Almost got into an accident
Blog:172-9th
Date :September 17,2022
Time :6:41pm
An accident is everywhere, especially vehicular accidents. It is more common on motorcycles.This morning my sister-in law told me if pwede ba daw siya makiangkas.Since we live in a remote area so she can save a little bit of money if she just takes the ride with me using my motorcycle.
My sister-in-law was wearing a skirt so sumakay siya na naka pambabae ang porma.The last na naki-angkas siya naka skirt din siya kaya mahina lang yung takbo ko kasi nga iba yung balance pag nakapambabae ang angkas mo.Pero kanina my speed was a bit faster than before not that fast naman like pag ako lang mag isa.I already feel na medyo gumigiwang kunti ang motor ,una akala ko eh gumigiwang lang dahil nga nakapambabae ang pag angkas ni SIL pero habang bumibilis ang takbo namin eh sobrang pa giwang giwang na talaga yung motor dun na namin namalayan na flat pala ang back part na gulong.Buti nalang eh di ako nataranta agad baka napihit ko pa ang break ng biglaan at matumba kami.So I tried to break using hand and food break hanggang sa huminto kami at dali dali kong napatukod (support) ng aking paa para di kami matumba.Medyo kinabahan din ako sa nangyari pero di ako nagpaano sa kaba para di ako mataranta.After kaming nakahinto naghanap agad kami ng pinakamalapit na volcanizing shop,iniwan ko nalang si SIL para makasakay siya ng bus or jeep.
Ni-run flat ko nalang yung motor ko ,malas pa kasi yung pinaka malapit sana na volcanizing shop eh sarado dahil pumunta ng Cebu ang may ari.So I left with no choice but to continue driving the motorcycle until I reach the available shop.Mga 2.3 kilometers din yun.First time kong mag running flat ng motor hirap pala magbalance I had to lower my legs para mabalance kahit papano.
When I reach the volcanizing shop I decided na papalitan nalang ng new tire yung motor ko kasi luma at manipis na rin yun kaya minsan natatakot akong magpatakbo ng mabilis baka biglang mag explode.Since wala pa dun yung mekaniko dahil my binili pa gamit sa kalapit na bayan I just left my motorcycle kasi it was already 9am at late na ako sa work.Kakilala ko naman yung nasa shop.At andun din yung uncle ko(Dad's brother)Perfect timing din at paalis yung pinsan ko(Yung parents ni pinsan ang owner ng place na nirentahan ng taga volcanizing shop) papuntang palengke(where my workplace is located)kaya nakisabay nalang ako sa kanya para di na ako sasakay ng habal-habal(motorcyle for hire).
I told the saleslady at the shop na echat niya ako magkano lahat ng magagastos ko at kung pwede ko ng kunin ang motor.Around 11am na bumalik yung Mekaniko.Sabi ng saleslady di daw pwede na yung back part lang ang papalitan ko kasi di magiging pantay kasi nga maliit yung gulong sa front.So sabi ko magkano ba lahat lahat pag both front and back ang papalitan.It cost me 1960 kasama na ang labor nun ,from gulong and interior.Pinili ko kasi yung matibay na gulong mga 800 ata ang price ng isa.
Since wala naman talaga akong pera for that emergency expenses kaya nag CA(Cash Advance)nalang ako sa lady boss ko para may pambayad ako sa talyer.Buti nalang eh mabait naman si lady boss kaya pina CA ako ng 2k at humingi ako ng favor if pwede bang good for 2 months ko babayaran bali 250 pesos ang ikakaltas kada sweldo ko(weekly kasi sahod ko).Pumayag naman si lady boss.Maswerte ako at super bait ni lady boss and very understanding.
It was around 11:30am ng kinuha ko ang motor ko .Mga ilang minutes lang naman ito from my workplace.Saktong nakauwi si daughter from school(Exam nila today)so siya muna nagbantay sa computer shop.Sumakay nalang ako ng habal-habal(motorcycle for hire) para makapunta ng talyer.
Morever, akala ko Yun Lang ang almost na accident pero Mas malala pa Yung muntikan na kami masagi ng isang motor na bigla nalang humarurot nung papaliko na Sana kami papunta sa aming bahay. Malayo pa Yung motor I already turn my left signal light on Para at least Alam ng motor na Nasa likod ko na liliko ako sa my eskinita. Pero laking gulat ko ng bigla nalang siyang humarurot ng takbo buti nalang eh di ako agad lumiko at buti nalang talaga eh Naka iwas yung motor sa amin. Yung anak ko nakita niyang paparating yung motor at mabilis ang takbo Kaya napasabi siya na ma,ma,ma.nung nakaiwas na yung motor at mabilis na tumakbo agad akong lumiko at huminto at napasigaw talaga ako sa motor na muntikan ng Maka disgrasya sa amin. Alam Kong Mali pero napamura talaga ako. Paano nalang kung di pa siya nakaiwas at nasalpok niya kami ng anak ko?
Ending thoughts
I was so thankful to God na hindi kami napahamak kaninang umaga.Thank you sa mga angels na gumabay at promotekta sa amin.I guess it was a blessing in disguise na si SIL yung angkas ko kasi kung si daughter pa mas mabilis akong magpatakbo ng motor baka mas malala pa ang nangyari kasi hirap kontrolin ang motor pag flat na ang gulong.Lesson learn ko na talaga to na talaga dapat hinay hinay lang ako sa pagpapatakbo para sa safety ko or sa sakay ko.
Anyways,my apologies for being inactive here at di na rin ako nakakabasa ng article siguro I can read 3-6 articles lang a day dahil sa sobrang busy sa workplace ko.I am not complaining though kasi biyaya na maraming akong customer sa work kaya bawi nalang ako sa inyo dear readers and my fellow writers pag di na masyadong busy.
Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated
.
Lead Image and thumbnail edited using Canva
To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.
To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.
Naku po, ingat po palagi magsuot kayo ng helmet pang proteksiyon..