read.cash Log in

@Ysa19

Joined 9 September 2022 · 1396 posts

" Through Simplicity comes great beauty"

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Ysa19

Let's Welcome Year "2023" with a big bang 🎊🎊🎊🎊🎊🎊 Musta ang pagsalubong nyo mga ka Noise ng bagong taon? Kami kagabi ay lumabas sa may tabi ng kalsada at nag-aabang ng mga mag-fireworks display, habang nagpapatogtog ng Bluetooth speaker, with sayaw-sayaw din sila, sa kantang " Ting tang ting πŸ˜‰ Way namin yan ng pag-iingay instead magpaputok ng kung ano-ano. Base sa orbserve namin, kokonti yung mga nagpapaputok dito samin at kahit na mga fireworks ay kokonti din. Pero ang sobrang nag-iingay talaga sa may kalsada ay mga grupong mga nakamotor, na halos pinapalipad na nila ang kanya-kanyang motor. Nakakatakot tingnan kasi baka ma disgrasya sila, o sila ang makadisgrasya. Anyways! Katatapos lang namin ngayon maglinis ng bahay. Kaninang hapon kasi ay celebration namin ng bagong taon.. Every January first ay nagtitipon-tipon kami dito sa aming munting tahanan at nagkakaroon ng mga simpling palaro sa mga bata at matanda, nagkakaroon ng exchange gifts. Mga simpling regalo sa bawat isa, mga simpling pa premyo sa mga parlor games, pero yung simpling yun, ay sobrang saya ang hatid samin nun, tawanan, halakhakan, na halos mawala na ang boses mo sa kakatawa at sumakit ang tiyan pa πŸ˜„ Part ng parlor games ay yung viral ngayon na palaro na " Pala-Pala, masaya kung babalita sainyo na isa ako sa nanalo ng cash, hindi naman kalakihan, pero yung sobrang saya ay walang katapat na halaga yun para sakin πŸ˜‰ Ang isang pang palaro ay yung, pinapagulong na lata ng sardinas, kung saan mahinto yung lata, kung magkano ang natapatan nun pera, ay sayo na.. at isa din ako ako sa nanalo ng big amount. Haha.. swerte-swerte lang, nung lastyear ako din yung nanalo sa palarong sandok-sandok.. ahahaha. Ano ba ang secret ko? Tanung ko sagot ko., " Kalma lang " Huwag ma distract sa mga naririnig sa paligid and concentrate. Napahaba napo ang kwento ko... Thank you so much pala, sa mga nakasama ko dito at sumama sa Noisecash/ Noiseapps journey ko nung "2022" at sana samahan nyo parin ako ngayong "2023" Walang iwanan...😘 ______Ysa19 ❀️

@Ysa19

Darating pa kaya? Ang gabing madilim Mabuti na lang at nandyan ang mga bituin. Nagsisilbing ilaw sakin.. Tumingala ka din kaya sa kanya. Para parang magkasama tayong nakatingin sa mga butuin at kislap nya. Dumating kaya ang liwanag? Ilang oras na lang ang "Bagong taon na.. Pero kami ito, nangangapa sa dilim. Dahil sa hindi inaashan na browout sa aming linya.. Advance happy new year na lang po sa inyong lahat. 🎊 Baka matulog na lang ako nito at bukas paggising ko, ibang taon naman ang haharapin ko. πŸ€” _______ Ysa19

@Ysa19

Laughing out Loud πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„ Habang nagtatry akung mag-register kanina sa simcard Registration ng smart, Lumapit ang pamangkin kung makulit, gusto naman manghiram ng phone ko, magroroblox daw sya... Sabi ko sa kanya, wait lang, kasi nagreregister pa ako... Tapos ng makita nya yung " National I'D ko.. bigla syang tumawa ng napakalakas... Sabi nya sakin.. It's that you Auntie? Tawa naman syang malakas πŸ˜„ Sagot ko naman sa kanya," Oo,, ako yan... Tawa naman sya... Its not you .. Its not real .. that so ugly.. sabay tingin sa mukha ko at tawa ng tawa 😁 Pati ba naman batang anim na taong gulang, hindi kumbinsido sa pagkakagawa ng " National I'd 🀣 Nasan naman kasi ang hustisya dun? Yung I'd ko, parang nagmukha akung baboy 🀣 baboy na nakatingla, tapos parang ang background pa ng I'd ay pink na peach, basta ganun ang kulay nya.. Kaya parang larawang kupas 🀣 Ps- Finally na register kona ang smartsim ko, pero hindi sa mismong cellphone ko. Ewan ko, bakit ayaw sa cellphone ko.. Nakigamit ako ng cellphone ng iba, ayon ilang minutes lang, nakaregister agad. Congrats nyo naman ako. 🀣 ________ Ysa19

