Di ko mapigilang lumuha
Ng magkwento ang aking unica hija
Sabi daw kasi ng tito nya
Ayain daw nila daddy nyang uminom pagdating mula Manila
Anong sagot mo, tanong ko sa kanya
'Di ako sumagot Mommy, sabi nya
Naiiyak na kasi ako kanina, pinigilan ko lang dagdag nya pa'
Bakit, tanong ko ulit
'Miss ko na kasi si Daddy sobra'.
Aw ang sakit mga besh
Durog to the max na naman ang puso ko
Di ko napigilang tumulo luha ko
Sabi ko na lang, tara drawing tayo.
Grabe, habang tumatagal hirap na din ako
Kailangan ko na talagang mapauwi si mahal ko
Di lang para sakin pero kay Yuri lalo
Ayoko na sa edad nyang ito ay makaramdam sya ng sobrang pangungulila
Baka darating ang araw magdamdam sya
Na ang video call ay di na sapat para sa kanya
Dahil nakikita nya pinsan nya kasama ang mama at papa
Tapos sya kasama daddy nya pero sa cellphone pa
Hay covid, bat ba kasi ayaw mo pang mawala
Hirap na hirap na kami sa iyong abala
Sinasaktan mo lalo mga bata
Pano ka ba talaga masusugpo ha?
Pero mananalig ako at patuloy na magdadasal
Dahil si Lord ay di tayo papabayaan
Pasasaan ba at bigla na lang itong mawawala
Gaya ng pagpapagaling nya sa mga taong buong-buo sa Kanya nagtitiwala
Si covid ay tuluyan na ding mapupuksa
At isa na lang syang kwento sa mga bata.
Kaya Yuri baby
Wag ka na umiyak ha
Si Daddy ay ating pauuwiin na wag ka mag-alala
Ayusin nya lang mga kailanganin nga
Para makauwi ng matiwasay at walang sakit na dala
Para kayo ay makapaglaro na
At makagawa ng ginger bread house na pangarap nya
At di na kayo maghuhulaan ng pagkain sa umaga
Dahil magkakasabay na ulit tayo kumain mula umaga
Hanggang sa gabi, tayo ang magkakatabi
Dahil ganun ka namin kamahal baby.
...^•°...
Salamat kaibigan at ikaw ay napadaan. Sana ay di kayo magsasawa na aking mga post ay babalik-balikan.
Hanggang sa muli!
Lead image is mine.
#originalcontent
Ouuuuch. Huhuhu. Konting tiis na lang Yuri. Sana talaga mawala na si COVID. Grabe na talaga ang naidudulot nito hindi lang sa mga matatanda at pati na rin sa mga bata. 😢