Anomaly (Part 16: Pangungulila sa Nakalimutang Pag-ibig)

0 24
Avatar for baoxian23
2 years ago

Mainit.Malamig.Mainit.Malamig. Magkahalong init at lamig ang pumapalibot sa katawan ko, papalit-palit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, para akong yelong tinutunaw sa ilalim nang nakakapasong araw. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, paikot sa puting silid na kinatatayuan, papunta sa dalawang pulang pising nakausli mula sa dibdib ko. Hindi maabot ng mga mata ko ang dulo nito, ngunit sa 'di kalayuan, may isang kamay na bigla na lamang sumulpot at buong lakas na hinila ang isa sa mga pisi. "Ahh!" Malakas akong sumigaw, gusto kong abutin ang pisi at pigilan ang kamay, pero hindi ko magawang kumilos, naging parang isang mabigat na bato ang katawan ko. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses, hanggang sa huli na ang lahat at naputol na nang tuluyan ang pisi.


"Yanna, Yanna...wake up!" Ang malakas na pagyuyog ni Marco ang nagpagising sa akin at pumutol sa sakit na dala ng panaginip.

"Mar-Marco, okay na ako," nangangatal kong sabi. Tumango-tango ito at pinakawalan ako.

"Anong nangyari?" Sa kung ano mang dahilan, bumuhos ang mga luha ko. "You are fine now, don't worry I'm here." Pinunasan niya ang mga mata ko ngunit pinigilan ko lamang siya, tinulak ko si Marco at tumakbo ako palabas ng k'warto hanggang sa bahay papunta sa kalsada. There's something wrong with me, seriously wrong. The ache, the loss, the longing for someone; emotions that I know I should be feeling. But no, there's only this hollow space inside me, an empty void. "Yanna! Yanna...!" Paulit-ulit ang pagsigaw ni Marco pero nagbingi-bingihan ako. Tumakbo ako hanggang sa hindi na makaya ng tuhod ko at napasalampak na lamang ako sa damuhan.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ng kamay na humawak sa balikat ko. Marahan kong itinaas ang ulo ko para tingnan ito, "Anong nangyayari sa'kin? I feel devoid."

"Dala lang 'yan ng orasyon na ginawa ni Magda, mawawala rin iyan matapos ang ilang oras," paliwanag pa ni Kuya Lyndon, ngunit hindi lumuwag ang pakiramdam ko. May bagay akong dapat maramdaman; isang napakahalgang emosyon, hindi ko siya dapat gano'n kabilis makalimutan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi dapat ako pumayag sa ginawa ng mangkukulam."Bumalik na tayo sa bahay, nanghihina ka pa. Nag-aalala sa'yo si Marco at Dianna."

Tumango na lamang ako sa kuya ko. Wala na akong lakas para manlaban pa. Tahimik akong sumunod sa direksyong tinatahak nito. Hindi ko namalayang malayo rin pala ang narating ko. Halos labing limang minuto kaming naglakad bago makarating muli sa bahay.

"Shit! Don't ever do that again! Okay!?" Bumuhos ang pag-aalala sa sistema ni Marco at hindi ko maiwasang hindi makonsensya sa ginawa ko. Hindi ko siya dapat sinasaktan.

"I'm sorry, hi-hindi ko maintindihan ang sarili ko." Niyakap ko nang mahigpit si Marco. Natatakot akong mawala siya sa akin, na pati siya iwanan ako. At wala nang matira pang kahit isa sa kanila.

Pagkapasok sa bahay ay agad tumambad sa akin ang mukha ng isa pa sa mga guradian ko, si Dianna; ang mga mata nito nangungusap, nagtatanong. Tahimik akong umupo sa sofa sa harapan nito.

"Lalabas muna ako, may kailangan ba kayo?" Nag-aantay ng sagot si Kuya Lyndon, pero hindi ko magawang hanapin ang boses ko, gayon din ang dalawa ko pang kasama. Kaya naman umiling na lamang ako rito. "Okay, iwanan ko muna kayo para makapag-usap. Dadating si mama bukas ng umaga, nag-aalala siya sayo, Celestine." Huminto ito at kinuha ang mga kamay ko at marahang pinisil. Ngumiti ako sa kan'ya, para akong isang batong nilayasan ng kahit anong emosyon. "Kayo na lang muna ang bahala sa kaniya." Tuluyan kaming iniwan ni kuya Lyndon.

Sampung minuto na ang nakalipas pero walang gustong bumasag sa katahimikang nakapalibot sa amin. Nagbuntong-hininga ako at naglakas ng loob, "Anyone wants to say something?" Pag-uumpisa ko.

"We don't know na may anak na babae pala ang presidente, ang pagkakaalam ko tatlong lalaki lang," sambit ni Dianna.

