Ito ay isang mountain resort na matatagpuan sa Lungsod ng Sagbayan Bohol. Malapit lang ito sa kilalang Chocolate Hills at sa taas nito tanaw na tanaw ang isla ng Cebu.
May bayad ang pagpasok sa naturang lugar. Ang entrance fee nito dati nong huling pumunta kami dito ay 70 pesos kada tao. Sa pagpasok mo lang dito agad bubungad sayo ang higanting dinosaur na laruan na gustong gusto ng mga bata.
May mga palaruang pambata ang resort na ito na kilalang dinadayo ng mga kabataan.May slide , duyan, mga naglalakihang laruan ng hayop at iba pa.
May slide na para sa mga bata na kong saan ay pwede maglaro. Meron din itong mga bahay-bahayan para sa mga bata na gustong maglaro.
Kong nagugutom kayo may restaurant sa loob at kong gusto nyo rin maq inom at kumanta may videokehan din dito.
Napakaganda at presko ang tanawin mula sa taas ng peak. Makikita mo rin dito ang chocolate hills.
Kong pupunta kayo sa Bohol wag nyong kalimutang bisitahin ang lugar na ito. Hindi kayo magsisisi at very relaxing ang lugar na ito.
abzero:)
Wow mukang napaka Ganda naman po Dyan sarap talaga mamasyal sa mga probinsya dahil bukod sa magandang tanaw in ay masarap din ang simoy ng hangin