Ako ang Kailangan, Iba ang Mahal (BCH version)

16 31
Avatar for bbghitte
3 years ago

Familiar ka siguro sa lyrics na yan ano

Isa ka din ba sa di maka-move on sa music video

Na hanggang ngayon paulit-ulit na tumutugtog sa isip mo

Na minsan nakakahugot ka pa dito

Na baka nga naiyak ka pa ano

Ginalingan naman kasi ng Joshlia masyado!

Naalala ko tuloy ang pelikula nila Claudine at Piolo

'Mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko?'

Yan ang salitang binitawan ni idolo

Sobrang sakit sa puso

Kahit di mo naranasan parang tumagos kahit papano ano?

Parang si BCH, san mo kaya sya ilulugar sa kantang ito?

Sya ba yung kailangan o mahal mo?

O baka nadadala lang tayo dahil ito ang uso

At halos lahat ng nababasa mo ay patungkol dito

Na minsan utak mo na ay litong-lito

Na sa information overload eh napapaisip ka na

Ito ba talaga ang gusto?

May future ba ako dito?

Sya ba ang sagot sa pangangailangan ko at ng pamilya ko?

Masaya ba ako dito?

O bibitaw na at ipapaubaya mo na lang sa iba na pursigido?

Pero sumagot ang utak ko

Hoy, maglista ka na nga ng laman ng wallet mo

Update mo na baka tumaas na laman nito

At yun nga ang ginawa ko

Pagkakita ko, uy may $200 (BCH) na din pala ako

Akalain mo nga naman ano

Di ka pa nyan masyado seryoso

Pano na lang pag tinutukan mo pa ito

Sa ngayon kailangan ko pa lang si BCH

Dahil sya sagot sa aking mga kautangan

Sa onting kakikayan at panlibre minsan

Napapasaya din nya ako lalo pag nananalo ang mga bets ko

Madalas nga mas inuuna ko pa icheck laman ng wallet ko bago ang good morning sa mahal ko

Nagkakatighiyawat sa pisngi at napupuyat ako

Onti na lang mapapanaginipan ko na din yata ito

Hala, pag-ibig na din yata ito!

...^•°...

Hinapit ko sumulat ng tula

Habang mainit-init pa ang Joshlia😁

Salamat ulit sa pagbabasa

Bukas ulit at gabi na

Antok na din ang inyong lola♥️

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent

7
$ 2.49
$ 2.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Firenze
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

bch is life na po ngayon..🥰😅

$ 0.00
3 years ago

Tama!

$ 0.00
3 years ago

And cute ng sinulat mo parang tuloy mapapa emote ako.heheh

$ 0.00
3 years ago

Hehehe, may kasamang emote din nung ginawa ko to sis..hehe

$ 0.00
3 years ago

Yung kay Piolo napanood ko yun. Hahaha. Hanggang ngayon hindi pa rin ang trending video. Cheers for $200!! 🤩😊🥳😍🥰

$ 0.00
3 years ago

Panoorin mo na now sis, may bago na ulit single si Moira..hahaha

$ 0.00
3 years ago

ang aking puso ay lubos na natutuwa sapagkat dito'y nakahanap ng isang mahusay na makata :))

nice content po ate! hanggang dito nakaabot pa din yung sakit na dinulot ni Moira at ng Joshlia hahahaahaa

$ 0.05
3 years ago

Aw, salamat naman at nagustuhan mo ang aking tula Tumatalon ang puso ko sa tuwa☺️

$ 0.00
3 years ago

nakarelate ako kase naiyak din ako sa trending video nila sakit sa puso pero ang galing mong bawiin ang sakit na pinalitan mo ng nakakatuwang katanungan pero makatotohanan...

$ 0.05
User's avatar eve
3 years ago

Heheh.. oo nga hirap magmove-on, salamat☺️

$ 0.00
3 years ago

Kapapanaginip ko Lang Kay bch kanina 😂

$ 0.05
User's avatar Yen
3 years ago

Hahaha, mahal mo na nga sis!

$ 0.00
3 years ago

Sa totoo Lang lagi ko talaga syang napanaginipan haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ayos yan sis, inaattract mo ba☺️

$ 0.00
3 years ago

Grabe nakangiti lang ako at natawa ng bongga dito literal.

"Oh kailangan mo ko, kaya mahal mo ko?" Ahhahahahahah. Omaygad, i love you Piooolloooo 😹😹

Relate much sis, mas nauuna ko pa icheck detoken kesa mag goodmorning kay jowa🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️ At humalagpak ako ng tawa sa kautangan #relatemuch

Sa dami ng pinaubaya ko sa mundo, hindi ko na idadagdag ang BCH dito 💚

$ 0.05
3 years ago

Hahahahah, oo nga di na kasama si BCH dun...salamat sis! ☺️☺️☺️

$ 0.00
3 years ago