sabagay nung siya din in pain parang binibiyak din puso ko noon. Kaso kailang pa strong para hindi siya panghinaan loob

$ 0.00
3 years ago

Heartwarming πŸ’“πŸ’“ di pa ko makarelate msyado hihihihi pero ganun namn tlga ang ina, kahit na matanda na anak nila eh grabe pa din magprotect.. Ganyan si mama nung muntik na ko himatayin sa hospital. Laki kong to nagpapanic nanay ko

$ 0.00
3 years ago

Hahah, wala kasi resign-resign pag nanay sis.. 😁

$ 0.00
3 years ago

Tamang tama ate. Yung tumutugtug na music ko ngayon is yung Anak by Freddie Aguilar. Mas naramdaman ko bawat bitaw ng mga salita. Super heartwarming. 😚

$ 0.00
3 years ago

Salamat, send ko nga to sa email ng anak ko para mabasa nya paglaki nya..hehe

$ 0.00
3 years ago

Makata ka sis ha.. On point lahat ng sinabi mo. Tayong mga nanay na ang masaktan, laitin at maliitin, wag na wag lang mga anak natin...

Pachuchay hereπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Aw, kaya nga sis...salamat pachuchay☺️

$ 0.00
3 years ago