Antok na

4 23
Avatar for bbghitte
3 years ago

Ang diwa ko ay gusto ng matulog

Di naman dahil sa pagod

Kundi talaga namang gabi na kasi

Kanina pa nga naghihilik aking nga katabi.

Ako ay na-excite

Bukas sana ako ay sa Manila na paluwas

Si loves ay excited na ngang ako ay makita

Biruin mo ba naman

Isang taon na kaming di nagkikita

At ang anak ko lagi na nyang sinasabi, 'Mommy, uwi Daddy!'

Aw ang puso ko ay nadudurog sobra

Nung nakaraan pa nga sabi nya

Daddy, i-box mo sarili mo at sa Partas ipadala

Sabihin mo sa konduktor, pakibaba sa bahay ni Yuri

Doble durog!!!

Maluha-luha kami ng asawa ko

Hay, kung sana ganun lang kabilis

Pero onting tiis pa anak ko

Soon, magkakasama din tayo.

So ayon na nga

Napostpone ang luwas ko

Imbes na bukas

Pagkatapos na lang ng Mahal na Araw

Dahil si Nanay ko ay nakiusap

At kinakabahan daw sa dami na naman ng kaso

Ganun din si ate ko, kung pwede daw wag muna

Dahil masunurin ako

At ayoko din isugal ang buhay ko

Mahirap na baka sa tagal ng pag-iingat ko

Eh masaktuhan pa ko

Baby ang anak ko

Tsaka kung anuman ang sadya ko

Makakapag-antay pa naman ito.

Bakit nga ba antok ang aking topiko

Malamang ang makakakita nito maghihikab pag nabasa ito

Eh antok na ko talaga kanina pa

Kaso itong pamangkin ko

Ayaw pakawalan kamay ko

Gusto hawak-hawak habang sya ay nagpapa-antok

Eh antagal bago nakatulog

Nung okay na tsaka pa lang ako kumain

Akala ko pwede na ko diretso tulog pagkatapos

Kaso paglabas ko ng banyo

Nakahanda na ang krayola at papel

Drawing time pa nga pala namin ng aking tsikiting

At ayaw ng isang pahina lang

Kailangan dalawa pa kasama ang background

Dahil ayoko naman magtampo at magselos

Pinagbigyan ko

Tsaka ko sya binuhat at hinele para matulog

Medyo may kabigatan na ito

Kaso tiis-tiis dahil baka bukas isang araw

Ayaw na nya sakin magpabuhat.

Babagsak na mata ko

Kaso kahapon wala na naman ako artikulo

Baka pati si bot ay makalimutan na ako

Onting biyaya ay di na sakin ay dumapo

Kaya kahit babagsak na mata ko

Kailangan ko tapusin ang tulang kwentong ito

Di ko alam kung kapupulutan ng aral

Pero sana naman kahit papano.

Di lang pala mata ko ang pabagsak na

Kundi pati battery ng phone ko

10% na lang ito

Kaya hanggang dito na lang muna tayo

Bukas na lang uli mga kaibigan ko.

Lead image is mine.
#originalcontent

4
$ 0.89
$ 0.72 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
$ 0.02 from @LykeLyca
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Awww. Nakakadurog nga naman yun. Pero tiis-tiis muna Yuri. Magkakasama din kayong tatlo.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis, tiis pa more

$ 0.00
3 years ago

It's gonna be your big day, just stay safe since pAndemic is still on, be happy, hope your son met your husband soon.

$ 0.00
3 years ago

Thanks!

$ 0.00
3 years ago