Kawawa naman si Maria
Isang araw pagkalibing ng kanyang ina
Sinundo na agad sya
Nakiusap na antayin mag-siyam muna
Pero sabi ng amo nya matagal na yun sobra
Dahil iquarantine pa daw sya
Pitong araw pa, sabi ni amo nya
Miyerkules ang araw ng libing
Huwebes sinundo na agad
Buti nga hapon sila nagpunta
Dahil umaga ng Huwebes
Si Maria dumalaw sa libingan at nagpaalam sa kanyang mama.
Pinatira sya aa bakanteng bahay ng lola ni amo
Pero pagbaba ng sasakyan
Di man lang sya tinulungan
Lahat ng gamit at pabiling suka
Si Maria pa talaga ang nagdiskarga
Gabi, pumunta ng tindahan si Maria
Bumili ng tissue at kape nya
Wala palang stocks na hinanda sa kanya
Kaya maya't maya lumalabas din sya at bumibili ng kailangan nya
Biyernes ng umaga
Narinig ko tinatawag si Maria
Pasigaw nga, akala mo may ginawang masama
Yun pala pinapapunta sya sa palayan
Kailangan nya daw bantayan
Dahil itong mga amo nya ay talaga naman
Kung makaduda akala mo ninanakawan sila
Kaya kahit puyat at matamlay pa
Si kawawang Maria ay nagpunta kahit napipilitan
Doon sa bukid, nakausap sya ng isa kong tita
Di napigilan ni Mariang ibuhos ang damdamin nya
Iyak daw talaga sya ng sobra
Sabi nya ilang araw lang naman ang hinihingi nya
Para lang sana makapagluksa
Pero eto naka-quarantine daw pero sa bukid pinapunta sya
Nakakahabag ang buhay ni Maria
Dahil no read no write sya
Inaabuso sya sobra
Gusto man naming makialam pero sabi nya wag na
Iniisip nya daw kasi ang aming lolang matanda na
Na sya ding binabantayan nya
Buong akala namin sa pag-alis nya ng ilang araw
Marealize ng mga amo nya ang worth nya
Pero mukhang iba ang nangyari
Parang ang labas sa arte ng mga amo nya eh sobrang hirap na hirap sila.
Hay, dasal ko ay sana magkaroon na mg lakas si Maria na lumaban
At makalaya na ng tuluyan
Dahil kahit pinsan ko mga amo nya
Maling-mali ang ginagawa nila
Abuso silang masyado at di na tao kung si Maria ay itrato.
...^•°...
Hanggang dito na lang, dahil sobrang nalulungkot na ko
Salamat sa pagdalaw aking kaibigan
Hanggang sa muli!
Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
Alam ko sinabi mo pinsan mo mga amo ni Maria pero grabe naman talaga. Feeling ko kaya hindi siya tinulungan magbuhat ay baka nga dahil may boundaries between kasambahay at amo or ayaw hawakan mga gamit ni Maria dahil nga baka mamaya COVID. Kung may pambayad lang ako ng pang kasambahay, kukunin ko na lang si Maria.