Sawing Pag-ibig online!

23 24
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Kayo ba ay may dummy account na facebook? Gumawa ako ng akin para sana sa paghahanap ng trabaho pero iba ang nahanap ko kundi virtually friends on line. Bakit ako gumawa ng fake account? Ito ay dahil marami na ang scammer ngayon na gagamitin ang pangalan on line para makapag scam. May nabalitaan ako na iyong scammer gumamit ng pangalan sa facabook tapos kinontak lahat ng kamag-anak tapos nanghihingi ng pera at sasabihin niyang emergency, ang masama pa pinatay niya yung totoong may ari ng pangalan. Pero hindi ito ang aking ikukuwento kundi ang masaklap kong lovestory sa fake kong account.

Graduate na ako sa kolehiyo at gusto ko sanang magkaroon ng trabaho on line, ang dami kong nakikitang trabaho virtually like pagiging virtual assistant, online seller, at call center agent. Ang dami ko ng sinalihan na group para sana matuto pero lahat ng iyon walang active, until one day may nagchat alam na niyang dummy account yung gamit ko kase walang picture. Dahil bored ako that time kinausap ko siya, taga ibang bansa pala siya. Ayaw ko sana siyang replayan kaya lang consistent na siya pwede naman siyang iblock pero hindi ko magawa dahil mabait naman siyang kausap. Dati chat-chat lang pero noong tumagal na kami video call na kami nag-upgrade na haha. Nahihiya kase ako sa umpisa eh tsaka bulol ako sa english pero ng lumaon nasanay na rin. Dahil comfortable na kami sa isa't-isa doon na kami sa real account namin nag-uusap.

Kung ilalarawan ko siya gwapo siya at matangkad grabe ang bait niya daig niya pa ang santo. May nararamdaman na ako sa kanya kung mangamusta kase siya ay wagas hanggang sa nasanay na ako sa kanya. Sa tanang buhay ko siya lang kase yung consistent na mangamusta at inaupdate niya ako ng everyday life niya. Hindi na kami awkward mag-usap dahil kung magkwento siya ay relatable, talagang sinasali niya ako sa usapan walang dull moments kapag nagkwekwento siya. Kung namamasyal siya sa beach vinivideo niya lahat ng magagandang spot doon tapos send niya sa akin, tapos sasabihin niya sana one day nandito ka at ililibot kita sa lahat ng beach dito. Kinilig naman ako haha

Close na kami as in nagsesend na din siya ng family picture at gatherings nila. Mas bata siya ng dalawang taon sa akin pero kung mag-isip ay mas matured kaysa sa akin hehe kaya nahihiya ako minsan sa kanya pero dahil virtually lang naman go lang ako ng go kahit wrong english minsan haha.

Sa edad niyang 25 ay prenepressure na siya ng kanyang mga magulang na magpakasal na dahil naghahanap na sila ng Apo. Tinanong niya ako kung single ako sinabi kong hindi kahit wala naman akong boyfriend dahil alam ko na eh kung saan ito papunta. Nalungkot siya dahil gusto niya daw ako sayang daw akala niya may chance kami para sa isa't-isa. Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero yung sinabi ng mommy niya ay nakasiksik sa utak ko.

May pangako kami sa isa't-isa na kapag may boyfriend or girlfriend na ang isa sa amin ay kailangan na naming tapusin ang communication namin dahil nga may principle siyang bawal ang friends sa oppsite gender kapag may jowa or asawa na dahil posibleng pag-awayan ito ng magjowa or mag-asawa dahil sa selos. Ginamit ko ito para tapusin na ang communication namin kahit masakit para sa akin na gawin ito. Sinabi kong nakakaistorbo na siya kahit hindi pero kailangan eh. Natouch ako sa sinabi niya na wala siyang magawa dahil principle niya iyon eh sana hindi nalang daw niya sinabi yung mga principles niya sa buhay. Hindi ko akalain na iiyak siya, ayaw kong umiyak pero napaiyak na din ako. We said our goodbyes and sabay block sa isa't-isa.

