Iba ang pakiramdam kong malayo sa pamilya.
Marami sa ating mga kababayan ang nagsusumikap na nagtrabaho sa malayong lugar para matugunan ang pang araw araw na pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya. Hindi iniinda ang pananabik na muling makapiling ang mga mahal sa buhay at nagtitiis labanan ang kalungkutan sa araw araw.
Bilang isang haligi ng tahanan isa ako sa marami nating kababayan ang nagsusumikap na nagtratrabaho sa malayong lugar para lang sa kapakanan ng ating pamilya. Ako man ay gabi gabi kong iniisip na sana balang araw ay magkakasama kami ulit para mabuo na ang aking pamilya.
Mahirap magtrabaho sa malayo lalo na't may iniinda kang karamdaman walang mag aasikaso at mag aalaga sayo. Pero pilit ko paring nilalaban ang lahat ng dagok at pagsubok na pinagdaanan ko. Ang aking dalawang anak at ang aking asawa sila ang nagpapatibay at nagpapalakas ng loob para di susuko sa hamon ng buhay.
Sa tuwing tinitignan ko mga larawan nito napapawi ang kalungkutan na aking nadarama.
Ito yong panganay ko at limang taon gulang na. Nakakamiss yong moment nyu at bonding mag ama non umuwi ako sa probinsya. Tuwaing magvivideochat kami laqi niyang sinsabi na kilan ba raw ako uuwi. Isang ngiti lang ang igaganti ko kasi alam kong medyo matagal tagal pa bago ako makauwi.
Ito naman ang bunso namin na si Samantha, magdadalawang taong ngayong darating na september. Sa tuwiing tumatawag ako laqi talaqa nyang kunin anq celpon nq mama niya para sya daw ang sasagot sa tawag ko. Hindi pa man masyado nakakpagsalita pero nakakaintindi na.
At ito naman ang mahal kong asawa na masungit minsan pag di ko nasasagot tawag nya..haha.. monthsarry pala namin nqayon. Sa 10 years naming naqsama diko pa talaga naiintindihan minsan ang ugali nito kasi sobrang matampuhin..hehe Pero love na love ko to..sobra.
Dinadalangin ko lang na sana matapos natong quarantine at makauwi na sa probinsya at doon nalang maghanap ng trabaho. Kahit maliit lang ang sahod atleast magkakasama kayo.
Yon lang po at maraming salamt!!!
abzero:)
Stay strong lang po sir. Ipag pray natin na sana matapos na ang mahirap na sitwasyong ito na kinakaharap ng buong mundo. Soon magkikita din kayo ng pamilya mo.