Tama siya, iyon talaga ang alam nang lahat. Ako ang pinaka-malaking sikretong tinatago ng pamilya ko. Tumaas ang balikat ko, "That's what they want people to know, hindi ko naman sila masisisi. I mean, no one would mistake me for a wolf, right?" Tumingin ako sa mga mata nila; tumawa ako saglit. "It's maybe the guardian bond, I'll know if you two are lying to me. So, don't try."

"Wala naman kaming balak," pagmamaang ni Marco. I know pity when I see one, I don't have to have a bond with them to know that they are pitying me. Halatang-halata rin naman kasi.

"Pero bakit ka nila tinago? Nalaman ba nila kaagad na may mali sa'yo?" Pagtatanong ni Dianna.

"The earliest memory I got was at my third birthday, the day I burned under the sun for the first time. Funny enough I still got the scar to remind me of that incident. I almost died back then." Tumayo ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng dugo. "Anyone wants a drink?" Sigaw ko. Walang sumagot pero kumuha na ako ng ekstrang dugo at dyus para kay Dianna.

"Yanna."

Inilapag ko ang mga inumin sa lamesa sa gitna ng mga upuan matapos ay umupo ako at bumaling kay Marco, "Marco, you've heard my kuya, Celestine ang totoo kong pangalan. Kung tayo-tayo lang rin, tawagin mo akong Celestine."

"Okay, Celestine... Alam ba 'to ni Franco? Sinabi mo ba 'to sa kakambal ko?" Hindi ko magawang tumingin sa mukha ni Marco habang dahan-dahan akong umiiling. Gusto kong humagulgol, magwala o kahit humandusay sa sahig para ipakita ang pangungulila ko kay Franco ngunit para akong ilog na natuyuan, na kahit luha ay wala gustong tumulo. Lahat ng emosyong dapat kong maramdaman sa pagkawala niya ay ipinagkait sa akin. Para bang ayaw kilalanin ng sistema ko, nang mismong puso ko ang pagkatao ni Franco, gayong panay ang pilit na pagbulyaw ng utak ko sa akin na mali ang lahat.

"Hi-hindi ko nagawa. First hand experience of regret, I guess. He is my mate, I should have trusted him pero nanaig 'yung takot ko." Katahimikan ang isinagot sa akin ni Marco. Alam kong pagsisisihan ko ang lahat nang magdedisyon akong itago ang totoo sa kay Franco. Pero hindi ko na maibabalik ang nakaraan kahit ano pa ang pilit ko.

"How about your father? Sinong papalit sa kan'ya?" Liko ni Dianna sa usapan.

"Hindi ko rin alam Di, siguro si kuya Andrew, my eldest brother, his beta. Tiyak din namang itatago ito sa media kaya baka sa konseho rin mapunta ang kapangyarihan." Tumungga ako sa boteng hawak at inubos ang laman nito sa isang lagukan. Napapikit ako at baling ng ulo sa kaliwa; bigla na lang itong sumakit.

Uminit ang paligid at nang muli akong mamulat, napasinghap ako nang malakas. Anong nangyayari sa akin? Nasaan ako? Paano ako napunta rito? Fuck shit, the weirdness is just adding up way too much.

Nasa k'warto dapat ako, sa isla sa loob ng eskuwelahan. Tama! Nagha-hallucinate ka lang Tin-tin, nothing is wrong with you. Nothing! Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko. Kaya lang wala itong pinatutunguhan, masyado makatotohanan ang lahat. Pero paano ba kasi ako napunta sa Luneta? At, bakit nasusunog ang lahat, pati ang rebulto ni Jose Asuncion-- unang presidente ng bagong republika-- ay naging abo na. Maraming taong nagtatakbuhan sa iba't ibang direksyon. Lahat sila nagkakagulo, hindi alam kung saan pupunta. Ang kabog sa dibdib ko pilit akong sinasabihang kailangan kong tumakbo kasabay nang lahat ng mga tao. Ang problema, nakadikit yata ang mga paa ko sa kalsada at hindi ko sila magawang ihakbang. Tumakbo ka na! Panay ang sigaw ng utak ko. Isa lang ang ipinahihiwatig ng lahat, ayaw ko mang isipin pero kung hindi ako kikilos tiyak na ang aking katapusan. I'm going to die, really, really soon.

"Tulungan mo ako!" Sigaw ng isang babaeng humablot sa kamay ko. "Pakiusap, tulungan niyo po ako!" Pangungulit muli nito.

"Hindi...hindi ko po alam! Ti-tigilan niyo po ako! Please! Please!"

"Tulungan mo ako! Ikaw lang ang p'wede, ikaw lang!" Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari, ano ba ang gusto niya, bakit ba ako? "Ikaw lang ang may kayang pumigil ng lahat! Ikaw!"

