Join 96,357 users already on read.cash

Tula Para Sayo

14 17
Avatar for Yzza0625
Written by Β Β 176
5 months ago
Topics: Poem, Love, Emotion, Letter, Feelings, ...

Ang daming salita ang naglalaro sa isipan,

Pero ang labi ko ay labis na nahihirapan.

Hindi mahagilap ang tamang salita,

Para maipalabas ang tunay na nadarama.

Sisimulan ko na lang noong una kang makita,

Lagi kang mahagilap ng aking mga mata.

Hindi mabatid ng damdamin ang nadaramang tunay,

Parang gustong ikaw ay maging parte ng aking buhay.

Tadhana talaga ay sadyang mapaglaro,

Laging binabalisa ang pusonh tuliro.

Tayo'y pinaglapit at naging magkaibigan,

Naging sumbungan sa mga mapait na nakaraan.

Pusong dati'y lumuluha, ngayo'y naging masaya.

Naging masigla at nakaramdam ulit ng ligaya.

Sa bawat araw na ikaw ang laging kapiling,

Umusbong sa puso ang isang malalim na hiling.

Munting hiling ay dininig ng Maykapal,

Naging maligaya ang pusong tulirong kaytagal.

Hiling ulit ng puso sa Mahal na Birhen,

Habang buhay na pagmamahal aking damhin.

Bawat lugar na napasyalan at napuntahan,

Nag-iiwan ng mga alaalang di malilimutan.

Bawat kislap ng iyong maliliit na mata,

Mga ngiti sa aking labi ang iyong makikita.

Kaligayahang nadama ngayon lang naramdam,

Kahit sa nakalipas hindi nabatid kailanman.

Laking pasasalamat sa Poong Maykapal,

Dahil ikaw ang lalaking aking minahal.

Pasensiya na Mahal ito lang ang maiaalay,

Tulang binuo ng pusong ayaw kang mawalay.

Sa araw ng mga puso, gusto kong malaman mo,

Bawat bigkas ng "Mahal Kita" ay totoo.


Magandang araw po sa lahat. Kamusta na kayo? Sa araw na ito ay ginamit ko muna ang wikang Tagalog sapagkat gusto ko munang magpahinga sa wikang Ingles.

Ang tulang nasa itaas ang ang tulang binuo at isinulat ko noon para sa aking nobyo. Opo, napakacorny ko noon.Lol Sa panahong iyan ay naisipan kong gumawa ng tula para sa kanya sa Araw ng mga Puso. Natatawa ako habang binabasa ko ang tula ngayon. Nakita ko kasi siya habang nagliligpit ako ng mga gamit sa bahay. Minsan, maganda din pala na tinatago mo ang mga bagay na ganyan dahil pagdating ng araw, may mababalikan kang mga alaala. Habang binabasa ko ang tula, sumasariwa sa aking isipan kung paano kami nagsimula ng aking partner. Bumabalik sa aking isipan ang mga pinagdaanan namin noon bago kami humantong sa ngayon. Nakakatuwa lang isipin na nakayanan kong gumawa ng simpleng tula para sa taong mahal ko. Sa katunayan, iyan ang unang beses na gumawa ako ng tula para sa aking nobyo. Sobrang saya ko rin na pinahalagahan din ng partner ko ang tulang ginawa ko na hanggang ngayon ay tinatago niya pala.

Tama pala ang sinabi nila na kapag nagmahal ka, gagawin mo ang mga bagay kahit hindi mo nakasanayang gawin. Ganyan ang kapangyarihan ng pagmamahal. Mahalaga na maalala mo kung paano kayo nagsimula nang sa ganun sa tuwing niyayanig ng pagsubok ang inyong relasyon, maalala mo kung bakit mo nga ba pinili ang partner mo. Di maiiwasan ang mga pagsubok na dadaan sa bawat relasyon. Pero kapag mananatili kayong matatag at laging pinipili ang bawat isa, walang pagsubok ang makakatibag sa relasyon niyo.