@Ysa19

Simcard Registration Success πŸ˜‰ Na register kona ang " DITO sim ko,, Saglit lang sya, kasi sa mismong apps ako nag-registered. Hmmm! Smart? Pinagod nya ako, paulit-ulit lang ang ginagawa ko, laging failed. Mahina ang system nila, kaya ayoko na.. sa ibang araw na lang. Total hindi naman nagmamadali yan. May 180 days pa naman bago matapos ang registration! ______Ysa19

@Ysa19

Sale everywhere at Robinson Mall πŸ€” Nagkalat ang offer na sale daw sila, Pero ang mamahal naman. Haha.. Nakakalula parin ang mga presyo. Saan dun ang hustisya? Hehe.. Masabi lang na sale.. Doon lang ako sa mga 100 plus 🀣🀣 Tamang ikot-ikot lang dito, medyo konti ngayon ang mga tao sa Mall . Pero before newyear nito, dagsa naman ang mga tao nito.. ________ Ysa19

@Ysa19

Music Mood 🎧🎡🎢 Ang desyembre ko ay malungkot Pagkat miss ko sila... Anung man pilit kung magsaya... Miss ko kayo kahit hindi Christmas πŸŽ„ Kahit saan man ako Pabaling-baling ng tingin Walang katulad nyo... Ang nakapagtataka Maraming nakakahihigit sainyo.. πŸ˜” Walang makahihigit sa pagmamahal ng isang magulang. Kahit pa bali-baliktarin natin ang panahon. Magulang at magulang sila. Kahit pa mawala man sila sa mundo. Dugo nila ang nananalantay sa ating katawan. Kaya swerte nyo kung hanggang ngayon ay may mga magulang pa kayo. Kaya habang nandyan pa sila, Ibigay nyo ang deserve na pagmamahal para sa kanila. Sabi nga daw, habang nandyan pa ang mga mahal natin sa buhay, Pamilya, kaibigan o kai-bigan man yan.. huwag na kayong mahiyang sabihin na " I Love you" sound corny yan para sakin.. haha.. Kasi hindi natin alam, nandyan lang sya kanina, tapos bukas ay wala na.. Ano naman bang naiisip kung ito.. Nakaka-emo talagang makinig ng mga music. Lumalakbay ang isipan ko.. napapadpad kung saan-saan. Haha. Alam ko, gutom lang ito. Kaya lunch na tayo mga ka Noise.. hehe _____Ysa19

@Ysa19

Suman πŸ˜‹ Nakapasimply lang naman ang hinahanap kung pagkain kapag ganitong pasko.. Kahit mga kakanin lang sakin ay sapat na At ito isa sa hinahanap ko ang " SUMAN" Craving satisfied na ako.. haha.. Magandang hapon mga ka Noise.. Halina at mag-ingay, total pasko naman.. okay lang kung walang gaanong handa o talagang wala, katulad samin . Haha. Ang importante ay hindi natin kalimutan ang totoong diwa ng Pasko ❀️ Sharing kindness is a gift of love ❀️ Wala kang pangregalo sa mga mahal mo? Simpling hug & Kiss lang dyan ay okay nyan.. πŸ€— _________Ysa19

@Ysa19

Hmm. πŸ€” Sa sobrang lamig ngayon, baka sa new year na ako nito maliligo. Hahaha. Kayanin ko kaya? Btw. Ilang oras na lang po at Pasko na. Ano hang handa natin dyan? Kami kasi wala eh.. Kakanin lang sana sakin ay ok na. Favorite ko talaga yung aroyo o kaya suman lang. Baka naman meron kayo dyan? Pa LBC nayan. Haha.. ______Ysang malamig na umaga po sainyong lahat πŸ₯Ά