"No! Get off me! Get off!" Nagsisigaw ako; ang babaeng kaninang nakakapit sa kamay ko ay biglang naging isang kumpol ng gagamba. "Get off me! Get off!" Pinaghahampas ko sila, pinipigilan ang pag-akyat nila sa mukha ko. Natatakot na ako. Please ayaq ko na! Please, tama na!

"Yan..Celestine, are you okay?" Nauliratan ako sa boses ni Dianna. "Are you okay? Bigla kang namutla?" Ulit ni Dianna sa tanong. Nawala ang lahat nang kanina lang ay nakapalibot sa akin. Halata ring walang alam ang dalawa sa mundong nasilayan ko, segundo lang ang nakaraan.

Pinantay ko ang aking paghinga bago sila sagutin, "I'm fine, may naalala lang ako, magpapahinga lang siguro muna ako." Tinago ko ang pangangatal sa boses. Tumayo ako mula sa kinauupuan, at naglakad papunta sa k'warto. Ramdam ko pa rin sa braso ko ang kapit ng babae pati ang maliliit na buhok ng mga gagamba. Ano ang ibig sabihin ng mga nakita ko? I don't want any other drama in my life, I just couldn't bear it. I might lose it, everything, my mind; my very own sanity.

"Teka, Celestine, ayos ka lang ba talaga? You don't look so good," pigil sa akin ni Marco. Ang isa kamay niya naka-kapit sa mismong lugar kung saan humawak sa akin ang babae. Tumingin ako sa mukha ni Marco at inialis isa-isa ang mga daliri niya hanggang mawala ito sa pagkakapit. Tuluyan akong pumasok sa loob ng k'warto. Sinundan naman ako ni Marco, rinig ko ang mga yapak niya kahit hindi ko pa ito lingunin. "Talk to me, please?"

Tumingin ako sa kaniya, umiling ako at marahang lumapit dito. Itinulak ko siya hanggang sa sumandal na sa pader. Itinaas ko ang kanang kamay ko at sinundan ang bawat kurba ng kaniyang mukha.Tumigil ako sa gilid ng kaniyang labi habang mariing nakatitig sa kaniyang mga mata; ang asul na mga mata. Isang patak ng luha ang tumulo sa gilid ng mata ko. Inilapit ko sa kaniya ang mukha ko at kinuha ang kaniyang labi. Hinalikan ko siya at pilit inaalala ang dapat kong maramdaman. Gumanti siya ng halik, ngunit matapos ang ilang segundo ay bahagya niya akong tinulak palayo, hinayaan ko siya at nagkahiwalay kami.

"Why?" Tanong ko.

"Because this is wrong! I'm not Franco! I am not HIM! I cannot be him, Celestine."

Umiling ako at kinuha ang kamay niya, "Yeah, I know. Hindi ikaw si Franco, you cannot be him. Kahit pa sobrang magkamukha nga kayo, hindi ka maaaring maging siya and that's fucking me up! Bakit!?" Itinaas ko ang hawak kong kamay. "Kasi, 'yung lahat ng nararamdaman ko ngayon, 'yung kuryenteng dumadaloy sa kamay ko dahil hawak-hawak kita, 'yung mga paru-paro sa tiyan ko? Hindi ko dapat nararamdaman para sa'yo 'yun. Marco, it's scaring me kasi hindi ko magawang maging malungkot sa pagkawala ng kapatid mo. 'Yung puso ko nagtatalon sa saya kasi malapit ka sa'kin, and I'm craving for you, your touch, your EVERYTHING! Now you are asking how am I? I'm slowly going insane Marco and I am scared." Binitawan ko siya.

"I'm sorry...hindi ko alam, kung ako lang ang masusunod--"

"Bakit ka pumayag? Bakit ka pumayag na palitan siya? Bakit mo nagawang burahin siya sa puso ko!? I wanted to hate you so badly but I can't and it frustrates me!" Ikinulong ako ni Marco sa mga bisig niya, unti-unting napapawi ang sakit sa puso ko pero hindi ang kaguluhan sa utak ko.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit na bulong ni Marco sa tainga ko.

"Pa'no kung wala na talaga siya? Pa'no Marco? What if he is dead, what would I do?"

"Don't worry, everything is temporary. Magiging ayos din ang lahat."

Sana nga, sana talaga. I want Franco back, I know I do, even if my heart tells me otherwise, I know I want him back and everything I'm feeling are all lies. Lies.

Author's Notes: Good day! Maganda ba mga araw nyo? I have been posting here but not reading. I promise to put that in my new years resolution to read more. I'll make time talaga to read. Sobrang busy ko lang talaga ngayon. Huhu

By the way if you like this chapter here's the link to the previous one: https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-15-naputol-na-koneksyon-at-isang-pagpapaalam-81963df0

3
$ 2.09
$ 2.06 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
2 years ago

Comments