8 August 10, 2021
Hindi ko maintindihan ang aking ina dati sabi niya huwag ko daw ikabit ang aking buhay sa pekeng puno, ikabit ko daw ang aking buhay sa totoong puno. Hindi ko lubos maintindihan ang aking ina ng sinabi niya iyon. Bakit kasi ang mga magulang minsan mahilig sa mga matatalinghagang salita.
Pinagsawalang bahala ko iyon dahil hindi ko naman alam ang ibig sabihin non. Pinagpatuloy ko ang aking buhay, nagsugal ako, nagloko ako, dahil pakiramdam ko naman walang kabuluhan ang aking buhay. Yung nanay ko naman mahilig sa mga matatalinghagang salita.
May nakilala ako sa eskwelahan na sobrang kinaiinggitan ko, ang dali dali niyang makuha lahat ng gusto niya, ang saya-saya niyang tignan parang blessed siya lagi kaya tinanong ko siya "Ara bakit ang saya-saya mo laging tignan, parang lagi kang blessed, walang problema ganun, tapos lahat nalang madali para sayo. Ano bang sikreto mo? Ngumiti siya sa akin at sinabi niyang "Pinuputol ko lang yung mga sangang nagbibigay lungkot sa akin at ikinakabit ko ito sa totoong puno" Bakit ba mga babae mahilig sa mga puno na salita, dito ko nga magets nanay ko eh "Kapatid mo ba nanay ko?Bakit parehas kayo ng sinasabi, ano bang puno yan? Tsaka anong sanga ang pinuputol mo? Ano kaya yung pekeng sanga na sinasabi ni nanay?" Biglang nagliwanag ang kanyang mukha, mukhang sila ang magakakaintindihan ni nanay. "Shunga, ooh forget my word, Ibig sabihin ng nanay mo, ay ang pekeng puno ay yung mga bagay, na ikinakabit natin sa ating buhay na panandaliang saya lamang ang binibigay tulad ng makamundong gawain, makamundong saya, makamundong isipan, ang totoong puno naman ay siyang nagbibigay ng sustansiya sa ating buhay, sustansiyang walang hanggan, sayang walang katapusan, at biyayang walang hanggan, gets mo na? Ooh by the way ang tunay na puno ay si Jesus. O siya sige na uwi ka na tanungin mo nanay mo mas maganda ang paliwanag noon for sure." Sabi niya sa akin, natulala ako dahil kung iisipin ko, kung saan nakakabit ang sanga sa aking buhay ay napakadaming sanga ang dapat kong putulin.
Habang binabagtas ko ang daang pauwi sa aming bahay di ko mapigilang umiyak dahil matagal ko ng tinatanong ang aking sarili kung paano sumaya ng lubusan kung saan saan ko ito hinanap at napakapit tuloy ako sa makamundong gawain. Gusto kong magbago at putulin lahat yung mga sangang nagpapalubog, nagpapalungkot, at nagpapalayo sa akin sa Diyos. Siguro oras na para sundin ko ang nanay at makinig sa kanya.
Sa aming bahay, umiiyak si Nanay akala ko kung ano na ang nangyari, nag-usap pala sila ni Ara inaanak niya pala si Ara hindi ko manlang nalaman. Ganun ba ako kawalang bahala dati? Ganun na lamang ba ako nawala sa aking sarili. Dumating kasi ako sa puntong, nabubuhay lang ako dahil kailangan, nabubuhay lang ako pero wala sa sarili kumbaga kumakain, umiinom pero malungkot ang buhay, kaya ayun nagloko at hanggang sa napakapit na ako sa pekeng punong sinasabi nila Ara at nanay. Kaya pala walang kabuhay-buhay ang aking buhay dahil maling sustansiya pala ang nanalaytay sa aking dugo lason pala sa aking katawan ang sinusubo ko. Kaya pala walang sangang nabubuhay sa akin o hindi ako masaya dahil mali ang kinakapitan kong puno.
Biglangl yumakap ang aking ina sa akin at sinabing "Big boy ka na sa wakas, naexplain na ni Ara sayo yung sinabi ko sayo, ako din kasi nagturo noon sa kanya, compared sayo, naging interesado siya sa sinasabi ko, ikaw naman hindi ka nakinig. Kaya ayan nangyari sayo, pero huwag kang mag-alala anak hindi pa huli ang lahat. Simula ngayon kumapit ka na sa totoong puno, pero forgive yourself muna, humingi ng tawad sa Panginoon at gawin ang tama. Sinabi ko dati kay Ara na kumapit lagi sa tunay na Puno pagkat, Siya ang magpapalago ng iyong buhay, hindi ka niya ilulubog kundi bibiyayaan ka niya ng masustansiyang bunga at iyon ay walang hanggang buhay at kapayapaan." "Nanay naman dapat pinilit mo ako na makinig sayo dati pa, sabagay hindi yun papasok sa aking utak dahil wala pa ako noon sa aking sarili. Alam mo ba Nay pekeng puno ang nanalaytay sa akin dati, hindi ako naging masaya dahil pekeng saya, pekeng tao, pekeng inggit ang sangang nasa akin dati, kung saan-saan ako kumapit Nay, salamat Nay pinakilala niyo sa akin ang totoong buhay at tunay na puno, simula ngayon kakapit na ako sa tunay na puno"
Note: Binigyan ko lang ng kwento yung sinabi ni father tungkol sa pekeng puno at tunay na puno" ang youtube channel niya ay Three nails and a crown.
Magandang gabi sa inyong lahat.
Ang lalim nmn sis tammie pero may aral siya tlga.lalo na sa wala tlgang alam. Dpat wag mainggit at good vibes lge. Kapit lng ky god ksi di ka bibitawan non