@Ysa19

Nanginginig ako sa lamig Dinadaya ko sana ang sarili ko, Dinadaya ko na hindi ako nilalamig. Pero ang lamig pala talaga. Haha Ito ako ngayon sa terrace namin, sobrang nanginginig na sa lamig. Paano na lang ang lamig nararanansan ng kapatid ko at pamangkin ko dun sa canada. Puro yelo na ang paligid nila. Parang hindi ako mabubuhay sa malamig na lugar, tamang sa pinas na lang ako. πŸ₯Ά Makahanap na nga ng jacket. Isang memang post ulit mga ka Noise. Hehehe.. ________Ysa19

@Ysa19

Dahon ng Rosas Dahil medyo maulan ngayon, kaya may pa dewdrops muna tayo. Walang pang bulaklak ang halaman, kaya sa dahon muna tayo. 😁 Malakas ang hangin, medyo may kalamigan din. Gusto ko sanang tumambay sa may kainan, para naman marami akung makakausap dun, specially ang batang makulit sana.. kaso maulan nga, kaya tamang kulong naman lang sa kwarto ko, mag general cleaning na lang siguro, para naman pagdating ng pasko ay malinis na ito. Mawala man lang ang goodvibes at mapalitan ng goodvibes πŸ˜‰ Sabayan narin ng pagkanta-kanta.. Kaso baka mas lalo lang lumakas ang ulan, kasalanan kopa yun. Haha.. Magandang umaga mga ka Noise. ________Ysa19

@Ysa19

Amihan Surge again Magiging maulan naman po simula bukas mga ka noise, specially dito sa bicol region. Ito ay tatagal naman daw hanggang December 26, kaya magiging maulan ang pasko namin. Parang ok ito sa mga maraming inaanak dyan. Dahil maulan, walang magmamano po ninong at mano po ninang. Haha.. Btw. Nakapaka-slow ang net ngayon as always. Kanina pa ako nagtatry magpost dito with pics, pero always loading.. _______Ysa19 🀢

@Ysa19

Natawa lang ako kanina,, Ganito ang tawa ko oh 😁 Nakita ako ng pamangkin ko" Grabe yung tingin nya sakin. Ako naman parang nagets kona kung bakit ganun ang tingin nya... Nakita nya kasi ako na nakalipstick ako. Hahaha.. Pambihira lang kasi nila akung makitang maglagay ng lipstick at kahit make-up never pa. Hehe.. Sabay sabi ko sa kanya, wala kasing magawa, kaya naisipan kung maglipstick.. sabay ngiti lang sakin ang bata. Hahaha.. Btw. Medyo tumigil na ang ulan ngayon, sana naman ay huwag ng umulan ulit. Kasi yung pag-uulan na naranasan namin dito ng halos dalawang araw na, na halos walang tigil ay katumbas na daw yun ng ulan sa isang buwan. Kawawa yung mga lubog sa bahang lugar., magpapasko pa naman. Goodevening mga ka noise.. Tamang yakap sa unan at sabay kumot. Ang lamig-lamig dito ngayon πŸ₯Ά _________Ysa19

@Ysa19

NDRRMC Alert Hmm! Pinuyat ako ni "NDRRMC Bigla akung nagigising sa vibration ng cellphone ko galing kay NDRRMC.. Parang hindi na yata titigil ang ulan dito sa Camarines sur simula pa kahapon... nasa orange alert na.. Kawawa naman ang mga nasa flooding area's. Keepsafe always guys sending love and care ❀️❀️❀️ Keep on Praying! πŸ™ ________ Ysa19

@Ysa19

Walang tigil ang ulan... At nasaan ka araw? 🎀🎢🎧 Napasarap ang tulog ko ngayon. Walang tigil kasi ang ulan dito samin,simula pa kaninang umaga at napakalamig ng panahon. May bagyo ba? Sana wala naman.. Ayokong paskong-pasko ay bagyohin naman kami dito. Naranasan nyo ba yun mga ka noise? Nagcelebrate kami ng pasko at bagong taon na madilim. Parang feeling mo ikaw na yung aping-api mundo. Haha. Magandang hapon na lang sainyong lahat. Meryenda nasan kaba? Kahit saging na saba o kaya maruya ay ok na ako, turun, suman, bilo-bilo at yung masarap nga pancit bato ng bikol πŸ˜‹ _______ Ysa19

