"Magpapanggap ka na si Franco."
"Ano!?" Sabay naming bulyaw ni Marco sa mukha ng prinsipal. 'Ni hindi man lang natinag ang seryosong tingin nito sa amin.
"Seryoso ka talaga sa sinasabi mo? Bakit niya naman kailangang gawin ang bagay na 'yun?" Ang sabi ko. Tama na ang kalokohan sa buhay ko, hindi pa ba sapat na wala kaming alam sa kalagayan ni Franco at kailangan pa nilang gumawa ng palabas sa harap ng mga tao. Hindi pa ba sapat na nangpapanggap ako. Pati ba si Marco kailangan nilang idamay. Mahalaga lang sa kanila ay 'yung kapakanan nila, kaya pati kaligayahan ng iba ipinangsasangkalan nila. Tumayo ako at nag-akmang hilain ang kamay ni Marco.
"No one is leaving." Nawala sa kontrol ko ang aking katawan at kahit gusto ko pang magpumiglas ay wala akong nagawa, may kung ano na p'wersahang nagpaupo sa akin. "No one is leaving, hangga't hindi ninyo naiintindihan ang sitwasyong kinahaharap natin." Kumumpas ito sa hangin nang bumukas ang bibig ko para sumabat. "Patapusin niyo muna ako." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango ni Marco.
"Ease up on her." Hinawakan ni Marco ang braso ko at bumalik sa akin ang kilos ko at nagawa ko na muling ibukas ang bibig. "Makikinig kami, 'di ba Ya-Celestine?" Ngumiti ako rito matapos ay pinaling ko ang tingin pabalik sa prinsipal.
"Just...just, give the right justification for this."
"You know you cannot use that name in this school." Walang pumansin sa komento niya at nagpatuloy ito. "Alam niyo naman sigurong gawa ito ng mga rebelde. It would cause panic if everyone would find out na nawawala ang mga pinuno, lalo na ang iyong ama, Celestine. Intindihin niyo namang kalagayan ng buong bansa ang inaalala namin dito. And, Marco pretending to be your brother would be a very good help. It would allow us to make some time for preparation to find the rebels. At isa pa, iyon lang ang tanging paraan para mapagtakpan ang biglaang pagiging malapit ninyong dalawa sa isa't isa."
"It was not my fault," sarkastiko kong sabi habang pinagmamasdan ang mga palad ko. "Papayag ako sa lahat ng gusto mo but answer one of my question first."
"Deal."
"You know something about what is happening to me, tell me now. And I know na hindi mo ipinaalam sa konseho ang tungkol dito."
"Well..." pagsisimula niya, nahihirapang ituloy ang sasabihin. "Your mom would be coming this night, I'll tell you then. Mas maganda ng sa kaniya magmula ang lahat."
"My mom?" Hindi na ako nagtatakang alam ng ina ko ang tungol dito. Sa tagal nang pag-uusisa ko sa katotohanan lalo lang ako lumalayo at ang mga taong malalapit pa sa akin ang may alam. Hindi ko na alam kung magagawa ko pang magtiwala sa susunod.
"Yes, she's worried about you Celestine." Umangat ang mga mata ko sa mukha ng prinsipal at marahan akong umiling.
"No, she is not, kung nag-aalala s'ya sa'kin. She would not have cut me off for two weeks."
There must be a ton good reason.
Tumingin ako kay Marco, "Fuck right."
"Andito na sila," singit ni Anna na pumasok sa opisina na walang kakatok-katok.
"Buti naman, papasukin mo sila."
Anim na lalaki ang pumasok sa loob ng opisina. "Who are they?" Tanong ni Marco na nakapako ang tingin sa mga ito. "Bakit sila andito?"
"Highly trained shifters, ang mga taong-putik," mahina kong sambit. "Madalas silang ginagamit kapag may gustong pagtakpan ang gobyerno. Lalo na pagmay nawawalang tao." Matalim akong tumingin sa prinsipal. "You are telling us the truth, right? Nawawala lang ang daddy ko at si Franco, 'di ba?"
"Ginagawa namin ang lahat para hanapin sila." Nanginginig ang mga tingin ng prinsipal, halatang may hindi ito sinasabi. Ayaw ko na umasa sa wala, siguro maganda na maaga pa lang ay inihahanda ko na ang sarili sa mga posibleng mangyari.
"So...magpapanggap sila na ako? Ang mga guardians ni Marco at ang ate ko?"
"Yes."
Sabay kaming napalingon ni Marco sa anim na lalaking tahimik na nakatayo sa likuran namin. Ang mga pigura nila, unti-unting nahulmang parang putik sa mga taong gagayahin. Walang kang makikitang bahid nang pagkakaiba mula ginagaya nila, halatang nasanay sila nang mabuti.
