Sandali
Naputol sandali Ang aking pagmumuni-muni Di ko masabi Pakiramdam ko'y di mawari Bigla akong di mapakali Di alam kung tatayo ba ko o hindi Ihiga na lang at itulog hanggang matapos ang gabi Gusto kong di pansinin Pero tila ba sya isang daluyong na ayaw magpasintabi Parang ulan na bubuhos na nang pagkadami-dami O araw na ayaw magpaawat sa kainitan Bigla ko tuloy naalala Aking napanood kanina Yun bang kay Papa P na 'My Amanda' Hay grabe, ang gwapo talaga ni Papa P Bumalik tuloy ang aking paghanga sa kanya Naalala ko nung bago ako sa aking unang trabaho Sabado yun noon Biglang si Piolo ay may meet and greet sa Isetan Recto Sabi ko talaga sa boss ko half-day ako Pupuntahan ko kako si Piolo Natatawa sya akala nya ito'y biro Pero nung nakitang nyang nag-aayos na ko ng mga gamit ko Ayon, narealize nya ako ay seryoso At pinayagan din ako😊 Nagmadaling bumaba ng opisina Sa takot na wala na kong abutan pa Sumakay ako ng fx pa-Quiapo Sobrang excited ko Walang traffic sa araw na yun sakto Pagdating ko bg Quiapo Takbo talaga ako sa Isetan Akala ko nun maaga na ko sa ala-una Dahil ang palabas ay umpisa pa ng alas-kwatro Kaso pagdating ko dun dagsa na mga tao At ang malapit sa entablado ay ambilis napuno Sa height kong cute, alam ko mahihirapan na ko Kaya lakad-lakad muna ako Nag-abang ng tyempo Nung lumabas si Piolo Sigawan talaga mga tao Sa kagustuhan kong makita aking idolo Nagpabalik-balik sakay ako ng escalator Para lang masilayan ko si Piolo! Haha, yan ang aking kwento Di ko makakalimutan ito Dahil kay Piolo ko lang ginawa ito Wag nyo kong i-judge pakiusap ko Ang saya lang balikan mga kalokohang nagawa nung kabataan ko Pero bata pa naman ako sa edad kong ito Sabi ko nga sa anak ko Stop na ko mag-add mula nung tumuntong ako ng bente-uno Kaya pag may nagtanong sa edad ko, bente-uno ang sagot ko😁 Pero eto na nga mabalik tayo dun sa SANDALI Dahil di ko na din alam kung ano ang gagawin ko Gusto ko ng ipikit ang mata ko Magtutuos na lang kami bukas Kaso panay naman ang paramdam nito Animo may kulog na dumadagundong Kaya tatapusin ko na ito At ako na ay tatayo Dahil ramdam ko na talaga ang GUTOM KO! Hay, akala mo multo na ano? ...^•°... Salamat kaibigan at ikaw ay napadaan Sensya na sa aking nakayanan Gusto ko kasi magpaantok at ito ang aking napagdiskitahan. Lead image is mine. #originalcontent
5 comments
Ahaha gutom lang pala. Ikain na yan kasi :D
🤣🤣🤣 late ko nabasa..isu ikatawak lattan😁
Hahahaah. Akala ko naman naulan at may mga kulog 😅 naiimangine kita sa Isetan. Gusto ko din makita si Piolo at sumigaw ng "I love you, Piolooooooo". Hahaha
Hahaha, kaya nga sis! Naku, iba tlaga si Papa P!😁
Hahaha. Sinabi mo pa. Papa P is ❤