@Ysa19

Bangon na at harapin natin Ang bagong umaga. Ang sarap pa sanang mahiga at umunat-unat pa sa kama. Habang yakap mupa ang malambot mong unan. Samahan pa ng medyo malamig na panahon. Hay,,sarap buhay dba? Pero teka lang, hindi pweding ganyan ka lang palagi. Bumangon kana at may mga dapat kang gawin ngayon. Hindi pweding humilata ka lang lagi. Lahat tayo ay may kanya-kanyang obligasyon na dapat gampanan sa buhay natin, single kaman o taken, o kaya may pamilya na. Just get up and move. Kung may mga pinagdadaanan man tayo sa buhay, I'm sure malalampasan natin din yan. Kinakaya nga ng iba, kaya mo din yan. kailangan mo lang ng inspiration para malampasan lahat yan..Tumingin ka lang sa taas, Hindi sa kisame nyo ha, kasi baka butiki ang makita nyo.hehe. Sa langit po,, Nandyan lagi siya para sayo πŸ™ Magandang umaga mga ka Noise. Tara na at humigop ng mainit na kape, habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan. __________Ysa19

@Ysa19

Ang Pasko ay Parating Na Tunay ngang pasko ay parating na. Nararamdaman muna ba? Simo'y ng hangin ay malamig na. Mga Christmas tree ay nakatayo na. Mga nagkukutitap na Christmas lights, Tunay ang kulay nila'y hatid ay galak. Mga nakasabit na mga parol. May mga nagtitinda ng mga Bibingaka't puto bumbong. Nawa'y sa paskong darating. Buhay natin'y magningning. Magkakasama ang mga buong pamilya, kahit simpling handa ay sapat na. Sapagkat ang diwa ng pasko ay Wala sa bonggang regalo. O masasarap man na pagkain, kundi ito ay nasa puso at sina-sapuso ❀️ Nahilo yata ako sa katitingin at sabay sa pagkurap ng Christmas lights sa Christmas tree namin. Haha. Kaya kung ano-ano naman ang pumasok sa isip ko, mabuti nayan atleast may pumapasok pa kahit papano πŸ˜‚ _______ Ysa19

@Ysa19

Maaga po akung mangangaroling sainyo. Haha. Tamang libang lang po sa Wesing, matagal na akung hindi nakapagkanta dun, although hindi naman talaga maganda ang boses ko. Haha... https://wesingapp.com/user/609c9486222f338e334c/song/22pxV7RuPf9_vRSF-TroubleIsaFriend?lang=en&ws_channel=copylink&from_page=4510 https://wesingapp.com/user/609c9486222f338e334c/song/88AcfXDsHVt8vDB6-SanaNgayongPasko?lang=en&ws_channel=copylink&from_page=1050 I hope makatulog kayo sa boses ko 🀣🀣🀣 Huwag lang bangungutin.. hehe. Tara na @charlsss _________ Ysa19 🎢🎧🎢 Music trip

@Ysa19

Ysang Tamad πŸ™„ Bagay pala ang name namin ni " Juan Tamad?. Sya Juan.. ako Ysa... Haha.. Just now! Sobra akung tinatamad mga ka noise, gusto ko lang dito sa kwarto, paikot-ikot sa kama. Haha. Kaya naisipang magselfie, kahit magselfie tamad din ako dun! Magseselfie, sabay delete. Haha.. Laging kung sinasabi sa aking sarili, kung pwedi lang maging lalake, para walang problema every month. β›³β›³ Isang memang-mema na post naman po mga ka noise. Hehe.. Ilang days na lang po at pasko naaaa... gift kopo ay huwag kalimutan ha.. Kahit hindi material na bagay ay okay na. 😘 Ps.. Pasensya sa selfie ko... Gulo-gulo hair pose yan. Haha. ______Ysa19

@Ysa19

Butas-Butas na T-shirt 😁 Katatapos kopa lang maligo, Tapos nakita ako ng pamangkin ko.. Sabi nya sakin.. Anty butas-butas na ang damit mo.. Sabi ko naman sa kanya.. Hayaan mo lang yan.. Ang iba nga, sinasadya pang butasin ang damit nila. Hahaha.. Pero sa totoo lang,.may mga konting butas na talaga ang t-shirt ko, dala ng may kalumaan na sya. Kaso favorite kung suotin kasi.. Kaya kahit may mga butas na sya..sinusuot kopa rin sya.. haha. Wala akung pake . Relax akung suotin sya, kahit marami namang iba. Hahaha. Ganun din ba kayo mga ka noise? _____Ysa19

