Ang utang ay utang hindi libre!

39 50
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Unang araw ng Oktubre pero ang paksa namin habang kumakain kami ay iyong mga taong umuutang na hirap magbayad na wala ka ng magagawa kundi hayaan nalang kase ikaw din yung mahihirapang sumingil sa kanila.

Hindi ko alam na may mga pautang pala si ate sa mga kamag-anak namin dito sa Maynila. Ayon sa kanya hindi na dapat pinagsasabi yung mga bagay na ganyan kase ang dating daw ay parang sinisiraan mo sila kaya nanahimik siya. Kaya lang noong gipit na gipit na siya napilitan siyang maningil pambayad daw ng tuition ng kapatid namin nahirapan daw siyang maningil kaya sabi niya hindi na sila makakaulit pa sa kanya natuto na daw siya.

Naalala ko naman yung mga kaibigan ko na umutang ng pera sa akin 1st year college ako noon. Bilang studyante na malayo sa pamilya ay pinahiram ko sila halos napahiram ko yung 1K na allowance for next week. Mukhang nagsasabi naman sila ng totoo at paniwalang-paniwala ako. Hanggang sa matapos na ang isang linggo ay inaasahan ko na sila na kusa na silang magbabayad. Binigyan ko sila ng isang araw na palugit baka nakalimutan lang. Pero pagkatapos ng tatlong araw ay wala pa din kaya ako nalang pumunta sa kanila kase kailangan ko na din yun eh. Nagulat nalang ako na wala daw silang utang sa akin gumagawa na daw ako ng kwento. Nabigla ako sobra kaya medyo napasigaw ako ng konti "Ano nakalimuta niyo na?" Tapos sasabihan nila kailan daw iyon. Matino daw silang tao at alam daw nila kung sino inuutangan nila at nagbabayad daw sila on time. Pagdating sa klase umiiyak sila at ako daw dahilan pinagbibintangan ko daw silang hindi nagbabayad ng utang. Totoo naman pero bakit sila nagdradrama hindi ba dapat ako iyong magalit sa kanila. Ako pa yung tinawag nilang sinungaling at pinagkalat sa classmate namin.

Wala akong pinagkwentuhan nito kundi iyong bestfriend ko mukhang siya lang yung naniwala sa akin kase alam niya ugali ko. Kinabukasan non kinausap ako ng friend ng umutang sa akin. Akala ko papagalitan ako kase friend nila yun eh. Sinabihan nila akong ganun daw yung mga kaibigan nila sila mismo ay biktima na din mas malaki daw yung pinautang nila pero kinalimutan nalang daw nila kase friend nila yun eh. Tinanong ko sila kung bakit hindi manlang sila nagsalita sa klase namin, nagkibit balikat nalang sila sa akin. Huwag ko nalang daw silang pautangin sa susunod, talagang hindi na dahil ikaw na yung tumulong at nagmalasakit ikaw pa yung masama.

Kwinento ko ngayon yan sa mga kapatid ko sabi nila kung alam mo na ang ugali ng isang tao huwag ka ng papabitag sa kanila. Okay na yung napagustuhan mo sila ng isang beses. Kasalanan naman nila kung bakit nawala na yong trust natin sa kanila.

Eto pa muntik ng mapaaway si mama sa isa naming kamag-anak dahil may umutang kay kuya ng 3k. Isang taon na siguro iyon noong maningil si mama noong isang buwan medyo tinarayan siya at sinabi ng babae na "bakit sayo ba ako nakautang?". Sinabi ni mama kay kuya yung sinabi ng babae, ay ang bait naman ni kuya hayaan nalang daw total matagal naman na pero sayang din yun eh. Hayaan nalang talaga para wala ng away.

Napapaisip kami bakit iyong umutang ay sila pa ang galit. Tayo pa ang mahihiya sa kanila tapos pag bumalik sila at hindi pinagbigyan ang sama na ng tingin nila at sasabihing madamot na. Ang mahirap makibagay minsan, ang hirap tumanggi sa mga ganitong tao. Sana lang magbayad sila ng kusa para sa susunod maka ulit pa sila kung kaya pa ng bulsa hehe. Kase minsan kahit mayroon kang ipapautang sa tao kung hindi naman katikatiwala yung tao ay wala din..

