Excited si mahal ko

11 45
Avatar for bbghitte
3 years ago

Mahal ko

Bukas na natin icelebrate ang birthday mo

Mag-6 ka na, ang bilis ng panahon ano

At dahil halos 1 week lang naman pagitan nyo

Ni Jac na pinsan mo, sabay nalang para tipid tayo.

Excited ka masyado

Ramdam na ramdam naming lahat dito

Bumili si tita mo mga pang-giveaways nyo

Di mo na naantay na matapos ako sa ginagawa ko

Inumpisahan mo na agad-agad paglalagay ng laman nito

At talagang ikaw ay lang may panggulat

May inabot kang tuping papel

Yuri's surprise

At ng buksan ko

Aba, listahan pala ito ng mga handang gusto mo!

May cake, spaghetti, macaroni, fruit salad, pansit at may pang-giveaways pa

Yuri's surprise list!

Aba anak, daig mo pa ang nanay mo sa galing mong magplano

Di ko nga naisip ito dahil ang punong abala ay si tita mo

Nag-abot lang ako ng kaunting budget at sya na bahala dito😁.

Sensya na pala sa spelling, 6 pa lang kasi si baby ko

Pero mabalik tayo

Masaya na malungkot ako kasi 1st birthday mo na di natin kasama si daddy mo

Pahirap kasi tong si covid

Gustuhin nya man makauwi, kaso di pwede

Sakitin si lolo at lagi gusto mapuntahan ni daddy lalo pag may kailangan ipabili

Sulitin na lang sa video call muna 😁

Anyways, tama na ang drama

At ang importante masigla at malusog ka

Na kahit makulit ka at napapagalitan kita

Eh love na love kita

At pipilitin namin ni daddy na mabigyan ka ng magandang bukas

Na kahit anong gusto mo paglaki mo

Eh susuportahan ka namin ng todo

Tsaka yung mga bilin ko sana dala-dala mo hanggang sa paglaki mo

Na di mo kailangan maging sobrang matalino

Mas gusto ko na maging mabait ka, madiskarte at mabuting tao

Kasi kahit anong talino at galing mo kung di ka naman mabait sa kapwa mo

Wala din silbi ito

Walang kaibigang gugustuhin kang makasundo.

At ang ultimate wish ko ay gabayan ka lagi ni Lord

Protektahan, alalayan at bigyan ka pa ng madaming birthdays na ating pagsasaluhan

Na kung anuman ang iyong pangarap sa buhay ay iyong makamtan

Na anuman ang balakid na darating ay iyong mapagtatagumpayan.

Mahal na mahal kita anak ko at maligayang kaarawan sayo🎂♥️.

...^•°...

Salamat sa iyong pagbisita aking kaibigan

Sana ay iyong nagustuhan

Aking tulang kwento ngayong Biyernes ng gabi.

Hanggang sa muli!

...^•°...

All images are captured by me.
#originalcontenr

9
$ 4.43
$ 3.28 from @TheRandomRewarder
$ 1.00 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Judith1969
+ 2
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

happy birthday po and God bless you and your baby more po..

$ 0.00
3 years ago

Thanks☺️

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng tulang ito. Heartwarming. 🧡

Happy birthday Yuri... kunting tip dito for Yuri's bday, sensya na, walang laman ang wallet dito... dagdagan ko na lang sa noise pag may binigay na din na FT. 😘

$ 0.00
3 years ago

Happy birthday yuri .. enjoy your day

$ 0.00
3 years ago

Thanks po!!!💓💓💓

$ 0.00
3 years ago

Advance happy birthday bebe Yuri. Stay pretty and mabait to your momshie and dodshie. (ano daw?) hahaha. Goodluck bukas sis. Wait ko na lang ang masasayang pictures bukas. Pafood panda naman sis hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahah sige sis, samahan ko ba ng lobo?☺️

$ 0.00
3 years ago

Happy bday po sakaniya ❣️

$ 0.00
3 years ago

Salamat♥️♥️♥️

$ 0.00
3 years ago

Advance happy birthday Yuri. 🥳🤗 ikain niyo na lang ako ng masasarap na handa ninyo. Ihigop niyo din ako ng malamig na milk tea at sa huli ay isang hiwa ng cake at mangkok ng ice cream. At bakit para yatang nakikimakata ako? 😅 enjoy your birthday baby girl. And also advance happy birthday to Jac. 🥳🤗

$ 0.00
3 years ago

Salamat po tita at sa pa-ayuda♥️♥️♥️

$ 0.00
3 years ago