Sabi ng mama niya sa akin ay tinanong niya ako kung anong trabaho ko sabi ko wala dahil yun naman talaga ang totoo. Nagulat ako sa sinabi niyang tantanan ko na daw ang anak niya dahil pera lang daw ang habol ko sa kanya. Hindi ko na siya pinatapos magsalita sinabi kong oo madam no problem. Ang bait-bait ng anak niya tapos siya ay hindi.

Dito na nagtatapos ang aming masaklap na pag-ibig online!


Sa ating buhay may mga bagay na hindi binibigay ng Diyos kahit gustong-gusto pa natin ito. Dahil mas alam niya kung saan tayo mas sasaya. Sa fake kong account after one year nagsend siya ng picture happily married na siya. Masaya na din ako para sa kanya..pero ako single pa din atleast may trabaho na haha yun naman ang mahala sa ngayon..


Fictional story lang po siya..

Thank you for reading!

Credit lead image: shutterstock.com

9
$ 4.15
$ 4.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Amy05
$ 0.03 from @Expelliarmus30
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

yung naexcite ako kasi online pagibig din kami ng husband ko, tapos fictional. hahhahahah

$ 0.02
2 years ago

Wow buti po nag work out.

$ 0.01
2 years ago

oo. mas nagwork out pa sya kesa sa mga longterm relationships ko noon. di din natin masasabi. talagang kung para sayo, para sayo. hihi

$ 0.00
2 years ago

Ang harsh naman ng mama buti sana kung binigyan ka ng 15 million para iwan ang anak nyaπŸ™„

$ 0.02
2 years ago

Hahaha ganun talaga eh hhaha

$ 0.00
2 years ago

Yung tipong iniisip ko totoo na tapos mababasa ko sa dulo fictional pla hahaha. Relate much lahat ng makakabasa nito 😊

$ 0.02
2 years ago

Hahaha thank you..wala kasing maisip na topic eh hehe

$ 0.00
2 years ago

Haha, fictional lng pala yun, dami ng nakarelate eh hihi

$ 0.02
2 years ago

Hahaha opo yung iba po..salamat aa pagbisita po..

$ 0.00
2 years ago

Akala ko totoo na, ang sweet pa naman nung guy sa story. Huhu

$ 0.02
2 years ago

Haha oh sige po totoo po yung iba diyan except sa yung mother hehe

$ 0.00
2 years ago

Fictional nga lang ba? Omg akala ko totoo! I was hoping na totoo! Huhu

$ 0.02
2 years ago

Yung iba po totoo diyan hehe pag ka exadge kase kaya ginawa kong fictional hehe

$ 0.00
2 years ago

Akala ko totoo na sis...☺️ pero kung sa real life naman talaga nangyari.. ang sakit2 may mga bagay talaga na pinagtagpo sa tin pero hindi nakatadhana...πŸ’”

Ingat ka palagi sis..πŸ™

$ 0.02
2 years ago

Oo ngaeh ang saya sana pag walang hadlang no hehe

$ 0.00
2 years ago

Kala ko po totoo na nangyari sa inyo yan hahahha. Pero grabe naman po yung nanay nung sinabing pera lang ang habol, hindi naman lahat ng tao ganun eh.

$ 0.02
2 years ago

Haha wala akong maisip na palusot ni nanay eh hehe

$ 0.00
2 years ago

Lagi talaga ako nadadali nito eh,super seryoso qo mgbasa fictional lng pala haha,ang galing ah,taba ng isip hehe

$ 0.02
2 years ago

Haha walang maisip na personal na story ate eh haha pasensiya na ate gawa gawa lang yan hehe

$ 0.00
2 years ago

Honestly ang galing mo talaga as in nakanganga pa aqo at deep inside kilig na kilig hahaha pasaway ka talaga

$ 0.00
2 years ago

Haha hindi naman ate haha

$ 0.00
2 years ago

haha ang seryuso ko sa pagbabasa. fictional pala. Nice story sis

$ 0.02
2 years ago

Hahaha thank you .

$ 0.00
2 years ago