Sana maisip nila na ang utang ay utang hindi libre. Kase noong kinakausap ka nila hindi naman nila sinabi na libre mo ako kundi pautang!

Sabi ni ate kahit maliit ang sweldo ibudget ng mabuti para maiwasan ang umutang kase pwede itong pagsimulan ng gulo o away, demandahan at hindi pagkakaintindihan at ang masama pa nito baka dumating sa punto na masira ang magandang samahan.


Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

14
$ 3.53
$ 3.27 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @dziefem
$ 0.05 from @Jeansapphire39
+ 5
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Aigoo modus na nila ang utang kalimutan aa. Ang hirap din talaga sa pagpapautang, ikaw na yung nag magandang loob magpautang tapos pag sisingilin mo na sila pa galit hahaa. O kaya tulad nga nyan na kinalimutan na hays. Naalala ko nanaman tuloy may utang sakin 😆 wala na, nakakahiya naman kasi singilin at parang ako pa may atraso. Hahaha.

$ 0.01
3 years ago

Relate ako diyan haha..uy namiss kita asan na yung article mo .

$ 0.00
3 years ago

Kakaupload ko lang haha nagbasa muna ako ii 😁

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha. True yan sis. Pero, pag malaki masyado ang inutang. Pwede man siguro kahit half na lang bayaran niya tas tulong na lang yung kalahati. Pero if payable naman. Gora, singilin. Makibaka talaga. Hahaha

$ 0.01
3 years ago

Hehe tama ka po sis bet ko yan hehe..

$ 0.00
3 years ago

Hirap talaga mag pautang lalo na pag yung umuutang e sa una lang maayos kausap tapos pag bayaran na nawawala nalang sila bigla o kaya andaming dahilan. Ako nagpapautang ako pero nahihiya ako maningil hehe. Kaya minsan hinahayaan ko nalang di naman ako nagpapautang ng malaking halaga wala din ako nun XD.

$ 0.01
3 years ago

Hehe sabi nga nila pag nagpautang ka yung afford to lose lang yung ipapautang hehe

$ 0.00
3 years ago

Tama po kase yung iba not sure kung mababalik haha

$ 0.00
3 years ago

Ito talaga...Intense... Tama talaga ito. HAHAHA, I remember when I was in junior high. I sell clothes sa mga classmates ko. So, inutang niya yung damit na nagustuhan niya. Okay lng naman din sa akin. Pero, my goodness napaka hirap niya talaga singilin. Gravehh, hanggang ngayon di niya pa nababayaran. Di na siya makakaulit sakin. kung utang, dapat bayaran.. tskkk..

$ 0.01
3 years ago

Ilibre mo na sa kanya kaysa naman maistress ka pa sa kanya hehe

$ 0.00
3 years ago

Naalala kopo tuloy yung classmate/kaibigan ko din na nangutang saakin dahil wala na daw siyang pamasahe pauwi sakanila kaya pinautang kopo yung natirang allowance ko ,kaso nung time na siningil kona siya aba sinabihan ba nmn po akong "hay! Hayaan muna yun, kaibigan mo naman ako sige ka f.o na tayo" ayun... Ako na ang tumoluy sa sinabi niyang f.o :) kaya natutu na po talaga ako sa mga ganyang bagay

$ 0.01
3 years ago

Hehe ano po F.O di ko alam yan ah hehe Dinamay na friendship talaga makalibre lang hehe

$ 0.00
3 years ago

Friends Over po, ayun po gusto niya idi binigay ko po sakanya haha:)

$ 0.00
3 years ago

Nsku totoo bhe..ang masaklap pa,ung nagpautang pa ung Kelangan mag adjust..hahahahah naku ranas ko yan..kaya ayaw ko na magpautang..