@Ysa19

" Lutang " Yan ang pakiramdam ko ngayon. Parang bangkang nakalutang sa dagat, hindi mo alam kung saan ka tatangayin ng mga alon. Parang umiikot Parang nanlalambot ang mga tuhod. Hindi malaman ang gagawin, Kundi mahiga sa kama at pilitin makatulog. Kulang lang po ako sa tulog. Haha. Sino kaya ang nakakaalala sakin? Kahit anung pilit kung makatulog kagabi ay hindi talaga ako makatulog! _______Ysa19

@Ysa19

Lungkot kadalasan sa atin ay bumabalot. Nandyan yung ikaw ay nayayamot. Ayaw mong makipag-usap, At walang kibo sa sulok. Minsan marami kang gustong sabihin, Pero kapag nandyan na sya o kya sila.. Ay sabay sabing, huwag na lang... Labanan ang dapat labanan.. Kalungkutan ay huwag pairalin araw-araw. Kapag lungkot ay pinairal lagi sa iyong buhay, kawawa ka lang at walang mangyayari sayo habangbuhay. Katulad ng dahon nayan.. Dating masigla at puno ng kulay pa. Pero dumating ang araw at tuloyan na syang nalanta. Kaya ikaw ay huwag mong hayaan na matulad sa dahon nyan. Sige ka, bandang huli ay magsisisi ka.. Kapag maraming oras ay iyong pinalalampas na. ______Ysa19

@Ysa19

Maulan na hapon.. Maulan na hapon sainyong lahat mga ka Noise. Dala ng LPA at kapag maging ganap itong bagyo ay papangalanan itong 'Bagyong Rosal... Sana naman ay hindi tuloyang mabuony bagyo ito, kasi Bicol naman ang target nito! Bakit lagi na lang samin? Bakit.. bakit? Pwedi naman dyan sainyo! Haha. Joke lang po. Btw. Maghapon ding walang kuryente dito samin. Kaya ayon, para hindi ma bored, tulog lang po ang katapat nyan. Hindi rin kasi makalabas ng bahay dahil sa ulan..Keepsafe na lang po tayong lahat mga kapatid, kapuso, kapamilya, karamay, ano paba? Haha.. Basta yun na... ________Ysa19

@Ysa19

Feel the air of Christmas 🌲 Tambay lamang po sa labas ng bahay, habang nilalanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking katawan. Ito ay senyales na, papalapit na nga ang pasko. Balik na nga tayo sa normal na buhay. Si covid ay parang bakas na lang ng nakalipas, nakalipas na sobrang nagpahirap satin. Kaya ngayong bumalik na sa normal ang pagkilos natin.. Huwag naman nating abusuhin.. Kasi once umabuso tayo, satin din babalik ang resulta nito.. _______Mamamasko po..... Ysa19 😁

@Ysa19

Maraming mga bagay-bagay ang naiisip natin, kapag tayo ay malungkot, stress sa buhay, stress sa lovelife, stress sa trabaho at stress sa pag-ikot na mundo. Hindi muba alam kung bakit nararamdaman natin ito? Kasi mga tao lang tayo. May puso at damdaming nasasaktan. Swerte nga natin kung tutuusin. Bakit? Kasi pagpapatunay lang yan na, hindi tayo mandhid. May pakiramdam parin., Gumagalaw at huminga parin. Kaya pa nating ayosin ang sa tingin natin ay mali at itama natin ito. Sabi nga, tumayo ka, kumilos ka.. At huwag ka dyan sisimangot na lang at nakanganga. Baka sa ginagawa mong yan, ay mapag-iwanan kana ng iba. Hindi ka makasalo ng paulan ng ibang pera. Hehe. Kaya kilos na, huwag mung hintayin na paluin kapa ng iyong Ina. Haha.. Ysa19 -🌺