Kumurap ako, isang ala-ala ang pumasok sa isip ko. Si mang Jener, katulad nila siya. Kinuha siya ng pamilya ko dahil sa kakayahan niya, dahil sa kailangang laging may nagbabantay sa akin at dapat magtago. Halos buong buhay ko kadikit ko ito, halos buong buhay ko rin, akong naging isang hangin.
Umiling ako, marahang inaalis ang mga ala-ala nang nakaraan. "Can we go now?"
Tumango naman ang prinsipal. Lumabas kami at nagtungo sa aming klase.
"Princess, ako na ang bibili ng pagkain mo mamaya,katulad pa rin ba nang dati?" Sabi ng gumagaya kay Arjo.
Bumaling ako dito bago pumasok sa loob ng classroom, "Don't you dare, you are not them, kahit ano pa ang gawin ninyo, so don't act infront of us. Just don't. At ikaw 'wag kang bubuntot sa'min." Tumuro ako sa pekeng Marco. Iniwan ko ang apat na guardians na nakabukas ang mga bibig.
"Teka!" Habol sa akin ni Marco. "Pagpasensyahan ninyo na." Narinig ko pang dagdag nito. "Ce-Yanna, come on, it's not that bad." Nagkibit balikat ako at umupo.
"Hey, Yanna!"
"O, Sam. Kamusta?" Nagpeke ako ng ngiti rito. Pilit kong kinakalma ang sarili.
"Ayos lang, ikaw? Kamusta ka, para kang namumutla."
"Ako? Ayos lang rin, normal naman 'yun sa mga bampira 'di ba?"
"Tama!" Tumawa ito at inayos ang salaming suot.
Mapapsa'kin ka rin.
"Ha? May sinabi ka ba?" Gulat kong tanong dahil sa narinig.
"Alin, ang tama?"
"Hindi, maliban do'n?"
Umiling lang ito sa akin, "Talagang ayos ka lang?" Tumango ako at pinagsa-walang bahala ang boses na narinig. Pangalawang beses na iyon. Sino kaya siya.
"May problema ba, Yan?" Umiling ako kay Marco at pinaling ang tiningin sa gurong nasa harapan, sa pekeng Miss Hanni.
"Class, tell me something about the rebels, the rogue class. Bakit hindi sila tanggap sa ating lipunan..." Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ng aming pekeng guro hanggang sa hindi ko na lang namalayang natapos na lamang ito.
"Nagugutom ka ba? Hindi ka kumain kanina," tanong ni Marco, ang mga kamay niya nakahawak sa balikat ko.
"Ayos lang ako, seryoso, Marco." Kinuha ko ang mga kamay niya at marahang pinisil. "Fine, I'm not okay with anything that is happening to me right now. Heck, I dunno if I'll be fine pero soon...soon I will be. Hindi naman ako p'wedeng maging ganito na lang habang buhay, 'di ba? Lahat naman ng bagay natatapos." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Don't worry too much, pumapangit ka." Tumakbo ako at inunahan ko ito sa paglabas. Hinabol naman niya ako at nang mahuli ay binuhat ako nito nang patalikod.
"Pangit pala, a!" Iniharap niya ako sa kanya, "Alam mo naman 'di ba na gagawin ko ang lahat para sa iyo? Maging masaya ka lang." Umapaw palabas dito ang kagustuhang protektahan ako.
Tumango ako sa kaniya, tinapik ang ilong nito, "Alam ko. Nararamdaman ko."
"Hey, you two, get a room," singit nang pamilyar na boses.
"Hi, Di, sabay ka na sa'min?"
"Hindi mo 'ata kasama sina Maureen?" Nag-iba ang timpla ng mukha nito, "I'm just joking, don't be so serious about it."
"Ayos lang ba s'ya, she's acting weird," mahinang bulong ni Dianna kay Marco.
"Naririnig ko kayo," sabi ko naman na tumalikod sa direksyon nila. "Everything about the three of us are weird. So, masanay na kayo." Tumingin ako sa direksyon na pupuntahan namin. "I hate horticulture, ano ba'ng maitutulong nang pagkakaroon ko nang kaalaman sa mga halaman?"
"Madami, like--"
"Says the witch, who uses it for potions? Malamang sa'yo maraming naitutulong iyon. Hay."
"Um, ano nga ba? Hindi ko rin alam kung bakit tayo may horticulture," saad ni Marco.
"See! I told you!" Masaya kaming naglakad papunta sa classroom naming mukhang hardin, sa susunod naming klase. Panandalian akong nakalimot sa kaguluhan ng paligid.
Umph.
Napatigil ako. "So, pati ikaw rin Dianna? Nabilog ka na rin ng babaeng 'to!?" Tumuro ang hintuturo sa akin ni Maureen.
"Don't make a seen, Maureen. Its my life, my decision."
