Ang isip ko ay gusto ngg magpahinga
Matulog ng maaga
Pero ang diwa ko sadyang ayaw pa magpahinga
Lumilipad kung saan-saan
Di naman alam saan papunta
Kung dadapo pa sa kapitbahay at makibalita
Speaking of,
Kanina sa Kusina bandang lunch
May ganap na shocking talaga
Yung anak ng may-ari ng lupa
Na sya ring head na sa Kusina
Nagpatawag ng meeting
Di na sya makapagpigil
Galit na galit
Pinagsasabon kasama banlaw
Yung isang may-ari ng stall
Pano ba naman kasi, usapan magsasara nung March 31
Kailangan kasi mag-disinfect para iwas covid
Eh ang mga tiga-RHU nagrandom check
Nakita si Kusina bukas besh!
Nireport sa provincial office
Eh si madam pala ang tiga-check
Ayun, nahuli!
Nahuli na, nagdeny pa
Ang masaklap, si kapatid ko napagbintangan pa
Sya daw nagsumbong at naninira sa kanila
At di lang yun!
Sabi pa ayaw daw kasi nila na masayang lakad ng mga customer na dayo at sindya pa
Tsaka yung anak ng kasamahan namin nadisgrasya ipantutulong sana
Hala! Eh di si madam lalong nagpuyos sa galit
Dahil nagpapalusot pa!
Buti sana kung totoo at katanggap-tanggap rason nila
Ang masakit kahapon maghapon si madam sa Kusina
Di man lang nila pinapansin at dinaan-daanan lang nila
Na ang dating eh nagmamalaki pa sila
Eh palaban si madam, ayaw ng ganun
Dahil kung tutuusin any moment kayang-kaya nilang sila ay palayasin
Dahil lupa nila yun at walang kontrata sa pagpayag nila na idevelop si Kusina
Tsaka nabasa na din kasi nya mga ugali nila
Na pati mga tao nila ay kanilang kinakawawa
Pumapasok halos dose oras kada araw
Tapos 150 lang ang sahod
Kulang na nga sa sahod, gutom pa inaabot
Kaya sabi ni madam
Sana ang sahod ay pantay-pantay
Sa lahat ng tindahan
Para iwas inggitin at lipatan
Tsaka sana walang kanya-kanya
Dahil lahat sila ay partner sa kusina
Pero sumagot-sagot pa si mister at misis
May right daw sila
Eh di lalong nagpanting ang tenga
Sabi nya pwedeng-pwede ko kayong palayasin
Dahil si Papa ayaw nya sana na ipagalaw ang lupa
Pero dahil sakin at nakita ko ang dulot nyang maganda
Nakakapagbigay ng trabaho at napapanatili ang kalinisan ng lugar
Pinaglaban ko kayo, tapos ito ang igaganti nyo?
Wala na ngang upa nagmamalaki pa kayo?
Nasa kalagitnaan ng sermon si madam ng biglang kablaaaammmm!
Ayun, yung isang atv bumaligtad
Tumbling tatlong mga bagets na kababaihan
Pero wag kayong mag-alala okay lang sila
After ayusin eh andar at takbo na ulit sila.
Pero galit ni madam di nabawasan
Ilang araw din kasi syang nagtimpi
At tagal na nyang nagbibilang
Sabi pa nya wag syang subukan
Eh ang tatapang, sinagad ang galit
Buti na lang nagsabi si ate
'sana maayos, ayusin natin ito dahil sayang naman ang ating proyekto'
Kaya si madam medyo nahimasmasan
At ang sabi na lang,
'Kung mag-sorry kayo baka magbago pa isip ko'
Eh si misis lumapit sa tabi, sabay bulong ng sorry
At si mister ayon nag-sorry din
Tinanggap ni madam kahit ramdam nyang di naman sincere
Pero sabi nya, last chance na nila
Isang-isa na lang, sila na ay mag-alsa balutan.
...^•°...
Sadya ngang pambihira ang nangyari kanina
Yung iba maiintindihan ang side ni madam
Pero ang kalaban iisipin nila pinagkakaisahan pa din sila
At ijajustify mga actions nila
Sana lang maging maayos ang lahat
Pinagdadasal ko na mabalik ang dating samahan
Yung walang inggit, walang negative
Lahat nakangiti, lahat may ngiti sa labi.
...^•°...
Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
… 'Di makatulog sa gabi sa kaiisip Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko Sa bawat sandali ay nais kang makita… Hahah! Just singing my heart out.. Iba rin ung rason mo, sana okay na ang lahat kaymadam