read.cash Log in
@Ysa19

CANCER bakit ka naman ganyan? Bakit unti-unti mong kinukuha ang mga buhay! Isa naman sa kapamilya ko o kapuso ang nagpaalam dito sa mundo, dahil sa sakit na breast cancer. Nakakalungkot isipin, na yung babaeng punong-puno ng pangarap sa buhay at alam kung fighter sya, pero sa isang iglap ay biglang nanghina sa sakit na breastcancer. Nung March 11 ay binawian ng buhay ang first cousin ko. Isinugod sya sa St. Lukes Hospital ng pamilya nya. Pero sabi ng doctor sa kanila. Hindi na kakayanin ng katawan ng pasyente at araw at oras na lang ang itatagal nya. Kahit ganun ay pinaconfine parin sya, baka sakaling magkaroon ng miracle. Pero may kasabihan nga, kapag oras muna ay oras muna at wala kang magagawa. Nang mabalitaan ko yun, bigla akung nanlumo at nagpakatatag. Pilit kung inilihim muna sa mga kapatid ko. Dahil yun din ang gusto ng pamilya ng namatay na huwag munang ipaalam sa lahat ang kamatayan nya. Kasi alam ko din yun ang gusto ng pinsan ko, iilan lang ang sinabihan nya tungkol sa kalagayan at totoong sakit nya at isa ako don. Hindi ko naman masasabing close kami, dahil matagal na silang wala dito sa bicol Bibihira lang kaming magkachat. Kung magchat man kami ay puro about sa bible ang sinasabi nya sakin. Pero lagi nyang sinasabi sakin na always think positive lang. Maging matatag lagi sa hamon ng buhay. Ako daw ang favorite nya sa aming magkakapatid, dahil ako daw ang pinakamabait πŸ˜‰ Mataray sya, pero pagdating sakin, ang bait nya.. ❀️ Btw. nasa San Jose Del Monte Bulacan sya ibinurol. Pinag-usapan namin dito at pati ibang mga pinsan nya kung pupunta para makabisita sa burol nya. Kaso may kanya-kanyang mga obligasyon araw-araw sa buhay. Kaya baka yung iba na lang na malapit sa bulacan ang dadalaw sa kanya. Gusto ko naman sana syang makita ng personal. Pero sabi ng kapatid ko, magsasama-sama na lang kami dito sa bahay at magvideocall na lang kami dun, para naman makita namin sya kahit sa videocall lang' Huwag lang syang mag ' Hi and hello sakin.. Tiyak takbuhan lahat yan πŸ˜‚πŸ˜‚ Hay naku mga ka Noise.. ang bigat sa pakiramdam, pero kailangan tanggapin. Lahat tayo ay darating sa point nyan. Ang mawawala sa mundo at magiging alaala na lang ng mga taong maiiwan natin πŸ₯Ί _____Ysa19

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.