Matatagpuan ang Enchanted River sa Barangay Talisay Hinatuan Surigao del Sur. Tinatawag din itong Hinatuan Sacred River. Ito ay isang deep spring river na kong saan ang tubig nito ay dumadaloy galing sa ilalim ng bunganga ng spring. Ang tubig nito ay dumadaloy papuntang dagat. Malapit lang ang dagat dito kong saan mag high tide nahahaluan ito ng tubig dagat.
Dalawang beses na akong nakapunta dito. At ang huling punta ko dito ay noong taong 2011 pa. Nakarating ako dito kasi dito nakatira ang tiyohin ko na kapatid ng mama ko.
Mula sa sentro ng Hinatuan aabot pa ng isang oras ang biyahe. Pero yong bahay ng tiyohin ko ay malapit lang dito. Ang entrance fee dati ay 20 pesos lanq kada tao, iwan ko lang nqayon kong magkano na. Ilang taon narin ang lumipas ng huli ko itong napuntahan.
Ito ay kuha sa labas ng enchanted river.Nakakamiss yong time at sarap balikan ang mga moment tulad nito.
Sa oras ng tanghali ay pinagbabawal ang paglangoy at pagligo sa naturang lugar. Dahil yan sa isang pamahiin ng may-ari dito..ahmmm.. totoo ba ito? itoy imbento ko lang..heheheh. Ang totoo nito kong bakit bawal po maligo sa tanghali sa kadahilanan na pinapakain nila ang mga isda dito. Opo, may mga isda dito na ang lalaki pa. Mga isang oras po ang pagpapakain ng mga isda.
Ang sabi ng ilang residenti dito ay wala pang nakasisid sa pinakailalim ng spring. May tumangkang sisirin ito pero hindi nagtagumpay at ang sabi sobrang lalim ng spring. Sa ngayon isa ito sa mga kilalang tourist attraction sa buong isla ng Mindanao. Para sa akin ito ang pinaka SOLID at pinakamagandang spring na napuntahan ko. Sa kulay pa lang ng tubig at linaw nito hindi ka mag aalangan na bumalik at maligo ulit dito. Sa mga biyahero na hindi pa nakapunta dito, bisitahin at puntahan nyo itong napakagandang lugar na pang world class na tourist attraction.
abzero:)
wow napakganda nyang lugar na yan bro ang dami o n plang napuntahan n mgagandang lugar dito s pilipinas npa kaswette mo sis cguro after this pandemic byahe k n nmn sa pamamsyal s mga gandang lugar at tanwin d2 s atin sa pilipinas npa ka swerte din nmn natin tlaga n sobrang daming mgagandang lugar d2 s pilipinas.