"Hali na nga kayo," sabi ko sabay hila sa mga kasama ko.
"Teka at aba, bastos ka kinakausap pa kita! Huwag mo akong tinatalikuran!" Hinablot nito ang kamay ko pero naunahan ko siya dito.
"Hindi ako kagaya mo, Maureen, hindi ako uhaw sa atensyon. Bakit kita kailangang pakinggan? I won't be stooping down on your level, masyadong nakakababa," sabi ko dito sabay marahas na bitaw sa braso niya.
Tuluyan kong hinila sina Dianna at Marco papunta sa klase namin. Habang si Maureen naiwang nakatayo sa pwesto niya na parang bato. Hindi habang buhay ay naguumapaw ang pasensya ko, madalas nauubos ito lalo na sa mga kagaya niya.
"May iba't ibang uri ng enerhiya ang mga tao dahil dito iba't iba rin ang epekto nito sa mga halaman. Halimbawa na lang dito." Itinuro ng guro ang patay na halaman sa harapan. Inilagay niya ang mga kamay sa ibabaw nito at pumikit; ilang segundo pa, ang kaninang tuyot na halaman ay naging buhay na buhay at hitik sa bulaklak na gumamela. Bumukas ang mga mata ng guro namin at ngingiti-ngiting lumibot ng paningin sa mga estudyante niya, "Kaming mga engkantanda ng halaman karaniwang nakububuhay, o nakapagpatubo ng halaman. Depende sa kung anong klase ng enerhiya mo ang magiging epekto." Tumigil at marahang pumalakpak ang guro. "Tumingin kayo sa harapan ninyo, ang pasong iyan ay may lamang isang binhi. Kakaiba ito, siyang magsasabi sa inyong uri. Halina't pumikit kayo at gayahin ang ginawa ko kanina. Ilagay ang kamay sa ibabaw ng paso." Pumikit kaming lahat habang ginagawa ang mga sinasabi ng aming guro. "Isipin ninyong dumadaloy mula sa kaloob-looban ninyo ang inyong mga enerhiya, dumadaloy patungo sa dulo ng inyong mga daliri papunta sa paso at sa binhi." May mainit na pakiramdam ang unti-unting kumawala sa mga daliri ko, lumabas sa isip ko ang imahe ng ulan na bumabasa sa mga halaman at pumapawi nang uhaw ng mga ito, ang sinag ng araw na siyang nagbibigay lakas at sustansya at ang hangin na tumutulong sa pagbuo ng kanilang pagkain. Bawat elementong kinakailangan ng mga halaman para mabuhay.
"Excuse me, Ginang Kaparangan?" Bumukas ang mga mata ako at napalingon ako sa may pintuan sa mukha ni Anna. Lumapit ito sa aming guro at may ibinulong, "Pinatatawag ng prinsipal sina Carlos, Monteverde at Longwood," dinig kong sinabi nito. Tumango ang aming guro at lumapat ang tingin nito sa akin. Malakas itong napasinghap.
"Wow!" Komento ni Dianna sa tabi ko. Tumingin ako rito at nakita ang pinagmamasdan nito, ang paso sa harapan ko. Isang halamang walang katulad ang ngayon ay noroon, isang halamang pinagsama-sama. Iba't ibang bulaklak at bunga mula sa iba't ibang halaman ang namumutiktik dito. "Wow," ulit ni Dianna na manghang-mangha sa nakikita.
"Carlos, Monteverde at Longwood, pinatatawag kayo ng prinsipal," putol ng guro sa titig ko sa halaman. Pati ang mga kaklase ko hindi rin maialis ang tingin sa halaman. Kahit sila, namamangha rito. "Ahem...Carlos, Monteverde at Longwood, pinatatawag kayo ng prinsipal," pag-ulit ng guro, pilit kinukuha ang atensyon namin. Tumayo kaming tatlo at nagtungo sa may pintuan.
"What you did back there?" Bulong sa akin ni Marco. Umiling lang ako rito. Kahit ako hindi ko alam ang ginawa ko. Isa na namang kababalaghan.
"Come on, hurry up," pagmamadali sa amin ni Anna. Tumingin ako sa direksyon nito at sa babaeng kasama.
Ang mga mata nito nakapako sa ibang bagay, sa loob ng kuwartong pinanggalingan namin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong muli ang halamang nalikha ng enerhiya ko. Bumalik ang tingin ko sa babae at kinuha ko ang kamay nito, "Mama?"
Author's Note: feeling ko babagasak na Miata ko sa pagod but I need to write pa rin. Huhu.. enjoy reading please. you and if you like this story here's the link to the previous chapter: https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-16-pangungulila-sa-nakalimutang-pag-ibig-313a7099
Wait lang parang Chapter 1 pa lang nabasa ko nito. Ang haba ng ibaback read ko😂