Salamat sa lahat na tumatangkilik sa lahat ng aking mga naisulat kahit minsan eh hindi maganda ang aking mga gawa. Maraming salamat po sa inyong lahat. Pagpalain po nawa kayo ng Maykapal. Ingat po kayo lahat.😊

Sponsors of Yzza0625
empty
empty

Sila po ang aking mga mabubuti at magagaling na mga sponsors.

Ang lead image ay ini-edit gamit ang app ng Canva.

8
$ 5.88
$ 5.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.06 from @King_Gozie
$ 0.05 from @Jher0122
+ 2
Sponsors of Yzza0625
empty
empty
Avatar for Yzza0625
Written by Β Β 176
5 months ago
Topics: Poem, Love, Emotion, Letter, Feelings, ...
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Mas dama ang feeling pag sa wikang filipino nakalathala..yiee.. Balang araw ay gagawa din ako ng tula para sa aking mahal.

$ 0.00
5 months ago

From the heart kasi sir eh.😁 I agree sir, basta wikang Filipino ang gamit, mafefeel natin ang bawat mensahe. Share mo din dito sir.hihi I'm sure kikiligin din ang special someone mo.

$ 0.00
5 months ago

Tinuod na ate na basta love nimu ang tawo. Imung buhaton ang bagay na Wala ka nasanay para lang sa iya. Di man corny ang tula ate. Nindot pagkahimu ate. Ganahan ko pag ayo. ☺️❀️

$ 0.00
5 months ago

Hahahah, mao lagi Lang uy. Masweet jud ug ahat basta mainlababo. Harruyyy jema-jema ra c.e na Lang.πŸ˜…

$ 0.00
5 months ago

Hahaa lagi ate basta gugma na. πŸ˜… From your heart mana ate. πŸ₯°πŸ˜

$ 0.00
5 months ago

Noooo. Hindi ako papayag na corny haha. I'm writing poems din kasi for my partner and sa mga naging ex ko haha. We're not corny, we're just sweet haha. Kilig ang nobyo mo. Haha

$ 0.00
5 months ago

Hahaha, kanina nga pinakita ko sa kanya sis, natatawa din siya.

$ 0.00
5 months ago

Hala uie. Kiligon man laman ta'g pinakalit. Mura man gihapon ug February Mamsh.. Haha.. Hilig pud ko magsuwat ing-ane sa una. Pero, mas prefer naho to'ng bisaya Mamsh. Mga lawom nga bisaya pa jud. Balaknon kuno ko, ingon pa nila. Haha..🀣

$ 0.00
5 months ago

Hahha, naa pud koy hinimo nga bisaya mamsh. Ingon akong partner wa daw sija kasabot sa akong gihimo kay lawm daw ang mga terms.haha Mga balaknon diay ta mamsh. Apir ta biπŸ–οΈ

$ 0.00
5 months ago

Hahaha.. Nahilig pud ko kay sige man ko paminaw ug ing.ana sa radyo. Unsa kaha'y reaction sa imong pares Mamsh?πŸ˜… Bitaw, proud bisaya gud ni!πŸ–οΈ

$ 0.00
5 months ago

Oo ate 🀣 dito andaming letters kong naitapon na sinusulat ko before para sa mga ex ko. Puro mga hinanakit letter HAHAHAAH tas may diary pa jusko

$ 0.00
5 months ago

Hahahah. Okay lang na itapon sis, wala na din naman ang mga taong pinagsulatan mo nyan.May diary din ako noon sis, kaso nabasa ng kapatid ko. Nakasulat pa naman dun lahat nga kaemohan ko noon.hahha kaya sinunog ko na lang.

$ 0.00
5 months ago

Kahiya kase may makabasa ate eh HAHAHAAH pamamgkin ko pinagtawanan katangahan ko, bistado tuloy ako hanep HAHAAHAH

$ 0.00
5 months ago

Hahahhaa, nabistado mga emote2 natin sis.πŸ˜…

$ 0.00
5 months ago