Goodbye 10k and friendship na ba ito?

15 34
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Para po sa mga nanay diyan, may tanong po ako. May nanay po kasi akong kakilala na tinuturuan ang anak na huwag humingi ng pagkain o i think itinuro din ata na huwag tumanggap ex. mga biscuit o bawal makikain sa ibang bahay, kahit sa kamag-anak. Kung tubig ay okay lang kasi libre naman iyong tubig. Kase daw nakakahiya ang dami niyang what if. Makatarungan po ba ito o hindi? Nauso din kasi iyong kidnapping ng mga bata nag-iingat lang din daw siya. Madalas iyong mga bata sa aming bahay dito sila naglalaro hindi naman sila iba sa amin dahil nga magkakalapit o magkakapitbahay kami dito.

One time or hindi lang one many times na hehe. Nakikain si Jella (anak ng kapitbahay namin) siyempre kapag nandiyan iyong bata at kumakain kami aayain namin siya at bibigyan ng pagkain. Iyong ganang-gana siyang kumain ng biglang marinig niya ang nanay niya na nasa labas agad-agad niyang binitawan ang kutsara at nagtago. Tinanong namin siya sabi niya bawal daw siyang kumain sa ibang bahay. Naawa naman ako doon sa bata kasi bata palang pinagbabawal na siya sa maraming bagay.

Anyways nakatanggap ako ng goodnews sa friend ko na magbabayad na siya ng utang niya this september. Inayos ko na iyong gcash account ko fully verified na para ready. Can't wait to hold money in gcash pang load and invest na din hehe. Actually matagal na iyong utang niya sa akin last year october pa. Dapat nga sa May pa siya magbabayad eh pero dahil namatay ang kanyang nanay hindi ako naningil kasi alam ko ang hirap kapag nawalan ng mahal sa buhay. Ang hindi ko lang maintindihan noong kailangan ko ng pera nagparamdam ako sa kanya nagbabakasakaling magpapartial payment siya pambili sana ng gift sa pamangkin ko dahil 1st birthday at christening niya. Eh nagalit siya sabi niya "Alam mo naman diva kung kailan ako magbabayad". Dapat nga bayad na siya noong March o May pa sana bayad na siya eh. Simula noon hindi ko na siya minessage about sa utang niya sa akin parang ako pa iyong nahihiya sa kanya eh kasi siya pa ang galit. Worth 10k din iyon tapos walang ng interest kasi usaping magkaibigan naman iyon. Naawa ako sa kanya noon dahil nga nag-apply siya abroad tapos walang-wala daw siya. Inuna ko nga siya kaysa sa magpadala sa mga parents ko eh. Sana ngayon iprayoritize naman niya ako ngayon. at sana maalala niya iyong pangako niya noon.

Pinadala ko na iyong gcash number ko sa kanya sa messenger tapos nagmisscall na rin ako sa kanya nagbabakasakaling pansinin na niya message ko kahapon pa kasi iyon tapos online naman siya hindi naman siya nagseseen. Ewan ko nga ba parang goodnews na hindi ito.. Pinapaasa lang ba ako ng kaibigan kong nasa abroad? Ghosting Money ba ito Or Goodbye 10k at frienship na ito? Mahal kita friend please huwag mo naman akong biguin..

Ayoko ko naman iend iyong friendship namin ng dahil sa pera siguro kailangan pa ng pasensiya at konting intindi at hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya abroad. Kaya noong nagalit siya naglielow ako para makamove on sa galit niya sa akin baka wrong timing din ako noon eh pero wala naman siyang sinabing iba iyon lang. Naiiyak ako habang sinusulat ko ito kasi namiss ko siya hindi dahil sa utang niya ha.. Namiss ko na bonding namin huhu

8
$ 1.69
$ 1.65 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @dziefem
$ 0.01 from @Micontingsabit
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Buti naman sis nagbayad na siya. Kailangan mo din ng money. Merong ganun din sis yung mga anak nila ayaw ng mga parents na kumain sa ibang bahay even kapitbahay.

$ 0.00
2 years ago

Hindi pa siya nagbayad sis hehe

$ 0.00
2 years ago

Sana magbayad na siya sis.

$ 0.00
2 years ago

Some people says, "kung ayaw mong masira ang inyong pagkakaibigan, 'wag mo pautangin" hahaha. Pero, ang hirap naman kasi humindi lalo't alam mo na kailangan nila at may maibibigay ka. Ang kaso lang parang ikaw pa yung masama pag naningil ka. Sila pa galit. Kahit hulug hulugan naman sana pakunti kunti. Hays.

Pero kawawa naman yung bata, parang may mali at takot siya sa Nanay niya hmmm.

Anyway, kumustaaaa? Haha.

$ 0.00
2 years ago

Uy ano na kamusta haha kala ko hindi kana magreread kasi parang busay ka na hhehe

$ 0.00
2 years ago

Wahaha wala pa naman work, wala pa tumatawag haha. Ikaw nga akala ko hindi na babalik dito kasi katagal mo rin nawala haha

$ 0.00
2 years ago

Hindi wala lang stable na internet connection sa probince namin hehe

$ 0.00
2 years ago

It always happy for the people when they got yo know that they will receive their money back

$ 0.00
2 years ago

But I hope they should atleast have a little conscience because its not free lol

$ 0.00
2 years ago

Minsan dahil sa pagpapautang nasisisra talaga ang bonding ano po. Minsan ang hirap din maningil lalo kapag alam natin ang sitwasyon at pinagdaddaanan nila, pero sana nga po ay maisip din niya ang responsibilidad niya na magbayad po.

$ 0.00
2 years ago

Sana ngapo hehe

$ 0.00
2 years ago

Naloka naman ako na bawal makikain ang bata sa kapitbahay, pero in the first place bakit ba nakikikain ang bata sa iba?

Sana magbayad na sya kasi sayang ang pagkakaibigan nyo sis... huhu

$ 0.00
2 years ago

Kusa po namin siyang pinapakain iyon ngalang pinagbabawalan siyang makikain o humingi ng pagkain..

$ 0.00
2 years ago

Jusko. Kapag nangutang dapat isipin and responsibility na makapagbayad on time sis. Walang karapatang magalit. Buti nga pinautang pa

$ 0.00
2 years ago

Hehe ganun tlaga sis intindihin konalang siya baka kasi nasa mahirap din siyang sitwasyon eh kawawa naman..

$ 0.00
2 years ago