read.cash Log in
@Ysa19

Kwekkwek/ Bulastog Niyaya ako ng kapatid ko, kung gusto ko daw sumama sa kanila para magjoyride. Ako naman. ' Oo agad. 😅 Kaya pala ay sa NBI sya pupunta. Haha. Kokonti lang sana yung mga kumukuha ng NBI ngayon. Kaso nung kapatid kona ang nasa unahan, bigla daw nawalan ng kuryente. Sabi daw ng tao dun ay maghintay na bumalik ang kuryente. Paano na lang kung buong maghapon na hindi bumalik ang kuryente? Masasayang yung oras at pagod ng mga tao dun na umaga palang ay nakapila na. Sobrang boring at gutom na kami kahihintay.. Mabuti na lang at may nagtitinda ng "Kwekkwek" ayon busog na ang tummy ko. Matagal na akung hindi nakatikim nito. Musta na kayo mga ka Noise? Bukas pa sana ako magpopost dito kasi February na. Kaso biglang nagpakita na ang araw. Kaya ayon sa tuwa ko napapost na ako dito. Sa wakas matutuyo na ang mga nilabahan ko.haha. Hanggang sa muli po ulit. Nagbabalik napo ang inyong lingkod na nag-iiwan ng walang kabulohan kung mga post. Haha.. ______ Ysa19

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.