Kumusta nga ba ang araw mo kaibigan?
Ikaw ba ay natakot, napagod o masaya naman?
Andami kasing balita na nakakatakot
Gaya kahapon, anlakas nung kidlat
At sa lakas nya may dalawa palang batang tinamaan at isa dun ay namatay
Tapos ang Covid na di na matapos-tapos
Samahan pa ng mga namatay sa Air Force
At ang pinaka-nakakatakot eh si Tatay Digong mukhang tatakbo pa ulit sa eleksyon!
Sensya na sa mga DDS dito, di lang ako sang-ayon talaga
Sana ibigay naman sa iba
Baka sakali may pag-asa pa ang Pinas na ating bansa
Pero natakot nga ba ako sa araw na ito?
Hmmnn, wait isipin ko🤔🤔🤔
Medyo lang, kinabahan ako kasi baka di maubos paninda ko
Ayon, awa ng Diyos
Sold out naman ang unang araw ni Banana Balls😊
O napagod ka ngayong araw
Sa dami ng gawain sa opisina at sa bahay
Sinabayan pa ng ulan
Naku po, antok naman ang kalaban natin dyan!
Ako napagod din naman ngayong araw
Umaga pa lang kasi nag-umpisa na ko mag-experiment nung bagong recipe
Kasi mukhang nagsawa na mga kapitbahay namin sa banana cue, turon at tusok-tusok
Kaya nag-isip ako ng kakaibang merienda na masarap na mura pa
Buti may nakita ako kagabi sa youtube
Ayun, iniba ko lang ng bahagya ang recipe
Una kong pinatikim sa nanay ko
Kasi maarte ang panlasa nito at mapili sa pagkain ito
Ayun nakapasa naman
Kaya gumawa agad ako ng 2nd batch
Dinamihan ko na para pambenta talaga
Ang hirap kaya mag-mash ng saging na saba
Nakakangalay din sa braso ha
Sabay lambing pa ng anak ko
Maglaro daw kami kahit saglit lang
Syempre pinagbigyan ko baka kasi magtampo
Yun na din pinakapahinga ko
Bago kami magsiesta nung tanghali
Dinala ko na sa tindahan ng kapatid ko ang paninda ko
Baka may bumili agad ng madami.
Masaya naman ang araw na ito
Pagod pero busog ang puso ko
Napicturan ko pa ang ganda ng paglubog ng araw
Lalo pa may mahigpit na yakap at I love you
Mula sa nag-iisang prinsesa ng buhay ko
Tanggal lahat ang pagod ko😊
At syempre may isa pang bagay na nagpasaya sa araw ko na ito
Ang mga WORRY WORM mula kay Ate @Judith1969 ay dumating na
At di lang un, may dagdag pang bag para sa aking prinsesa
Aliw na aliw kami sa ka-cutan ng mga worry worms
Talaga namang mapapa-smile ka at kung sinuman ang makakakita
Ang ganda lang ng advocacy ni Ate
Kung siguro bawat isa sa mundo ay makakatanggap nito
Ang ganda-ganda siguro ano?
...^•°...
Hanggang dito na lang kaibigan
At kahit gusto ko pang habaan ang kwento ko
Eh di naman na pala kaya ng battery ng phone ko
Salamat sa iyong pagdaan
At wag kalimutang magpasalamat sa Dakilang Lumikha.
Gandang gabi!
All images are mine.
#originalcontent
Napangiti ako sa Worry Worm. Hehe. Una napaisip ako ano kaya yun at nakatag pa si Ate Judith? Pero feeling ko naman hindi tatakbo si Tatay Digong for VP. Parang hindi ko siya nakikitaan na ganung klaseng tao na president tapos bababa sa VP. Nakakatakot yung kidlat. So pwede pala talagang tamaan ng kidlat? Paano yun nasa labas mga bata? Scary. Eh noon pumapasok ako deadma lang ako sa kidlat basta ako lakad lang kasi kailangang pumasok or excited umuwi.