Muni-muni

8 33
Avatar for bbghitte
3 years ago

Ako ay naglakbay kanina bago magtanghalian

Sa hardin kasama ng aking anak na may kakulitan

Dala ang aking kamera para lang ready kung sakali

Inisa-isa kong ilipat ang ibang paso

Para maliwanag ang dadaanan ko

Ng biglang may dumaan

Isang magandang paru-paro na kulay brown

Ako'y napahinto, pati na din ang anak ko

Nagtaka at nagulat tuloy sya sa ginawa ko

Sabi ko tahimik muna sya at kuhaan ko ng litrato

Subalit nasagi ko ang pakpak kaya tuloy lumipad

Aming sinundan ng tingin

At ako ay napahiling

Na kahit isang saglit sya man ay tumigil

Pero di sya tumigil sa kakalipad na para bang may hinahabol na something

Nawalan ako ng pag-asa pero sa isip ko sabi ko, one shot lang please

Nagtingin-tingin muna ako sa iba

Akala ko ang anak ko ganun din

Yun pala di nya nilubayan ng tingin

At nakita nya tumigil sa tabi kong puno ng buko

Dahan-dahan akong pumwesto

Ingat na ingat ako para sa pangalawang pagkakataong ito

Tumingkayad ako dahil may kataasan sya napatigil

Humawak ako sa isang sanga para lang makuhaan ko ng maayos

Isa, dalawa, tatlong click na ko

Andun pa din sya at mahigpit ang kapit sa dahong tinigilan nya

Na kahit mahangin ay di sya natinag at lumipad pa

Kaya di ako huminto, sinet ko sa video

Una sa slo-mo, pero parang maxadong pixelated

Kaya pinalitan ko to time-lapse

Bigla lumabas si haring araw

At may isang langgam na kumagat sa aking paa

Pero di ko muna ininda

Dahil inuna ko si paru-parong maganda

Isang minuto din ang tinagal nya

Hay, ang saya-saya ko sobra

Pati ang anak ko ay excited na makita anong itsura

Eto sila!!!πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡

Ito na ang pinakamatagal na moment ko sa isang paru-paro

Di ko inakala na makukuhaan ko pa ito

Sadya nga namang may himala

Na pag humiling ka ng taimtim

Ibibigay sa'yo, siksik liglig umaapaw pa.

Di talaga natin kailangan ng karangyaan at anu pang yaman sa mundo

Ang mas kailangan natin ngayon lalo

Ay maging masaya, malusog at kapiling mga mahal nating totoo

Alam ni Lord ang nasa puso natin

Kaya ibigay natin sa Kanya

Ipaubaya natin, ipagdasal natin

Dahil pag nakita Niyang tayo ay deserving

Naku, wala pang isang oras o minuto

Darating na ang biyayang deserve mo at ako

Kaya ang dasal ko ngayong gabi

Sana ay ilayo tayo ni Lord sa takot, sakit at pighati

Bantayan at protektahan Niya sana tayo palagi

At tulungan tayong maging malapit sa Kanya

Dahil Sya lang ang ating kanlungan

Ang makakapagbigay satin ng tunay na pagmamahal

Na di kayang pantayan ninuman.

...^β€’Β°...

Salamat sa iyong pagdaan kaibigan. Sana ay iyong nagustuhan o napangiti man lamang.

All images are mine.
#originalcontent

4
$ 1.17
$ 0.85 from @TheRandomRewarder
$ 0.25 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Bloghound
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Mapapareply ata ako ng may parhyme. Hahaha. Pero pareho ba kayo ng butterfly ni Bev? Meron din kasi siya. Naaliw ako habang binabasa ko. Iniimagine ko bawat mga eksena. Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Siguro sis kasi pagkaganun lumilipat-lipat lang sa garden namin mga paru-paro😁

$ 0.00
3 years ago

Sana mas dumami pa mga butterfly. Bihira na butterfly dito sa QC.

$ 0.00
3 years ago

maganda ang pagkakagawa mo kaibigan

$ 0.02
User's avatar Amz
3 years ago

Salamat kaibigan

$ 0.00
3 years ago

Welcome kaibigan, slamat din at napansin mo ang simpling comments ko

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago

Nagpintas daytan nga kulibangbang :)

$ 0.00
3 years ago

Wen garud sis😊

$ 0.00
3 years ago