$ 0.01
3 years ago

Hehe hindi natin masisisi sarili natin kase minsan naaawa din tayo eh..kaya kung nagpautang tayo malawak pasensiya natin hehe

$ 0.00
3 years ago

May mga tao talaga na hindi marunong mahiya. Gagawin ang lahat ng kadramahan at kakapalan ang mukha para lang sa.pera. kya huwag kana magpahiram sir isang aral nalang yun. Huwag mo na singilin let the karma do.

$ 0.01
3 years ago

Oo ngaeh natuto na din kaming huwag puro bigay hehe

$ 0.00
3 years ago

Speechless ako dun sa mga kaklase mo sis. Grabe sila pa yung nangutang ikaw pa yung pinamukhang masama.

Si God nakakita sa kanila sana man lang makonsensya sila. Surrender nalang natin mga worries natin kay God at sya na bahala.🙏

Happy 1st day of October sis!🎉

$ 0.01
3 years ago

Opo bahala na si Lord sa kanila.. Sana lang hindi nila gawin sa iba.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis.. Si God lang nakakaalam sa lahat..🙏

$ 0.00
3 years ago

Sissy nakunkapag usapang utang napapailing na lang ako. Nawalan ako ng ipon dahil sa mga paasa na yan. Nsa 50k diko nasisingil at mukhang mababaon na sa limot 😔

$ 0.01
3 years ago

Halla ate pwede ng pambili ng brand new na motor yan ah..Pero hayaan mo na sila ate Diyos na ang bahala sa kanila ate..

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sissy, masakitblng kpg iniisip pero lesson learn na. Wag mgpautang. Pagdating sa pera if di makuha ng spam sa utang nmn

$ 0.00
3 years ago

Naku sis.. Speaking of utang.. Madami dami din kaming pautang pero yug iba utang hingi na ata.. Wala nang plano magbayad at parang nakalimutan na din nila

$ 0.01
3 years ago

Yun nga yong nakakainis eh buti sana kung kausapin ka nila ng mabuti..

$ 0.00
3 years ago

Wala sis.. Pag nagkakakwentuhan eh hindi manlang mabring up yung tungkol sa utang.. Hehehe

$ 0.00
3 years ago

Grrrrrr ang kapal ng fessssss.... Kung sa akin yan bunsoy nku tatamaan tlga sa akin. Next time mag NO kayo at wla silang magagawa ah. Yan ang ayaw ko na mga ugali tlga

$ 0.01
3 years ago

Huwag kang mag alala ate natuto na din hehe

$ 0.00
3 years ago

Mga kapal muks din naman eh no. Grabe yung klasmeyt mo na yun. Jusko!

$ 0.01
3 years ago

Oo nakakainis sila hindi ko makakalimutan yun kasi parang ang sama na ding tumingin yung mga kaklase ko sa akin..

$ 0.00
3 years ago

Pabarang mo hahaha charottt

$ 0.00
3 years ago

Kainis yung mga fake friends nayun ah. Speaking of utang kanina ko lang nakuha yung pera na sinabing babayaran month of August, then ano na ngayon October 1 na. Lol! Buti nalang nakabayad pa

$ 0.01
3 years ago

Buti naman naalala nila naku marami ang nakakalimot ng utang ngayon dahilannila yung pandemic

$ 0.00
3 years ago

Kaya dapat huwag na talaga sis mag pautang mapapa away ka pa ,mas mabuti pa na kung mangungutang ay sabihin mo na lamang na bigay kobyan sa iyo ... Kase sure naman na di din sila mag babayad

$ 0.01
3 years ago

Ay bet ko po yan sabihin nalang tulong yun para wala ng singil singil hehe

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha makapal talaga mukha ng iba jan. Pero natuto na ko hindi na rin ako magpapautang

$ 0.01
3 years ago

Oo sis maiistress ka lang. Pero may pagkakataon po na nakakaawa yung sitwasyon ng iba kaya walang magawa sila kuya at ate kundi pautangin sila.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka po Hindi lang pera ang sinayang pati pagtitiwala at respeto de bali mas marami pang bleesings na dadating sa nagpapautang kesa nangutang na hindi nagbabayad.

$ 0.01
3 years ago

Opo tama po pero sana hindi nalang sila nagpromise para walang aasahan hehe

$ 0.00
3 years ago