5-Agosto 5, 2021
Kung ako ay bad mood maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan, mga bagay na aking kinaiinisan at nagpapabigat lalo sa aking damdamin.
Hindi ako bad mood today naalala ko lang ang isang storya na sobrang iniyakan ko dahil parehas kami ng gusto at kahilingan.
Doon sa storya na yun ang bida ay mayroong isang kahilingan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ito ay "huwag siyang ipahiya o pagtawanan sa harap ng ibang tao o sa maramihang tao". Pero ang kahilingang ito ay kanyang tinago sa kanyang sarili, hindi niya pinagsabi o ano pa man. Nasasaktan nalang siya tuwing linalait at pinagtatawanan siya sa harap ng maraming tao.
Ito yung mga reasons kung bakit yun ang kahilingan niya:
Una, kung nakikita kang pinagtatawanan ng iba, nawawala na din ang respeto ng tao sayo.
Pangalawa, okay lang sana kung walang makakarinig pero kung pinapangalandakan sa iba na ganyan, ganito ka, bumababa ang self confidence mo.
Pangatlo, maaaring gayahin din ng iba ang ginagawa nila sayo.
Isang araw umiiyak siya dahil may batang tumawag sa kanya na wala siyang kwentang tao. Ito na yung epekto ng pagpapahiya sa kanya ng kanyang pamilya sa harap ng maraming tao. Kapag sa eskwelahan tinitingala siya dahil nakakaabot siya sa top kahit papaano pero pagdating sa kanilang bahay wala silang makitang maganda sa kanya kundi yung mga kamalian at ipahiya siya sa maraming tao.
Nahihiya siya sa kanyang pinsan dahil kaklase niya ito at nakikita niya kung paano siya tratuhin ng kanyang pamilya. Hindi sila close ng kanyang pinsan dahil lalaki siya at iba ang kanyang barkada sa eskwelahan.
Kinausap niya lagi ang kanyang sarili sa salamin na huwag naman sana siyang ipahiya sa harap ng kanyang pinsan dahil ano na lang ang iisipin niya. Okay lang ipahiya siya huwag lang sa harap ng kanyang pinsan.
Noong medyo nakainom siya nagkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang kanyang hinaing sa kanyang pamilya. Umiiyak siya sa harap ng kanyang pamilya habang sinasabi niya kanyang kahilingan. Natahimik ang kanyang pamilya dahil hindi nila alam na ganun na pala kabigat at kasakit ang kanyang nararamdaman.
Kinabukasan, ibinalita ng kanyang pinsan na graduation na nila at nagulat siya dahil wala manlang nagprepare sa loob ng bahay kaya siya ay napatanong "Nasaan si Aina, bakit hindi kayo naghahanda siya kaya ang valedictorian namin." Nagulat ang lahat dahil hindi nila alam yun. Dahil ayon sa kanila wala naman daw nabanggit si Aina.
Dahil hindi nila mahintay si Aina pinuntahan na nila sa kanyang kuwarto at doon nila nakitang patay na siya. Umiyak ang lahat dahil hindi nila nabigyang pansin ang nararamdaman niya
Akala ng pamilya niya dati okay lang kay Aina na lait-laitin siya dahil nakikisabay naman siya sa mga jokes sa kanya. Hindi nila alam na kapag mag-isa na siya umiiyak siya at nasasaktan. Naging malungkot ang graduation dahil nawala ang importanteng tao sa panauhin.
Ang kwentong yan ay kwento pa noong nasa elementarya pa ako at hindi ko makalimutan dahil half of the class ay umiyak, mga lalake lang ata ang hindi naging emotional dahil hindi naman sila nakinig.
Sabi ng teacher namin ano ang lesson learned namin sa kwento:
May tatlo akong lesson learned na binigay. at ito yun:
Maging aware sa mga jokes, nakakasakit man o hindi dahil hindi mo alam ang nararamdam at pinagdadaanan ng isang tao.
Obvious naman sa kwento na huwag ipahiya ang isang tao sa harap ng maraming tao dahil maaari itong maging sanhi ng depression o worst suicide.
Hindi naging open si Aina sa kanyang problema, nasabi lang niya noong nakainom na siya. (Mas madali ang lahat kung subukan mong maging open sa iyong pamilya,huwag mong sarilihin ang iyong problema dahil hindi matatapos ang problema kung wala kang aksyon na gagawin.)
Iba't iba ang level ng sensitivity natin kaya di talaga maiiwasan na masaktan ang iba sa mga jokes na nakakasakit sa kanila kaya dapat talaga tayong mag ingat sa mga sinasabi natin. Maging mabuti lang tayo sa kapwa ❤