Enchanted River

0 15
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Matatagpuan ang Enchanted River sa Barangay Talisay Hinatuan Surigao del Sur. Tinatawag din itong Hinatuan Sacred River. Ito ay isang deep spring river na kong saan ang tubig nito ay dumadaloy galing sa ilalim ng bunganga ng spring. Ang tubig nito ay dumadaloy papuntang dagat. Malapit lang ang dagat dito kong saan mag high tide nahahaluan ito ng tubig dagat.

Dalawang beses na akong nakapunta dito. At ang huling punta ko dito ay noong taong 2011 pa. Nakarating ako dito kasi dito nakatira ang tiyohin ko na kapatid ng mama ko.

Mula sa sentro ng Hinatuan aabot pa ng isang oras ang biyahe. Pero yong bahay ng tiyohin ko ay malapit lang dito. Ang entrance fee dati ay 20 pesos lanq kada tao, iwan ko lang nqayon kong magkano na. Ilang taon narin ang lumipas ng huli ko itong napuntahan.

Ito ay kuha sa labas ng enchanted river.Nakakamiss yong time at sarap balikan ang mga moment tulad nito.

Sa oras ng tanghali ay pinagbabawal ang paglangoy at pagligo sa naturang lugar. Dahil yan sa isang pamahiin ng may-ari dito..ahmmm.. totoo ba ito? itoy imbento ko lang..heheheh. Ang totoo nito kong bakit bawal po maligo sa tanghali sa kadahilanan na pinapakain nila ang mga isda dito. Opo, may mga isda dito na ang lalaki pa. Mga isang oras po ang pagpapakain ng mga isda.

Ang sabi ng ilang residenti dito ay wala pang nakasisid sa pinakailalim ng spring. May tumangkang sisirin ito pero hindi nagtagumpay at ang sabi sobrang lalim ng spring. Sa ngayon isa ito sa mga kilalang tourist attraction sa buong isla ng Mindanao. Para sa akin ito ang pinaka SOLID at pinakamagandang spring na napuntahan ko. Sa kulay pa lang ng tubig at linaw nito hindi ka mag aalangan na bumalik at maligo ulit dito. Sa mga biyahero na hindi pa nakapunta dito, bisitahin at puntahan nyo itong napakagandang lugar na pang world class na tourist attraction.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

wow napakganda nyang lugar na yan bro ang dami o n plang napuntahan n mgagandang lugar dito s pilipinas npa kaswette mo sis cguro after this pandemic byahe k n nmn sa pamamsyal s mga gandang lugar at tanwin d2 s atin sa pilipinas npa ka swerte din nmn natin tlaga n sobrang daming mgagandang lugar d2 s pilipinas.

$ 0.00
4 years ago

yes bossing medyo marami rami narin akonq lugar na napuntahan. Palaboy laboy kasi ako dati nong binata pa at wala pang pamilya. Hehehe ddami ko rin kasing mga kamag anak sa ibat ibang lugar kaya nakakapasyal ako.

$ 0.00
4 years ago

isa jud ni sa akong lugar nga maanhaan sir ang Enchanted River. layo man gud if mag land travel diri gikan sa amo.Mis.Occ...

$ 0.00
4 years ago

medyo layo jud sir. kay kami qani una nakong anha padulonq sa balay sakonq tiyo mokabat man og 6-7 hours ang biyahe gikan mi sa bayugan sakong ig agaw padulong dihas hinatuan sa akong oyoan.Medyo layu gyud og gikan dihas inyuha peru sir dili gyud ka magmahay ba og umaadto mos imong pamilya kay arang ka nindot ang enchanted river.

$ 0.00
4 years ago

ang ganda naman diyan. kaso ang layo layo. sana makapunta kami diyan balang araw. parang ang sarap mag swimming diyan grabe

$ 0.00
4 years ago

Ito talaga ererekominda ko na dapat nyong puntahan. Di kayo magsisi na pumunta dito. Sobrang ganda ng tubig, napakalinaw at sobrang lamig. Pwede mo ngang inomin anq tubig sa sobrang linis eh.

$ 0.00
4 years ago

talaga? ganun siya kalinis? hala ang ganda naman diyan. enchanted nga... diyan ba yung sa byahenidrew dati?

$ 0.00
4 years ago

opo. Nafeatured nayan sa biyahe ni drew pati na rin sa international. Pang world class ang ganda ng spring na iyan. Promise sobrang ganda talaga. Yong pinaka best jan is yong kulay ng tubig na kulay asul.

$ 0.00
4 years ago

oo nga eh napaka magical ng spring na yan. someday sana makapunta ako jan haha

$ 0.00
4 years ago

Kong andun ka sa taas ng spring makikita mo na kulay asul ang tubig na akala mo na hindi natural ang ganda at kulay ng tubig.

$ 0.00
4 years ago

siguro malalim ang tubig diyan.. kailangan naka life vest ako kasi takot ako sa malalim na tubig haha

$ 0.00
4 years ago

Malalim yan madam. Wala pang nakakasisid sa pinakailalim ng spring. Ang sabi sabi ng taga riyan ay konektado daw yan sa maraming kuweba at meron daw jan nagbabantay na ingkanto para mapanatili ang ganda ng spring.

$ 0.00
4 years ago

jan ba yung may mga nawawala paminsan???? tsaka yung may nakita daw silang sirena??

$ 0.00
4 years ago

ganda ang linaw ang linis ng tubig, nakakaenchant talaga, nakakamangha, sana mapagingatan p ito ng mga susunod n henerasyon

$ 0.00
4 years ago