@Ysa19

Blue πŸ’™ Sya si Blue, ang bagong pet ng kapatid ko. Bigay lang sa Kanya yan ng pinsan namin. Ang ganda sanang mag-alaga ng pusa.. Kaso konting pagkakamali mo naman sa kanila ay kakalmutin ka o kaya kakagatin kapa! Haha.. Kaya ako, sobrang iwas kona talaga sa mga pusa, pero kahit anung iwas ko sa kanila, ay sunod parin ng sunod sakin. Mahigit two weeks ng simula ng kalmutin ako ng pusa, mabuti na lang at wala namang nangyari sa pusang nakakalmot sakin, maliksi at ubod ng kulit parin sya, that i means, wala syang rabies. Hehe.. Anyway! Musta na kayo mga ka noise? Ilang days na lang at pasko na.. Sino kaya ang magiging Santa Claus ko ngayon? O kaya instant ninong at ninang dito sa Noise? Haha... Sa totoo lang, hindi ko alam kung sino talaga ang ninong ko, nakalimutan kung tanungin ang mga magulang ko.. hehe.. Kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng Christmas gift from ninong o kay ninang πŸ˜‚ ________Ysa19

@Ysa19

Well done! 😁 Ayan! Finally na import kona rin ang mga post ko from noisecash to noiseapps.. Sayang din talaga ang mga memories dun, at pwedi nating ipagpatuloy dito.. Goodmorning everyone! Medyo maulan at malamig ang panahon ngayon. Kaya naman, laganap ang ubo at sipon ngayon. Pati yung kapatid meron ubo at sipon at may konting lagnat din.. Kaya sabi ko sa kanya.. Inuman agad nya ng Bioflu . Mabuti na yung naaagapan agad.. Para huwag ng lumala pa.. ________Ysa19

@Ysa19

Email from NoiseCash Team Pwedi konang i import yung mga post ko dito. Kaso need paba o hindi na? Ano sa tingin nyo mga ka Noise? _______Ysa19

@Ysa19

Leaving on a plane ✈️✈️ Few ours from now, aalis na ang mga bakasyonista namin. Nagrerequest pa sana si little boy, ng another week pa daw sa mommy nya, kaso hindi na pwedin, kasi nag-aaral sya at magbackto work na ang daddy nya. Sobra silang nag-eenjoy ng kanyang kapatid na babae dito. Maraming nakakausap at nakakalarong mga pinsan. Sasama sana ako sa paghatid sa kanila sa Albay Airport, kaso hindi kasya sa sasakyan. Haha. Kumusta na pala ang ulan ng pera? Nakasalo naba kayo? Hehe.. _______Ysa19

@Ysa19

Gumala ka habang wala kapang gout. Natawa naman ako dito, nadaanan ko lang ito sa kabilang ibayo. Gala lang ng gala, habang wala kapang gout. Kasi once may gout kana talaga, once inatake kana nyan, puro aray tiis ang aabutin natin yan.hehe. Kaya enjoy lang, habang may pagkakataon, lalo na ngayong magiging kabila at kanan ang mga party-party kung saan-saan. Kumusta na kayo dito? Medyo na busy lang ng konti, kaya hindi ko naisipang magpost dito. Medyo marami akung namimis. Hindi masyadong maingay ang mundo natin. Hindi kagaya nung nasa kabali pa tayo, na kahit walang nakukuha ay tuloy-tuloy lang ang ingay dun. Kakamis talaga! Pero tuloy lang, ang lahat talaga ay nagbabago. ______Ysa19

@Ysa19

Unang araw ng Desyembre, Tayo muna ay mag muni-muni. Kung anung ikabubuti para Satin mga kuya at ate. Buwan naman ng kapaskohan Sigurado kabila at kanan ang handaan. Huwag masyadong pakabondat kaibigan, sapagkat ang tiyan mo ay sobrang magkakalaman, paano na lang ang abs mo nyan?o d kaya, alta presyon ay magtaasan. Haha. Ilang tulog na lang, kaarawan naman ng batang pinanganak sa sabsaban. Pinangalanan syang Jesus, na sya ang umako ng kasalanan nating lubos-lubos. Kaya tayo ay magmahalan. iwaglit ang galit sa puso at isipan. Kung siya man ay nagkasala sayo kaibigan, siya ay bigyan mo ng kapatawaran at muling mong buksan ang puso mo at muli mo syang pagbigyan. Ang diwa ng Pasko ay wala sa anu mang regalo. Kundi ito ay nasa ating Puso,hindi lang puro nguso at dapat isasapuso. ❀️❀️ Anyway! Kaarawan pala ngayon ng eldest brother ko. Magrent daw sila ng videoke, kaya mapapalaban ang natatago ko nitong boses, o dapat nga talagang itago na lang? Haha. ______Ysa19 #Goodmorning #HelloDecember